Chapter 20

3.5K 102 2
                                    

Pj Pov's

Mabilis lumipas ang mga araw at ilang araw na lamang ay magtatapos na kami nina Imie at Rac. Mabilis ko din na naklimutan ang sakit na naramdaman ko nung nakaraan. Bukod sa hindi ko na nakitang ang taong may gawa nuon ay naging abala na talaga ako sa school. Pero minsan din namang sumagi sa isip ko kung anu nga kaya ang nangyari sa kanya. Wala kasing nakakaalam. Hindi ko din naman makuhang magtanung kay Fritz dahil ako mismo ang nagsabi sa kanya na ayoko ng paguusapan namin sya. Naging malapit ko na din na kaibigan si Fritz. Halos araw araw inihahatid nya ako sa dorm. At may naging rumor pa  na nililigawan ako at ang masklap pa dun kung anu anu na naman ang narinig kong panghuhusga mula sa ibang tao na ang landi ko daw talaga after daw kay Miguel sa kaibigan naman daw nito. Mga tao nga naman anu? Galing gumawa ng isyu. Pero hindi na lamang namin pinatulan pa yun dahil wala namang katotohanan. Halos araw araw na ang praktis namin ngayon. Masayang masaya si Tita dahil sa wakas ay nagbunga na din ang paghihirap namin. Masayang masaya kami nina Imie dahil sa naging maayos ang lahat ng mga plano namin.

Andito nga kami ngayon sa dorm dahil araw ng sabado. Hindi kami uuwe bukas sa Batangas baka sa susunod na linggo na lamang.

"Sis gimik tayo mamayang gabi. Masayang wika ni Imie

"Saan naman tayo pupunta sis? Wag mo lang sabihin na magbabar at alam mo namang wala akong hilig jan. Simpleng wika ko habang nakadapa sa kama ko at katext ko kasi si tita.

"Kahit kelan sis napaka KJ mo aba ilang taon ka na ba? Hindi ka na menor de edad. Yung mga kaklse ko nga napaka active ng social life eh. Dali na advance celebration na din natin. Tawagan mo din si Racquel isama natin para naman mas masaya tutal tayo ang Power Puff Girls. Nakatawang wika nito.

" Papayag lang ako kung sasama si Racquel ha. At wala talaga ako sa mood gumala mas gusto ko pa dito sa bahay at matulog. Nakakaapagod din kasi lately sa school. Wika ko. Tumango naman sya.

Agad akong nagtype mg message kay Rac.

To Rac 🙂
Free ka ba tonight? Nagyaya si Imie magbar. Advance celebration na din daw para sa success natin. --- sent

Wala pang ilang minuto ay magreply ito.

From Rac 🙂
  Sure Pj. Tell Imie im going 😁😁

Agad ko namang sinabi kay Imie ang sagot ni Rac. At halos mapunit ang labi nito sa saya.
Tinext ko na din kay Rac ang oras at kung saan kame magkikita mamaya.

Alas 9 ang oras na napagusapan namin dun daw sa Tiki Bar. Si Imie naman ang may plano nito at isa pa wala naman akong alam sa mga bar bar na iyan. Nagsuot si Imie ng isang kulay itim na black dress na hanggang hita samantlang ako naman ay nagsuot lang ng isang simpleng jeans na pinaresan ko ng isang kulay itim na sleeveless top. At kulay itim na high heels. Naglagay din ako ng kauning makeup at kulay dark red na lipstick. Nang matapos kami ni Sis ay agad naman kaming sumakay ng kotse nya at tumungo sa nasabing lugar.

Bago kami pumasok sa bar ay napagpasyahan naming hintayin na lamang si Rac tutal sabi naman nito ay mapalapit na sya. At wala pa ngang 5 minutong paghihintay at dumating na ito. Agad naman itong humalik sa pisnge namin ni Imie at tuluyan na kaming pumasok sa loob. Maingay,malilikot na ilaw na may iba't ibang kulay,amoy ng usok ng sigarilyo at alak. Yan agad ang sumalubong sa amin. Medyo madami na din kasi ang tao sa mga oras na ito. May kadiliman din sa loob kaya hindi mo masydaong makita ng maayos ang mga mukha ng mga tao dito. Agad naman kaming naupo sa may gitnang bahagi nito. Agad na umorder ng Vodka si Imie. Nang makarating ang inorder nya ay agad naman namin itong sinimulang inumin.

"So anung balak nyo after graduation? Wika ni Rac na mejo malakas ang pagkakasabi kahit na magkakalapit lamang naman kami. Ang lakas kasi ng tunog na nagmumula sa malalaking speaker.

Spending Time With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon