"It's time to say goodbye, but I think goodbyes are sad and I'd much rather say Hello. Hello to a new adventure."
--- Ernie HarwellPj Pov's
Halos hindi maalis ang saya sa mukha ni tita at ng mga kaibigan ko ng isa isa ng ilagay sa akin ang mga medalya na bunga ng aking paghihirap. Nakagraduate ako at nasungkit ko ang pag ka Cum Laude. Naniniwala na ako sa kasabihan na kapag may nawala sayo may darating na mas magandang kapalit. At alam kong sa pagkakataong ito ay nakuha ko na ang sagot. Halos alas 7pm na din ang natapos ang graduation namin. Masayang masaya kaming tatlo nina Rac at Imie dahil may mga honor din naman sila. Kami na ata ang definition ng beauty and brain hahaha. Habang papalabas na kami ng pinagdausan ng okasyon ay sakto namang nakita namin ang grupo ng mga kaibigan ni Miguel. Kasabay nga din pala namin sila na grumaduate ngayong araw. Nakita ko na papalapit sila sa kinatatayuan namin ngaun nina Imie at Rac. Sina tita nga pala ay umuwe na kanina dahil kailangan uwe sya ng batangas dahkl walang magaasikaso ng tindahan kaya naman isinabay na sya ng magulang ni Imie dahil may maagang meeting pa daw ang mga ito kinabukasan kaya hindi na nila natapos ang program. Ganun din ang magulang ni Rac. Kaya ngaun kaming tatlo na lamang ang magkakasama."Congrats Gorgeous pati na rin sa inyo Rac at Imie nakangiting wika ni Fritz ng makalapit ito. Habang sina Albert, Sherwin at Junix naman ay nasa tabi nito.
" Congrats din naman sayo Fritz pati na rin sa inyo sabay tingin ko kina Albert. At agad din naman nila akong tinugon.
So paano una na kami sa inyo wika ko naman. Akmang hahakbang na kami ng magsalita si Sherwin.
"Precious may lakad ba kayo ngayon ng mga kaibigan mo? Sabay tingin nito kay Imie at nakita ko pa ang ngiting ibingay nya dito. Isang ngiting makahulugan.
"Agad naman akong lumingon kay Imie na mukhang nagulat pa at kay Rac na tahimik na nakatingin lamang sa amin.
" Wala kaming lakad ngayon Sherwin. Katunayan nga ay pauwe na kami di ba Racquel? Di ba Sis? May pakindat kindat pang nalalaman. Biglang wika nitong si Imie. Napailing na lamamg akl sa inasta nitong bestfriend ko.
" So pwede ko ba kayong imbitahan mamaya sa bahay. May maliig na celebrasyon kasi kami. Yun ay kung ok lamang sa inyo. Seryosong wika pa Sherwin.
"Oo nga naman. Tutal graduate na tayong lahat icelebrate na natin ito at para naman magkakilala kilala pa tayong lahat. Singit naman ni Albert. Sa kanila kasing magkakaibigan si Fritz lamang ang kaclose ko. Hindi ko pa din masyadong nakasama o nkakausap itong sina Albert.
" Pumayag na kayo girls besides Sophie will be there too. Wika pa ni Junix
Habang si Fritz naman ay mukhang naghihintay ng sagot namin.
" SURE. Mabilis na sagot ni Imie.Pupunta kami di ba Sis habang nakatitig sakin at sinasabing umoo ako.
Kahit kailan talaga ang babaeng ito hindi nagiisip. Hindi ba nya naisip na maaring nandun din si Miguel dahil mga kaibigan nya ito. Yan kaso agad ang una kong naisip kanina pa. Pero paano pa ako tatanggi sa pagkakataong ito. Tumango na lamang ako bilang pagsang ayon.
"Okay good. So paano sunduin na lamang namin kayo mamayang 9 pm. Nakangiting wika ni Sherwin habang kay Imie nakatingin. Nakakahalata na ako sa dalawang ito ah. Parang may dapat akong malaman dito kay sis. Mukhang may itinatago sa akin.
" Ako na lamang ang susundo sa kanila. Biglang wika ni Fritz. At agad namang sumang ayon si Sherwin.
So paano girls mauna na kami sa inyo ha. At congrats ulit sa inyo lalo na sayo Precious. Wika pa ni Sherwin. Nginitian ko lamang sya at tuluyan na silang umalis sa harapan namin.
BINABASA MO ANG
Spending Time With You (COMPLETED)
General FictionAno gagawin mo kung isang araw iwan ka na lang ng taong mahal mo ng wala man lang dahilan? At kung kailan natutunan mo na syang kalimutan sa loob ng ilang taon ay duon naman sya biglang papasok muli sa buhay mo na para bang walang sakit na nangyari...