Chapter 9

3.9K 109 1
                                    

Where there is great love, there are always miracles.
- Willa Sibert Cather

Harold Pov's

Andito kami ngayon ni Jewel sa kahabaan ng bay walk. Gusto daw kasi nya panuorin ang sunset at sa palagay ko magandang ideya naman yun dahil gusto ko din makitang lumubog ang araw kasama sya. Sa panahon ng panliligaw ko sa kanya alam ko sa sarili ko na nahulog talaga ang loob ko sa babaeng ito. Mula sa pagiging simple nya lahat sa pagkatao nya ay minahal ko.
Madami din akong nalaman tungkol sa buhay nya at nakaramdam ako ng lungkot ng malaman ko na wala na pala syang mga magulang. Ngayong araw mas napatunayan ko ang pagmamahal ko sa kanya. Kanina habang kumakain kame hindi ko maiwasan na hindi sya titigan. Napakaganda nyang talaga. Walang kaarte artr sa katawan. Kahit sa pagkain ay napakanatural nito. Malayong malayo sa kanya si Lian. Si Lian kasi masyadong mapili sa mga bagay bagay hindi ko din naman sya masisisi kasi ipinanganak syang nasusunod ang lahat ng layaw sa buhay. Minsan nga natatawa na lamang ako kapag naiisip ko na paano nga ba ako nainlove sa taong yun. Masasabi kong sa loob ng 7 buwan simula ng maghiwalay kami ay nakamoveon na ako. Salamat sa babaeng kasama ko ngayon dahil ng dahil sa kanya mas naliwanagan ako tungkol sa tunay na kahulugan ng pagibig. Nakakabakla man pakinggan pero yun talaga ang totoo.

Hey! Malumanay na wika ko kay Jewel na nasa tabi ko ngayon at malayong nakatingin sa mga ulap.

Agad naman syang napalingon sa akin ng nakangiti.

"Miguel wika nya..

Nakasanayan na nya akong tawaging Miguel sa totoo nyan ayoko na tinatawag ako sa pangalan kong yan pero kapag sya ang bumabanggit parang musika ang dating nito sa akin. Sya lang din kasi ang kaisa isang taong tumatawag sakin nun.

Bakit Jewel? May gusto ka bang sabihin? Malumanay na wika ko.

Miguel ano kasi aahh .. Pautal utal na wika nya. Sinasagot na kita.

Pagkarinig na pagkarinig ko ng sinabi nya ay agad akong tumayo at malakas na napa sundok  sa hangin sa hangin sabay sigaw ng salitang Yes! Nakakuha ako ng ilang atensyon mula sa mga taong nasa paligid. Para ata akong baliw sa ginagawa ko pero wala akong pakialam sa kanila dahil sobrang saya ko.

Agad akong lumapit sa kanya at agad ko syang niyakap. Bakas ang pagkabigla sa kanya pero makalipas ang ilang segundo naramdaman ko na lang ang mga bisig nyang gumanti ng yakap sa akin. Saglit akong humiwalay sa kanya at may kinuha aq mula sa bulsa ko.

Kinuha ko ang isang pares ng kwintas. Isa para sa kanya at ang isa ay para naman sa akin. Nabili ko ito ng minsang pumunta kami ng pamilya ko sa Japan. May nakaukit dito na Japanese Word na ang ibig sabihin daw nun sa Japan "magkahiwalay man daw ang dalawang taong may suot nito darating pa din ang panahon na muli silang pagtatagpuin ng tadhana para patunayan ang tunay na kahulugan ng walang hanggang pagmamahalan". Masyadong korni man pakinggan pero maganda naman ang ibig sabihin pero hindi ko naman hahayaan na kailangan pa muli naming pagtagpuin ng tadhana para patunayan yun. Dahil hindi ko sya iiwan. Nakaplano ko talagang ibigay sa kanua ito ngayong araw pero mas naging espasyal ngayon dahil sinagot na nya ako.

Agad kong isinuot sa kanya ang kwintas na ito.

"Ang ganda naman nito mahinang wika nya. Sawak sa pendat nito.

Anong ibig sabihin ng mga letrang ito? Tanung pa nya pero halip na sagutin ko sya ibigay ko sa kanya ang kapares na nito.

Pwede bang isuot mo sa akin ito? Malambing na wika ko.

Agad naman nyang isinuot ito.

Pareho tayo? Masayang saad nya.

