Chapter 16

3.2K 101 1
                                    

 
  Sacrificing your happiness for the happiness of the one you love, is by far, the truest type of love.
--- Anonymous

Pj Pov's

  Tulad ng mga nakaraang araw papasok na naman ako sa school. At syempre kasabay ko ang aking bestfriend na mahilig pumarty. Katulad ng reaksyon ko ang naging reaksyon nya ng sabihin ko sa kanya ang nangyari kahapon. Nagoffer pa nga sya na kung kailangan ko ng pera pambayad ay handa sya na pahiramin ako dahil may savings naman daw sya. Pero syempre tumanggi naman ako hindi naman porke bestfriend mo ay go ka na lang ng go. May ego pa din naman ako kahit paano at tska magagawan ko ng paraan yun.

Papasok na kami ng gate pero nagtataka ako kung bakit walang Miguel na naghihintay sa akon? Tiningnan ko ang phone ko para alamin kung may mensahe ba na mula sa kanya pero nadismaya ako ng makita kong wala. Araw araw naman ngtetext ito sa akin twing umaga pero bakit ngayon eh wala.

" Sis yung mukha mo kay aga aga nakasimangot ka. Wika ni Imie na nakatayo pa din pala sa tabi ko.

"Kasi wala man lang text! Tapos wala din sya dito. Malungkot na wika ko.

"Jusmiyo ka naman Sis ay baka naman walang load kaya hindi nakapagtext o baka naman kaya wala pa dito ay baka natrapik. Iba talaga pag firstimer wika nito at sinabayan pa ng tawa. Oh sya sige sis mauna na ako at iwinagayway na lamang ang isa nyang kamay at naglakad na din patungo sa building nila.

Kinuha ko muli ang celphone ko at nagsimulang magtype duon.

To Mahalko ❤
  Goodmorning Mahalko.. Asan ka na? Andito na ako sa skul sa room na lang tayo magkita. I love you. Ingat ka  --sent

  Nagsimula na akong maglakad patungo sa room namin. Pakiramdam ko may kakaiba ngayon araw. Hindi ko maipaliwanag pero iba yung nararamdaman ko ngayon.

Pagkadating ko sa room namin ay agad kong naabutan ang grupo nina Samantha na masayang masayang naguusap. At sa isang bahagi naman ay nakita ko si Racquel na nakatingin sa akin na wari mo'y malungkot. Papaupo na ako sa upuaan ko ng biglang magsalita si Samantha.

"Hindi mo man lang ba ako ikokongratulate Precious? Wika nito na may malaking ngisi sa labi

Ako naman ay nagtaka bukod sa ito ang unang beses na tinawag nya ako sa pangalan ko dahil nasanay na akong  tinatawag nyang probinsyana ag bakit naman kailangan ko syang ikonggratulate? Mas pinili ko na wag na lamang syang pansinin.

" May mga tao talagang ipinanganak na matalino. Pero pagdating sa pag-ibig nagiging TANGA. Sarkastikong wika pa ni Samantha.

Ako naman ay napaisip sa mga sinasabi nya. Ano bang gusto nyang sabihin at para sa akin ba ang mga salitang iyon. Bigla na lamang syang lumapit sa kinauupuan ko at tumayo sa harapan ko.

"Alam mo bang ako na ang nasa Top 1 proud na wika nito at ikaw.. ikaw ay wala na sa list. At umalis na sa harap ko.

Ako naman ay hindi nakapagsalita sa kanyang sinabi. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa ng mga sandaling yun. Kahapon lang nawala ang scholarship ko tapos ngayon nawala ako sa Dean's List. Bakit nagkasabay sabay pa ang problema. Tapos si Miguel hindi pa din dumarating ngayon. Ni hindi man lang din magreply sa text ko. Ang aga aga ang sama na agad ng araw ko.

Maya maya lang ay tumabi sakin si Racquel.

" Pj okay ka lang ba? Tanung nito. Alam mo ba kahit ako nagtaka sa biglang pagkawala mo sa Dean's List. Nakikita ko naman na hindi ka nagpapabaya sa pagaaral mo. Malungkot pang wika nito

"Hindi ko din alam Rac. Sunod sunod ata ang kamalasan ko ngayon. Haist! When its rain, it pours. Simpleng wika ko na lamang.

Nagsimula na ang klase namin pero wala pa ding Miguel na dumarating. Absent ba sya? Imposible naman ata kasi hindi naman sya nagaabsent at kung absent man sya ngayon sana man lang nagsabi sya. Ang dami ko na nang iniisip ngayon pati ba naman sya sumasabay pa. Nakawalang gana talaga ang araw na ito.

Natapos ang buong maghapon namin. At hanggang matapos ito ay walang Miguel na dumating o nagparamdam man lamang. Ano kayang nangyari sa kanya? Hindi man lang kasi nagrereplay tapos nakaoff naman kanina ang celphone nya ng subukan ko syang tawagan.

