" Cheating and Lying aren't struggles. They're reason to break up."
--- Patti Callahan HenryPj Pov's
Dalawang linggo na din akong naririto sa Batangas mula ng araw na umuwi kami mula maynila. Araw araw din akong kasama ni Tita sa aming maliit na negosyo dahil wala naman akong gagawin sa bahay kaya tinutulungan ko na lamang sya. Kung saan saan din ako nagpasa ng aking CV para makahanap ng trabaho. Tinanggihan ko anh alok sakin ni Rac na trabaho dahil nahihiya naman ako. Gusto ko kasi sana ako mismo ang maghahanap ng trabaho hindi yung tutulungan nya ako na makapasok sa kompanya nila. Gusto ko kasi mapatunayan sa sarili ko na kaya ko.
Habang abala ako sa pagaayos ng ilan sa aming mga paninda na kakadeliver lamang ay nakatanggap ako ng mensahe mula kay Imie.
From Sis ☺
Sis punta ako sa bahay nyo mamaya. May sasabihin ako sayo. At bawal ang humindi 😁Kakaiba talaga itong bestfriend ko hindi ko pa nga alam ang sasabihin nya bawal na agad humindi. Eh paano pala kung balak nya akong iparape? Syempre joke lamang yun. Agad ko naman syang nireplayan.
To Sis ☺
Okey. Nasa tindahan pa ako ngayon pero uuwe din ako mamayang 3 o'clock. Text ka na lang kung anung oras mo balak pumunta. --- sentAgad naman syang nagreply at sinabing pupunta na din sya pag nakauwe ako. Hindi naman sya excited sa sasabihin nya. Pero ano naman nga kaya yun? Nakakacurious.
Nang makauwe ako sa bahay ay agad ko naman syang tinext at sinabi ko na nasa bahay na ako. At wala pang 10 minuto ay dumating na din ito. Summer na summer ang outfit nito. Sabagay summer pa naman talaga ngayon.
Agad naman itong naupo sa aming sofa. Oh di ba feel na feel nya ang bahay namin ganyan talaga sya. Hindi na naghihintay ng alok haha
"Ano ba yang sasabihin mo at mukhang hindi makakapghintay? Wika ko dito at naupo naman ako sa katabing upuan nya.
"Sis kasi pupunta na ako ng London. Susunod na ako kay Ate Irene duon. Simpleng wika naman nito.
"Ah ganun ba? Eh di goodluck sayo malay mo at andun ang maging swerte mo. Nakangiting wika ko dito kahit sa totoo ay nakaramdam ako ng lungkot ng sabihin nya ito. Ilang taon din kami na magkasama at ngayon ay maghihiwalay kami. Hindi lang ako sanay na magkakalayo ng ganun.
"Sis ang totoong pakay ko naman talaga kaya kita kinakausap ngayon ay gusto kong itanung sayo kung gusto mo bang sumama sa akin dun? And besides mom told me last night to ask you about this. And she said, If you want to come with me she will be preparing all the papers to get your visa. Kaya sis please say yes. Di ba pangarap mo din naman na makapunta ng ibang bansa. Masayang wika nito habang hawak hawak pa ang mga kamay ko.
"Sis sa totoo lang masaya ako sa sinasabi mo pero yung sumama sayo papuntang London ay hindi ko agad masasagot ngayon. Hindi ko alam kung papayagan ba ako ni Tita at saka nakakahiya naman kay Tita Mildred. May savings pa naman kami sa bangko. Siguro ay sapat na yun kung gugustuhin ko sumama sayo. Seryosong sabi ko.
"Ganito na lamang sis kausapin mo muna si Tita Alma sabihin mo sa kanua ito then saka ka magdecide. At kung ang iniisip mo ay ang gastusin si Mommy na ang bahala dun. Wag muna lamang galawin ang savings nyo. At kung nahihiya ka naman dahil duon ganito na lang isipin mo na lamang na utang mo yun at hindi libre. Tapos bayaran mo na lamang kung kelan mo gusto. So Deal? Nakangiting wika nito.
"Bahala na sis hah. Kakausapin ko muna si Tita mamayang gabi. Hindi ko kasi alam kung papayag sya. Haler London na yun ha hindi na maynila. Hindi ako makakauwe ng linguhan dahil hindi naman pwede magbus mula London hanggang Pilipinas tumatawamg wika ko. At natawa na din lamang naman sya. Makalipas ang ilang minuto ay nagpaalam na din ito na uuwe na dahil may lakad pa daw sila ni Tita Mildred ngayong hapon. At bago pa ito tuluyang umalis ay inulit ulit na naman nito ang tungkol sa sinasabi nito.
BINABASA MO ANG
Spending Time With You (COMPLETED)
General FictionAno gagawin mo kung isang araw iwan ka na lang ng taong mahal mo ng wala man lang dahilan? At kung kailan natutunan mo na syang kalimutan sa loob ng ilang taon ay duon naman sya biglang papasok muli sa buhay mo na para bang walang sakit na nangyari...