Oo. At yan ang magiging simbolo ng pagmamahal ko sayo. Sabay yakap muli sa kanya. Hindi ko alam na ganito kasaya ang araw ko. Kung alam ko lang na ganito sana nuon ko pa sya nakilala. Pero pasalamat na din ako sa panrereject ni Lian sa alok kong kasal sa kanya kundi dahil duon hindi ko makikilala ang babaeng ito.

Alas otso na ng mapagpasyahan namin umuwe. May pasok pa din kasi kami bukas at ilang buwan na lang magsisipagtapos na kami.

"Pasok na ako sa loob mahinang wika ni Jewel.

" Wala man lang ba akong goodbye kiss nakangiting wika ko at agad naman syanh pinamulahan ng mukha.

"Pwede ba kitang halikan? Paalam ko sa kanya at dahan dahan naman syang tumango.

Agad akong lumapit sa kanya at binigyan sya ng isang mabilis pero punong puno ng pagmamahal na halik.

Nakita ko pang namula na naman ang mukha nya pagkatapos ng halik na un.

Pasok ka na sa loob Mahal wika ko.

Iloveyou wika ko pa bago sya tuluyang tumalikod.

Iloveyou too ingat ka pag uwe. Nakangiting sagot naman nya.

At sumakay na ako sa kotse ko at tuluyan na akong umalis.

Pj Pov's

Ilang oras na ang nakakalipas mula ng ihatid ako ni Miguel dito sa dorm at hindi pa dib ako makapaniwalang kami na. Oo kami na dahil di ba nga sinagot ko na sya. Hindi mapawi ang ngiti sa mga labi ko ng maalala ko ang reaksyon nya kanina. Para syang bata na nakatanggap ng isang magandang regalo. Kailangan pa talagang nyang sumigaw kanina nakakahiya tuloy dun sa mga taong magtinginan samin kanina pero hindi naman nya pinansin yun. Kitang kita ko sa mga mata nya kung gaano sya kasaya. Napahawak aq sa kwintas na binigay nya.

"Ano kayang ibig sabihin ng simbolong ito? Tanung ko sa isip ko. At pareho kaming meron nito. Hindi ko na lamang muna masyadong inisip yun. Kanina nakatanggap ako ng mensahe mula sa kanya.

From Harold Miguel
I'm home. Thankyou for this wonderful day Mahal ko. Iloveyou

Hindi ko mapigilang kiligin dahil sa tinawag nya akong Mahal ko. Yun ba nag magiging endearment namin. Kinikilig ako sa ideyang ang hunk at gwapong Harold Miguel Samonte ay may pag ka cheesy palang itinatago sa likod ng napakagwapo nyang mukha.

Wala si sis sa dorm ng umuwe ako. Saan kaya nagpunta yun at wala pa din? Napaisip ko.

Maya maya lang ay nakarinig ako ng tunog ng sasakyan sa labas at agad kong tiningnan sa bintana kung sino ang nasa labas.
Nakita ko ang bestfriend ko kasama si Sherwin isa sa mga kaibigan ni Miguel. Hmm I smell something fishy sabi ko sa utak ko at hinintay ko na lamang si Sis na makapasok sa loob.

Halata sa mukha nya ang pagkagulat ng makita akong nakatayo sa may bintana.

Ikaw sis ha may hindi ka ata sinasabi sa akin nanunuksong wika ko sa kanya. Sige nga ipaliwanag mo sa akin yung nakita ko sa labas. Bakit kasama mo si Sherwin? Nakangising tanung ko

" Ah wala yun sis nagkita lang kami sa mall kanina tutal pauwe na din ako nun nag offer sya na ihatid ako. Wag kang aning jan seryosong sagot nito.

"Hahahahahaha sis nagtatanung kang ako para ang deffensive mo naman ata nakatawang sabi ko. Nga pala sis kami na ni Miguel. At napa O shape lamang ang kanyang bibig.

"Really sis? Omg! Nagdadalaga ka ng talaga Im so happy for you sis sana lang walang maging dahilan para masaktan ka nya dahil kapag ginawa nya yun sisipain ko ang betlog na nakatawang saad nya.

Ikaw talaga sis puro ka kalokohan wika ko. At sabay na kaming nagpahinga.

--------
Pasensya na kung mejo mabilis ang kwento hah may hinahabol kasi si Ms. Author lol 😀 mwah 😘

Spending Time With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon