Chapter 40

3.4K 103 7
                                    

Pj Pov's

Hindi ko alam kung saan kami pupunta ni Miguel. Ang alam ko lang ay handa akong sumama sa kanya saan man kami tangayin ng pagkakataong ito. Ilang taon ko na ding inasam ang sandaling ito. Masyado lang akong nagmatigas sa sarili ko kahit alam ko naman na bibigay din ako. Ganito ba talaga kapag ang laro sa pagibig? Handa kang sumugal kahit hindi mo alam kung ikaw ang mananalo o matatalo sa huli?

Kanina pa kami bumabyahe simula ng umalis kami ng party. At dahil nga okupado na nya ang buong pagkatao ko ay hindi ko alam kung nasaan lugar na ba kami. Hindi ko naman sya magawang tanungin dahil seryoso itong nagmamaneho at isa pa ay wala akong maisip na sasabihin dito. Dahil nahihiya ako sa kanya. Kinain ko din lahat ng pinagsasabi ko dito.

Ilang sandali pa ay huminto na ang sasakyan nito senyales na nakarating na yata kami sa lugat na sadya nito.

"Andito na tayo nakangiting wika nito sabay hawak sa mga kamay ko na nakapatong sa hita ko.

" Nasaan tayo? Tanong ko naman dito habang nakatingin sa kanya.

Sa halip na sumagot ito ay agad itong lumabas kg kotse at pinagbuksan ako ng pintuan. Dahil sa suot kong dress ay ramdam na ramdam ko ang lamig ng simoy ng hangin na nagmumula sa paligid kaya naman napayakap ako sa sarili ko at kung hindi ako nagkakamali ay nasa isang resort kami dahil sa rinig ko ang bawat hampas ng alon sa mga oras na ito. Naramdaman ko na lamang na binalot nya ako gamit ang suot nitong suit. Amoy na amoy ko ang pabangong gamit nito sa suit na nasa katawan ko ngayon.

"Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon Jewel mahinang wika nito at naramdaman ko na lamang ang pagyakap nito mula sa aking likuran. At sa sandaling ito ay nagsasayaw na ang mga paruparu sa loob ng aking tiyan.

" Pinapangako ko sayo na wala kang pagsisishan sa desisyon mo, mahal na mahal kita wika nitong muli na mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa akin.

"Mahal din kita Miguel pero paano na lamang si Lian? Mahinang sagot ko dito sapat na para marinig nya.

Ipinatong pa nito ang kanyang baba sa aking balikat. Kahit nilalamig ako ay ramdam na ramdam ko ang init ng hininga nito.

" Wag na muna natin syang pagusapan ngayon wika nito. Wag na muna nating isipin ang ibang tao. Gusto ko tayong dalawa lang. Ikaw at ako dagdag pa nito.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Labis na galak ang dulot nito sa akin pero may isang bahagi ng isip ko ang nagsasabi na dapat hindi ako maging ganito kasaya dahil wala pang kasiguraduhan ang lahat. Muli ay naalala ko na naman ang madalas na sinasabi ni tita sa akin.

"Halika wika nito sabay hawak sa aking mga kamay at nagsimula kaming maglakad patungo sa kung saan.

Makalipas ang ilang minuto na paglalakad ay nakarating kami dito sa harap ng isang napakalaking bahay. Isang bahay na nagliliwanag dahil sa dami ng ilaw nakapaligid dito na ngmimistulang palamuti. Hindi ko alam kung anu ang magiging reaksyon ko sa sandaling ito. As in wow na wow.

" Did you like it? Nakangiting tanung nito sa akin ng makalapit na kami ng tuluyan sa harapan ng bahay. Ang alam ko nasa isang beach resort kami at hindi ko inaasahan na may ganito kagandang bahay na nakatayo dito.

"Yes, this is so amazing masayang sagot ko dito.

Agad nitong binuksan ang pintuan at hawak kamay pa rin kaming pumasok sa loob. Kung sa labas ay kahanga hanga ito ay mas doble ang ang ganda nito sa loob. Agad kong iginala ang mga mata ko sa buong kabuuan ng bahay na ito. At ganun na lamang ang gulat ko ng makita ko ang isang napakalaking portrait na nakasabit sa dingding. Larawan ko ito nuong nsa London ako. Kuha ito sa isang park kung saan ako madalas na tumatambay kapag nalulungkot ako. Agad naman bumaling ang tingin ko sa kanya na kasalukuyang nakatingin din sa larawan kong ito.

Spending Time With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon