This chapter is dedicated to my real life bestfriend Sweetchix 😘
-------
Harold Pov's
Simula ng gabinv nagkasagutan kami ni Dad hindi pa rin nawawala ang galit ko sa kanya. Bakit ba hindi na lang nya makuhang maging masaya para sa akin. For Pete's sake anak nya ako at lalaki din sya nainlove na din sya kay mommy nun kaya alam nya ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Alam kong sa pananahimik nya nitong mga nakaraamg araw ay may binubuo syang plano sa knowing my dad. Walang gusto na hindi nakukuha o walang plinano na hindi natutupad.
Hindi nagbago ang pakikitungo ko kay Jewel mas lalo ko pa syang minamahal araw araw dahil wala akong plano na sumunod sa gusto ni Daddy. Hindi ko sya hihiwalayan. Mahal ko sya at hindi ko magagawang saktan sya. Hindi kami magkasamang nagdiwang ng bagong taon dahil hinayaan ko naman sya na gugulin ang buong araw na yun kasama ang tita nya at ang bestfriend nya. Kami naman ng pamilya ko ay nakagawian ng sa bahay nina Lolo at Lola nagdidiwang kasama ang buong angkan. Para na din daw kasing reunion ng pamilya yun dahil galing pa sa ibang bansa ang iba sa mga kamag anak namin.
At ngayon nga ay araw ng sabado enero 4 at bukas naman na ang unang 1 buwan namin ni Jewel bilang magakarelasyon. Gusto kong maging espesyal ang lahat sa pagitan naming dalawa. Gusto ko laging memorable lahat ng okasyon na ipagdiriwang namin ang mahahalagang bagay na merun kami. Gusto ko lahat yun ay maging espesyal tulad nya.
Plano ko sana na dalhin sya sa EK. Kasi nalaman ko na mahilig sya sa mga arcade at rides. At isa yun sa paborito nyang lugar dahil kapag nandun dun daw sya hindi sya nakakaramdam ng lungkot. Sana lang maging maayos ang lahat..
Araw na ng linggo ngayon at maaga akong gumising. Napagusapan kasi namin magsisimba kami ngayong umaga bago kami magdate. Alas 8 kasi kami magsisimba dalawa kaya naman 6.30 pa lang ay gumising na talaga ako. Ayaw ko kasi na sya yung maghihintay sa akin. Naligo agad ako at nagbihis. Napili kong magsuot lang ng isang puting V-neck tshirt at isang kaki short at isang puting sapatos. Agad akong bumaba at nagtungo sa kusina. Hindi ko na inabala pa ang mga katulong na ipaghanda ako ng almusal. Nagtimpla na lamang ako ng kape at ng maubos ko ito ay agad na din akong sumakay ng kotse ko at pinaandar ito.
Pj Pov's
Ngayon nga ang 1st monthsarry namin ni Miguel kaya naman excited na ako para sa date namin ngayong araw. Kanina pa akong nakaready at hinhintay ko na lamang sya para sunduin ako. Nagsuot ako ng isang kulay itim na sleeveless top at skinny jeans na pinaresan ko ng kulay pink na flat shoes. Naglagay lang ako ng light makeup. Ayoko kasing isipin nya na masyadoo ko itong pinaghandaan kahit yun naman talaga ang totoo. Lahat kasi ng ito ay bago sa akin. Nahihiya din kasi ako sa kanya.
Makaraan ang 10 minuto ay nakatanggap na ako ng mensahe mula sa kanya na sinasabing nasa labas na sya. Agad kong kinuha ang aking handbag at dahan dahang lumabas ng kwarto. Ayoko kasing makagawa ng kahit anung inay dahil ayoko na magising si Imie. Kasi naman alas3 na ng madaling araw umuwe galing sa pagbabar. Pinipilit pa nga ako na isama kahapon kaso sinabi kong hindi pwede dahil may lakad ako ngayon. Hindi na naman sya nagpumilit ng malaman ang rason ko.
Ng makarating ako sa labas agad kong nasilayang ang gwapo kong boyfriend. Napaka gwapo talaga nito kahit sa simpleng suot nito. May hawak pa syang isang bungkos na pulang rosas at 3 pirasong lobo na hugis puso. Ang aga aga kilig na kilig na agad ako. Umuulan na naman ng paruparo sa loob ng aking tiyan.
Goodmorning Mahal nakangiting wika nito ng makalapit ako. Happy Monthsary sabay bigay ng hawak nya.
Happy Monthsary din Mahal sabay bigay ng isang mabilis na halik sa mga labi nya. Naadik na ata ako sa pagbibigay ng halik sa kanya. Kasi naman nakakaakit yung mga labi nya. Parang palaging nangaakit.
BINABASA MO ANG
Spending Time With You (COMPLETED)
General FictionAno gagawin mo kung isang araw iwan ka na lang ng taong mahal mo ng wala man lang dahilan? At kung kailan natutunan mo na syang kalimutan sa loob ng ilang taon ay duon naman sya biglang papasok muli sa buhay mo na para bang walang sakit na nangyari...