Chapter 10

4.1K 112 1
                                    

"I love you, and that's the beginning and the end of everything"
--- F. Scott Fitzgerald

Harold Pov's

Dalawang lingo na ang nakakalipas mula ng maging kami ni Jewel at walang araw na hindi kame magkasama pwera na lamang pala kapag weekend dahil umuuwe sila ng bestfriend nyang si Imie sa kanilang lugar sa Batangas. Hindi naman ganun kalayo ang Batangas dito sa maynila baka nga less than 2 hours lamang ang byahe dahil may SLEX na. Anim na araw na lamang pasko na. Plano ko sana dalhin si Jewel sa bahay namin sa pasko at ipakilala sya sa parents ko. Mabait naman si Mommy lagi nyang sinasabi na palaging mas matimbang ang laman ng puso kesa sa laman ng utak. Pero minsan mas kailangang sundin ang utak kesa sa sinasabi ng puso. Dahil lahat daw nang nangyayari sa buhay ng tao ay mayroong dahila. Si Daddy lang ang sa palagay ko ay magiging problema dahil magkaiba sila ni Mommy. Pero bahala na basta mahal ko si Jewel at walang makakapigil sa akin.

Nakatanggap ako ng mensahe mula kay Jewel.

From MahalKo ❤
Andito na kami ni Sis sa dorm kakarating lang namin. Kita na lang tayo sa school bukas Mahal. Iloveyou. Missyou 🙂

Agad ko syang nireplyan.

To Mahalko 😘
Sige mahal pahinga na muna kayo see you tomorrow and Iloveyou more than you loved me ☺ and imissyou damn much -- sent

Akala ko nuon para sa mga babae lang ang sinasabing kilig. Pero nung maging kami ni Jewel nakakabakla man pero kinikilig din ako lalo na kapag sinasabi nya kung gaanu nya ako kamahal. Sa twing hahawakan ko ang mga kamay nya may kakaibang saya ang dulot nun sa buong pagkatao ko. Nakangiti akong nakatulog sa ibabaw ng kama ko.

Tulad ng nakagawian ko ng gawin andito ako sa may isang bench malapit sa gate. Nakaupo habang iniintay ang mahalko. Hindi na kasi sya nagpapasundo kasi palagi sila sabay na pumapasok ni Imie dahil may kotse naman ito. Agad akong napatayo ng makita ko syang naglalakad na papasok ng gate. Agad ko syang sinalubong at binigyan na napakalaking ngiti.

"Goodmorning Mahalko nakangiting wika ko sabay hawak sa kanan nyang kamay. Naging PDA na ako mula ng maging kami dahil ayoko na may aagaw sa kanya. Gusto ko malaman ng lahat na ang babaeng ito ay pag aari ko. Possessive boyfriend na nga siguro akong matatawag. Ganun talaga e mahal na mahal ko ang babaeng ito.

"Magandang umaga din sayo mahal masiglang tugon naman nya.

Nasanay na din si Jewel na lagi kaming pinagtitinginan dito sa school kapag nakikita kaming magkasama. Hindi pa din kasi makapaniwala ang iba ang sya ang girlfriend ko. Pero kahit ganun wala ni isa sa kanila ang nagtaka na gumawa ng masama sa kanya dahil kung may magtangka man. Ako ang makakalaban nila.

Lunch break na at napagpasyahan ko na ayain sya na sa labas na lamang kami kumain. Plano ko kasi na kausapin sya sa kung ano ang balak nya sa pasko tutal ilang araw na lang ito. Pumayag naman sya kaya napagpasyahan ko na dalhin sya sa malapit na restaurant dito sa school. Agad akong umorder ng paborito nyang Seafood Alfredo at ako naman ay umorder ng Lasgna at Baby Backribs.

Mahal saan ka magcecelebrate ng christmas? Panimulang tanong ko sa kanya.

Baka sa bahay lang Mahal. Wala naman kaming ibang pinupunthan ni Tita bukod sa dinadalaw lamang namin ang puntod nina mama at papa simpleng sagot nya.

Mahal balak ko sanang ipakilala ka na kina Mom and Dad wika ko.

Agad naman syang natigilan sa sinabi ko.

Sigurado ka ba jan Mahal? Tanung nya pa. Hindi ko kasi alam kung paanu haharap sa magulang mo special to your dad. Nahihiya ako at kinakabahan wika pa nito.

Im with you Mahal. Trust me on this okey. Ako ang bahala sayo at wag mong isipin si Daddy. Basta gusto kitang ipakilala sa kanila. Maybe after you celebrate christmas with your auntie and then dadalhin kita sa bahay seryosong wika ko.

Hmmm sige mahal.. At saka gusto ka din pala makilala ni Tita. Sinabi ko na kasi ang tungkol sa atin. Wala namang naging problema wika nya.

Good to hear that. Ganito na lamang mahal susunduin na lamang kita sa inyo sa Batangas then sabay na tayong umuwi dito sa maynila ibigay mo na lamang sakin ang address mo at pupuntahan kita duon.

Nakabalik na kami ng school. At ngayon nga ay nagkaklse na kame. Last subject na ito at uwian na.

Pj Pov's

Tapos na ang klase namin ngayon. Halos araw araw ang bilis natatapos ng buong maghapon. Kanina ngang lunch time ay napagusapan namin ni Miguel ang plano nyang pagpapakilala nya sa akin sa magulang nya sa pasko. Sa totoo lang nagustuhan ko ang ideya nyang yun kasi sabi nila kapag daw ipinakilala ka ng boyfriend mo sa magulang nya it means na seryoso sya sayo at mahal ka nya talaga. Kaso may isang parte sa pagkatao ko na natatakot ako. Normal lang ba ang ganitong pakiramdam? Hindi ko naman kasi alam kung anung klaseng tao ang mga magulang nya. Isipin ko na lamang ang katotohanan na napakalayo ng agwat namin sa pamumuhay at ako ay isang hamak n scholar lamang sa paaralan na pag aari nila. Hindi ko tuloy maiwasan na maliitin ang sarili ko. Paano na lamang kung hindi nila ako magustuhan dahil sa hindi ako kabilang sa estado ng pamumuhay nila. Bigla ay nalungkot ako sa aking mga naiisip.

Tulad ng araw araw na pangyayari inihahatid ako ni Miguel dito sa dorm. Sa umaga naman ay hinihintay nya ako sa gate at kapag break time naman sabay din kaming kumakain. Nagtatampo na nga si Racquel at Imie kasi hindi na nila ako nakakasama pero okay lamang naman daw kasi busy din sila. Speaking of Racquel may manliligaw na din sya na taga kabilang building hindi ko lang masure kung anun coarse nun. At si Imie naman palagay ko nagkakamabutihan na sila ni Sherwin kasi madalas na may nakakakita sa kanila na magkasama. Hindi lang siguro makapagkwento sakin dahil nga masydo syang busy.

Habang nakahiga ako sa kama ko iniisio ko kung ano kaya ang ibibigay kong regalo kay Miguel kasi wala akong maisip. Nasa kanya na naman kasi ang lahat. Ano ba ang pwede kong ibigay. Dahil maaga pa naman agad akong nagpalit ng isang cotton shirt at isang skinny jeans. Pupunta ako saglit sa mall magisa at titingin ako ng pwedeng iregalo sa kanya. Hindi ko sinabi sa kanya na aalis ako kasi paniguradong magpupumilit yung sumama e paano ako makakabili ng regalo sa kanya kung kasama ko sya di ba?

Ng makarating ako sa mall agad akong nagpunta sa isang jewelry store. Nalula ako sa mga presyo nandun. Habang tumitingin ako naagaw pansin ko ang isang silver keychain na may nakaukit na mga letrang ILOVEYOU na may isang maliit na rosaryo. Napagpasyahan kong bilhin ang Rosary keychain na yun. Hindi naman basta basta keychain lang to 1700 din kaya ang halaga nito buti na lang may ipon ako. Agad ko itong inilagay sa bag ko at mabilis ding lumisan sa lugar na yun. Napagapasyahan ko ng umuwi dahil wala na naman akong bibilhin. Nang makarating ako sa bahay agad akonv nagpalit ng pambahay ko at chinek ang phone ko. Hindi ko na namalayan dahil naisilent ko pala ito.

38 misses calls
16 text message

Seriously? Lahat yan ay nagmumula sa iisang tao kay Miguel. Binuksan ko ang mga mensahe nya at agad akong nagreply.

To Mahalko ❤
Sorry nakasilent ang phone ko. May ginawa lang ako -- sent

My first white lies!

Spending Time With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon