Harold Pov's
Araw na ng pasko. At ngayon nga ay naghahanda ako para pumunta ng Batangas. Nung isang araw pa kasi umuwe sina Jewel dun at ngayon nga ay pupunta ako para pormal na ipakilala sa Tita nyang nagaaruga sa kanya. Medyo kabado din ako dahil hindi ko alam kung paanu nila ako iaapproach. Pero base naman sa mga kwento ni Jewel mabait daw ang tita nya.
Nasa daan na ako patungo sa knila. Nakakaramdam ako ng kaba kasi naman ako pa lang daw ang lalaking ipapakilala nya dahil ako pa lang ang naging kasintahan nya. Masaya ako ng malaman na ako ang una nyang naging nobyo. Simpleng red polo at denim jeans lang ang suot ko at na pinaresan ko ng isang puting nike shoes.
Bumili din ako ng dalawang boquet ng bulaklak para sa tita nya at para sa kanya.Wala pang dalawang oras at nakarating na ako. Hindi naman mahirap hanapin ang bahay nila dahil sa mismong bayan sila nakatira. Agad ko syang natanaw sa harapan ng itim nilang bakal na gate. Nakasuot sya ng kulay asul na tube dress na nagpalitaw ng magandang hubog ng kanyang katawan. Hindi ko namang mapapagkaila na sexy talaga ang girlfriend ko at malaki ang respeto ko sa kanya tulad ng pagrespeto ko sa mommy ko.
Agad akong bumaba ng sasakyan at agad ni ginawaran sya ng mabilis na halik sa mga labi.
"Merry Christmas Mahal sabay abot sa kanya ng kulay pulang rosas."Merry christmas din mahal ganting bati nya. Halika ka na sa loob kanina ka pa hinihintay ni Tita. Wika nito at pumasok na kami.
Agad kong nakita ang isang babae na abalang nagaayos ng mga pagkain sa mesa na kung hindi ako nagkakamali ay ito ang Tita nya.
Magandang araw po at maligayang pasko po. Nakangiting wika ko at agad na lumapit sa amin ni Jewel.
"Mabuti naman at nakarating ka hijo. Maligayang pasko din sayo nakangiting wika nito.
Agad kong ibinigay sa kanya ang dala kong puting rosas.
Salamat hijo wika nya.
Agad naman nya kaming niyaya sa hapag kainan at naupo.
" Hijo ako nga pala si Alma. Tita ni Jewel pagsisimula nya.
"Ikinagagalak ko pong makilala kayo Mam. Ako naman po si Harold Miguel Samonte pormal na pagpapakilala ko.
"Wag mo na ako tawaging Mam tutal boyfriend ka naman ng pamangkin ko pwedeng Tita na din ang itawag mo sa akin nakangiting wika nya.
"Sige po Tita. Salamat po tugon ko naman.
Maayos naman ang naging pagbisita ko sa kanila. Kanina nga habang nasa kwarto si Jewel bigla akong kinausap ng tita nya at hinding hindi ko makakalimutan ang mga sinabi nya.
" Hijo pwede ba kitang makausap saglit wika nito. Alam mo naman siguro na ako na ang nagpalaki kay Precious mahal na mahal ko yan na parang anak ko. Kaya nga siguro hindi ko na piniling magasawa dahil mas pinili ko na maging ina at ama sa kanya. Masydo pa syang bata ng maulila sya. Kaya sana wag na wag mo syang sasaktan. Dahil bilang tiyahin nya at ina na din triple ang sakit na mararamdamn ko kapag nangyari yun. Ikaw pa lang ang una nyang naging nobyo kaya sana ingatan mo sya at palagi nyong papakinggan ang isa't isa. Alam ko namang mabuting bata ka kaya ipinagkakatiwala ko sayo ang pamangkin ko kapag nasa maynila kayo. Seryosong wika nito.
"Ayoko pong mangako sa inyo Tita wika ko. Dahil sabi po nila Promises are made to be Broken. Papatunayan at ipaparamdam ko na lamang po sa kanya sa lahat ng paraan ang pagmamahal ko sa kanya at pipilitin at iiwasan ko po na msaktan sya. Magalang na sagot ko at ngumiti naman ito.
Alas 4 na ng hapon ng mapagpasyahan naming bumalik ng maynila.
"Mahal bakit ang tahimik mo? May problema ba? Mahinang tanong ko kay Jewel na ngayon ay nakatingin lamg ng diretso sa bintana.
"Wala naman mahal. Mejo kinakabahan lang ako para mamaya simpleng sagot nito.
Kasama mo naman ako Mahal kaya wag kang kabahan ako ang bahala okay. At hinawakan ko ang kamau nya gamit ang isa kong kamay at marahang hinalikan ang ibabaw nun. Iloveyou wika ko pa. Kita ko sa mga mata nya ang saya.
Iloveyou too Mahalko. Sagot naman nya.
Mahal ion mo naman amg stereo. Masyadong tahimik eh wika pa nya at sinunod ko naman.
Now playing: NO PROMISES
Hey Baby, when we are together
Doing things that we love.Everytime you're near
I feel like I'm in heaven,
Feeling highI don't want to let go, girl
I just need you to know girl.Alam mo bang favorite song ko ito Mahal wika ko kay Jewel na ngayon ay nakatingin sa akin. At ang mensahe ng kantang ito ay katulad ng nararamdaman ko para sayo. Nakangiting wika ko. At ngumiti lamang din naman sya.
I don't wanna run away, Baby
You're the one I need tonight,
No promises 🎶🎶Baby, now I need to hold you tight
I just wanna die in your arms
Here tonightI don't want to run away
I want to stay forever
Thru time and time
No promisesI don't wanna run away
I don't wanna be alone
No promisesBaby, now I need to hold you tight
Now and forever my love
No promisesMahal pangako ko sayo ikaw lang ang babaeng mamahalin ko hangang tumanda tayo. Mahinang wika ko.
Tatandaan ko yan mahal ha. Ikaw lang di ang mamahalin ko at promise hindi kita iiwan. Masagang wika nito na nagpasaya ng husto sa buong puso ko.
Mag aalas 7 na ng makarating kami sa maynila. Nagpahatid muna sya s dorm nya dahil gusto muna nya magpahinga sandli bago ko sya dalhin sa bahay. Gusto daw kasi nyang maayos syang haharap sa pamilya ko kahit sinabi ko ng kahit anu pa ang ayos nya maganda pa din sya. Sinunod ko na lang ang gusto nya. Kaya heto ako at naghihintay na sa kanya sa labas ng dorm. Usapan kasi namin ay alas 8 ko sya susunduin.
Makalipas ang isang sandali lumabas na sya. Biglang nagslomotion ang paligid ko habang nakatitig sa kanya. Nakasuot na sya ngayon ng isang pink one shoulder sexy mini dress. Bakit ba ang sexy sexy ng gf ko.
Nakalapit na sya sakin ng hindi ko namalayan dahil sa nilipad ang sistema ko.
Mahal gandang ganda ka na naman sa akin pabirong wika nito. Sinabayan pa ng tawa.
Palagi ka namang maganda sa paningin ko. Seryosong wika ko sabay pasok na namin sa kotse.
Mamaya ko na lang ibibigay ang regalo na binili ko para sa kanya. Sana lang magustuhan nya ito.
Nakarating kami ng maayos sa bahay. Agad ko syang pinagbuksan ng pintuan ng sasakyan at inalalayan bumaba. Ramdam ko ang kabang nararamdaman nya dahil nanlalamig ang mga palad nya.
Mahal relax ka lang okay. My parents will not bite you pabirong wika ko para mabawasan ang kaba nya. Tumango lamang naman sya.
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon nina mommy dahil hindi ko talaga sinabi sa kanila ang plano kong ito. Sana lang ay maging maayos ang lahag. At kung ano man ang mangyayari ngayon mananatili ako sa tabi ni Jewel.
BINABASA MO ANG
Spending Time With You (COMPLETED)
قصص عامةAno gagawin mo kung isang araw iwan ka na lang ng taong mahal mo ng wala man lang dahilan? At kung kailan natutunan mo na syang kalimutan sa loob ng ilang taon ay duon naman sya biglang papasok muli sa buhay mo na para bang walang sakit na nangyari...