Pj Pov's
Hindi pa din ako makapaniwala na magasawa na kami ni Miguel kasi parang isang panaginip lamang ang lahat. Parang kelan lang ay hindi ko pa sya matanggap tanggap pero ngayon ay asawa ko na sya. Pagkatapos ng kasal ay agad na din kaming umalis upang umuwi dito sa amin sa Batangas. Buong byahe ay binabagabag ng kaba ang puso ko. Hindi ko alam kung paano ko magagawang ipaliwanag kay Tita ang lahat ng nangyari. Pati na din kina Racquel at Imie. Pero alam ko naman na maiintindihan nila ang naging desisyon naming ito kahit sa totoo lamang ay napakabilis ng lahat. Kagabi lang ay ngpropose sya at ngayong araw ay ikinasal na din agad kami. Sino ba naman ako para tumanggi sa kanya? Ayaw ko na din naman magkahiwalay pa kami.
"Andito na tayo, mahinang wika ni Miguel dahilan para mapatingin ako sa paligid.
Dahil sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko na namalayan na nakarating na pala kami. Saglit muna kaming nanatali sa loob ng sasakyan bago napagpasyahang bumaba.
"Okay ka lamang ba Mahalko? Nagaalalang tanong nito sa akin ng makalapit na kami sa gate.
Agad ko naman syang tiningnan at kahit hindi ko nakuhang magsalita ay alam kong alam nya ang sagot ko.
"Wag kang mag-alala,andito ako. Ako ang bahalang magpaliwanag ng lahat, sana lamang ay matanggap nya ang ginawa natin, seryosong wika nito habang pinipisil pisil pa ang kamay kong nakadaop sa palad nya.
Sinuklian ko naman ito ng isang tipid na ngiti bago kami tuluyang tumuloy sa loob.
Agad kong pinindot ang doorbell ng bahay at ilang segundo lamang ay bumukas na din ito.
"Anak buti naman at umuwi ka na, masayang wika ni Tita ng makita ako nito. At ng tuluyan na nyang ibukas ang pinto ay ganun na lamang din ang pagbabago ng masayang mukha nya ng nakita ang lalaking kasama ko. Hindi ko naman masisis si Tita kung bakit ganito ang reaksyon nya.
Agad naman nitong pinasadahan ng tingin si Miguel na ngayon ay naramdaman ko ang pagpisil sa aking palad.
" Pumasok na muna kayo sa loob at mukhang may dapat kayong ipaliwanag. Seryoso at walang emosyon na wika ni Tita. Naunang humakbang si Tita habang kami ay nakasunod lamang dito.
Pagkapasok namin ay agad naman kaming naupo sa sofa. Tila nagpapakiramdaman pa kami kung sino ang unang magsasalita sa amin. At sa huli ay ako na din ang bumasag ng katahimikan.
"Tita si Venice po? magalang na tanong ko dito.
"Nasa kwarto nya kasama ni Marie. Tipid na sagot nito.
"Tita may gusto po sana kaming ....... Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla na lamang magsalita si Miguel.
"Magandang hapon po Tita Alma, magalang na bati ni Miguel kay Tita ngunit tingin lamang ang isinukli ni Tita dito.
"Una po sa lahat gusto kong humingi ng kapatawaran sa inyo dahil hindi ko nagawang matupad ang ipinangako ko sa inyo nuon, sana po ay mapatawad nyo ako. Seryosong wika nito. "At pangalawa po kaya po ako nandito sa harapan nyo ngayon ay para ipaalam po sa inyo na...
Bahagya pa itong tumigil sa pagsasalita at bahagyang tumingin sa akin at tumango naman ako dito..
"Pinakasalan ko na po si Jewel pagpapatuloy pa nito.
At ng tingnan ko si Tita nanlaki ang mga mata nito sa narinig at saka ibinaling sa aking ang kanyang paningin.
"Anak, totoo ba ang sinasabi ng lalaking ito? madiing tanong nito.
BINABASA MO ANG
Spending Time With You (COMPLETED)
General FictionAno gagawin mo kung isang araw iwan ka na lang ng taong mahal mo ng wala man lang dahilan? At kung kailan natutunan mo na syang kalimutan sa loob ng ilang taon ay duon naman sya biglang papasok muli sa buhay mo na para bang walang sakit na nangyari...