Mabibigat ang mga paa kong naglakad palabas ng gate.. At mejo wala ako sa konsentrasyon ng mga sandaling yun. Nagulat na lamang ako ng may bigla bumusinang sasakyan mula sa akong likuran. Isa itong kulay pulang Mercedes Benz. Sino naman kaya ito? Hindi naman ako nakaharang sa daraanan nya may pagbusina pang nalalaman. Hindi ko na lamang ulit ito pinansin at nagsimula na ulit akong maglakad. Napahinto ako sa paglalakad ng biglang huminto ang sasakyan na iyon sa aking tapat. At nagulat na lang ako ng biglang ibaba nito ang bintana ng sasakyan. At makita ang taong sakay nito si Fritz pala.

" Hi gorgeous nakangiting wika nito. Heto na naman sya sa pa gorgeous gorgeous nya.

" Ilang beses ko ba sasabihin sayo na hindi naman gorgeous ang pangalan ko? Naiiritang wika ko.

"Of coarse I know your name. But I want to call you the way I want. If it is okay with you. Nakangiting wika pa nito.

" Bahala ka. Simpleng wika ko dahil wala ako sa mood para makipagsagutan sa kanya.

" Pauwe ka na din ba? Bakit hindi mo ata kasama si Harold tanung pa nya. Hatid na kita tutal pauwi na din naman ako.

Tumingin muna ako sa kanya bago nagsalita. At sya naman ay nakatitig pala sa akin.

"Hindi sya pumasok ngayon eh. Hindi ko naman alam kung bakit. Simpleng wika ko

" Ohh I see kaya pala kanina ka pa mukhang malungkot. Hatid na kita. Wala naman sigurong masama kung ihahatid kita besides you're my friends girlfriend so I dont see any wrong. So ano tara na? Sabi nya

Wala na akong nagawa kundi ang pumayag sa gusto nya. Tutal wala akong ibang gustong sa mga oras na ito kundi ang makauwe na agad. Dahil pakiramdam ko ang bagal ng mga oras ko ngayong araw na ito. Dagdag pa ang walang Miguel sa tabi ko.

Ng makarating kami sa dorm ko ay agad naman akong nagpaalam kay Fritz. Pero bago ako tuluyang lumabas ng kotse ay tinanung ko kung alam ba nya kung bakit hindi pumasok si Miguel nagbabaka sakali lang naman ako na baka alam nya dahil sa magkaibigan sila pero tulad ko ay hindi rin daw nga alam.

Ng makarating ako sa kwarto namin ni Imie ay agad kong chinek ang celphone ko. May ilang mga mensahe dito galing kay Tita Alma na kinakamusta ako hindi ko pa din pala nasasabi sa kanya. Hindi na muna siguro ngayon susubukan ko munang makipagusap sa dean. At merung galing kay Imie at Rac. Ngunit kahit isang mensahe mula sa taong kanina ko pa iniisip ay wala. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso ko. Pakiramdam ko nabalewala nya ako ngayon.

Ilang sandali pa ng maisipan ko na mag Fb na lamang. Nagsscroll ako ng newsfeed ko ng bigla kong makita ang litrato ng lalaking kanina pa tumatakbo sa isip ko. Nakatag lamang ito sa kanya mula sa isang nagngangalang Lian Amiethy Zamora. Kuha ito mula sa isang restaurant at kung hindi ako nagkakamali ay ito din ang restaurant na madalas namin kainan. At hindi lang sya magisa sa litratong ito. May babaeng nakaupo sa tabi nya. Isang magandang babae na kung hindi ako nagkakamali ay kaedad din lamang namin. Para syang isang modelo sa ayos nya. Sandali kong tinitigan ang babae sa tabi nya at  sa palagay ko nakita ko na sya. Tama sya yung babae sa EK. Yung babae na nakita kong tinitingnan ni Miguel pero nung tanungin ko sya kung kilala nya sabi nya naman ay hindi. Pero bakit magkasama silang dalawa? Halos buong maghapon ko syang iniisip at nagaalala na baka may nangyari na sa kanya yun pala naman masaya sya. Masaya sya na may kasamang iba.

Ang daming likes at comments. Mga hindi ko naman kilala. Pero karamihan sa mga comments nila ay "Is this whay they called  second chance? Tama ba ako ng iniisip ko? Ex nya ba ang babaeng ito? Kung kanina kumirot lang ang puso ko ngayon ay pakiramdam ko ay napupunit ito dahilan para makaramdam ako ng sakit sa loob nito. Kaya pala buong araw nya akong hindi naalala. Ito pala ang dahilan. Hindi ko na namalayan na tumutulo na ang mga luha ko at agad kong pinatay ang laptop ko. Wala akong nararamdaman ngayon kundi sakit. Ang sakit sakit pala.

Spending Time With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon