Chapter 19

3.3K 98 1
                                    

Pj Pov's

  Andito kami ngayon ni Rac sa canteen kasi katatapos lang ng laat subject namin ngayon. Ilang araw na din ang nakakalipas simula ng araw na hiwalayan ako ni Miguel. At laking pasasalamat ko dahil hindi nagkrukrus ang landas namin kasi simula ng araw na yun hindi ko na sya nakita. Hindi na sya pumapasok sa school. Sinabi ko na rin kay Rac ang nangyari kasi unang araw pa lang nagtatanung na sya at sino ba naman ako para ilihim yun e alam ko naman na malalaman din ng lahat yun. At hindi na din ako nagtaka kung nung isang araw lamang ay halos alam na ng buong school ang paghihiwalay namin kung saan man nila un nakuha wala na akong pakialam. Basta ang mahalaga sakin ngayo  ay ang makapagtapos ako. At sisimulan kong abutin lahat ng mga pangarap ko.

"Rac Cr lang ako ha! Hintayin mo na lamang ako dito mahinag wika ko at tumango lamanv naman ito na abala sa kanyang celphone.

Agad kong tinungo ang daan patungo sa cr. Pagpasok ko dito ay may mangilam ngilan na estudyante sa loob. At kung mnga makatingjn ay akala mo kung sinong magaganda.

"Talaga? Nakita mo din sila dun sa bar na yun? Ang ganda talaga ni Ms. Lian ano?  Hindi na ako nagtataka kung bakit mas pinili ni Harold si Lian kumpara sa ibang mga babae jan. Maarteng wika nung babaeng naglalagay ng makeup sa harapan ng salamin na sinadja pa talagang iparinig sa akin ang kanilang usapan.

"At ang sweet sweet pa nga nila. Nakita mo ba kung paano hawakan ni Harold ang mga kamay ni Lian. Wika pa ng kausap nito.

Hindi ko na lamang sila pinansin at dumiretso na ako sa cubicle na walang tao. So totoo pala lahat ng hinala ko. Na kaya sya nakipaghiwalay sakin ay dahil binalikan nya ang ex nya. Biglang kumirot ang puso ko sa isiping iyon. Hindi ko naman maitatanggi na hindi ko na sya mahal. Hindi naman yun agad ganun kadaling kalimutan lalo na at ang kakalimutan mo ay ang taong una mong minahal. Pero sadyang ganun ang lahat ng bagay may katapusan. Hindi na ako muling iiyak para sa kanya. Para saan pa? Para saktan ko lang ang sarili ko ng paulit ulit? Para sa taong niloko lang ako. Pagkatapos ko ay agad akong bumalik sa pwesto namin ni Rac. Agad naman syang napatingjn sa akin ng dumating ako. At iniabot nya sa akin ang kanyang telepono na nuon ay naka log in sa FB nya. May isang litrato dito na mag lalakong nakaupo sa bar at sa tabi nito ay isang babae na nakahawak sa kanyang mga braso. So ito pala ang pinaguusapan ng mga babae kanina. Hindi na ako ngabala pa na pakatitigan ang litrato na iyon at agad kong ibinalik kay Rac.

" Tara na baka malate pa tayo. Simpleng wika ko at sumunod naman ito. Hanggang makarating kami sa classroom ay hindi namin pinagusapan ang tungkol sa picture na yun alam nya naman na ayoko na pagusapan pa iyon at yan ang isa sa mga ugaling nagustuhan ko kay Rac. Marunong syang rumespeto ng desisyon ng ibang tao.

Nang matapos ang klase namin ng araw na yun ay sabay kami ni Rac na lumabas ng school si Imie kasi ay mamaya pa ng kaunti ang lavas ayoko naman na hintayin sya sa loob ng school. Naghiwalay na din kami ni Rac dahil anjan na din naman ang sundo nya nagoffer la sya na ihatid ako pero humindi ako. Naglalakad na ako ng biglang tumigil sa unahan ko ang isang pulang kotse. Ang kotse ni Fritz. Agad naman syang bumaba dito at sinalubong ako.

"Hey gorgeous nakangiting wika nito... Hatid na kita. Dagdag pa nito..

"Wag na lang Fritz kaya ko naman umuwe magisa at araw araw ko naman itong ginagawa. Tangging wika ko.

"Kahiy ngayon lang please. Ayoko naman na nakikita kang naglalakad pauwe. Sa panahon pa naman ngayon hindi mo alam kung sinong tao ang masama o mabuti. Seryosong wika nito.

Tama ka Fritz hindi mo talaga alam kung sino wika ng isip ko.

Sa huli ay napapayag din nya ako ayoko naman na maginarte pa kahit ayaw ko naman talaga pero hindi naman ako mananalo dito isa pa nakakahiya na din kasi at pinagtitinginan kami ng ilang estudyanteng nakakakita sa amin. Agad naman nya akong pinagbuksan ng pintuan at sumakay. Aaminin ko na mali ang unang akala ko kay Fritz. Mabait naman pala sya.

Spending Time With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon