Chapter 26

3.5K 96 2
                                    

"You can't blame gravity for falling in love." -- Albert Einstein

Harold Pov's

Andito ako sa loob ng opisina ko ng marinig ko ng biglang bumukas ang pintuan at magsalita ang pumasok dito.

"babe pagsabihan mo nga yang sekretarya mo. Fiancee muna ako pero bakit kailangan ko pa ng appointment kung gusto kita makita. Inis na wika ni Lian.

" Sir sorry po hindi ko na po sya napigilan. Wika naman ng sekretarya ko.

"Its okey Marie. You may go. Tipid na wika ko dito at lumabas na din ito ng silid.

Lumapit naman sa akin si Lian dahilan para madagdagan lalo ang inis na nararamdaman ko para sa kanya.

" Ano na namang kailangan mo Lian? Ilang beses ko bang dapat ulitin sayo na ayoko na pumupunta ka dito. Galit na wika ko dito.

"Bakit ka ba ganyan ha Harold? Fiancee mo na ako pero kung ituring mo ako ay para akong kaaway mo. Maktol na wika nito.

" Alam mo na ang sagot jan Lian. Kung hindi ka pumayag sa set up na ito ng mga magulang mo eh di sana mas maayos ang pakikisama ko sayo. Matigas na wika ko dito at tumayo na ako at lumabas ng aking opisina at iniwan ko syang magisa.

  Ilang taon na ang nakakalipas pero hindi pa din nawawala ang pagmamahal ko para sa babaeng nasaktan ko ng lubusan. Alam ko kung nasan sya. Dahil nangako naman ako sa sarili ko na hindi ako titigil hangga't hindi ko naibabalik ang pagmamahal nya sa akin.

Tatlong taon na din ang nakakalipas mula ng huli ko syang puntahan duon.Limang beses sa loob ng isang taon ako kung pumunta ng London para lamamg makita sya. Kuntento na ako na nakatanaw sa kanya mula sa malayo. Nakikita ko na din ang dating ngiti sa kanyang mga labi. Nalaman ko na maayos naman ang naging pamumuhay nya duon at napanatag naman ako. Dalawang taon din ako sa ganun gawain ng malaman ito ni Dad. Agad syang nagalit sa akin at nabigyan pa ako ng malakas na suntok.

"Kelan ka ba titigil sa kabaliwan mo sa babaeng yun ha Harold Miguel? Tanda ko pa ang sinabi nya Alam kong galit ito dahil sa buong buo ang pagkakabanggit nya sa pangalan ko. Kaya pinagplanuhan nila ng kumpare nya na kasosyo nya din sa negosyo na ipakasal ako sa anak nitong si Lian. Oo si Lian na ex gf ko na din naman. Ng malaman ito ni Lian ay agad itong pumayag. Tumutol man ako ay wala akong nagawa. At nito nga lamang makaraan ay naganap ang engagement  party namin. Mga importanteng tao lamang ang mga imbitado at walang media.

Maayos na kami dati ni Lian pero hindi ibig sabihin nun ay minahal ko ulit sya. Naging magkaibigan kami ulit and we're making sex. A pure sex no feelings. Im just a man and I have my needs. Besides she is the one who always makes a first move.
Pero nung araw na pumayag sya sa gusto ng mga magulang namin ay nagalit ako sa kanya. Alam naman nya na ayoko sa ideyang yun dahil ayokong matali sa kanya dahil alam nya kung sino ang totoong mahal ko walang iba kundi si Jewel. Mas minahal ko pa sya nuon ng sabihin sa akin ni Fritz na wala naman talaga silang naging relasyon nito. At yung halik na nakita ko nuon ay ginawa lamang daw nito para saktan ako dahil sa ginawa ko.

Naglalakad ako palabas ng building namin ng biglang mag vibrate ang celphone ko. Agad ko itong kinuha at binuksan kung sino ang nagtext. Si Junix. Isa tong screen shot image mula sa isang facebook account. At ang nasa larawan nito ay isang lalaki na nakaluhod sa harapan ng babaeng nakatayo sa kanyang harapan walang iba kundi si Jewel kitang kita sa mukha nito ang saya. Namumukhaan ko ang lalaking ito. Nakikita ko ito sa bangko na pinagtratrabahuhan ni Jewel sa London. Pero hindi ko naman sila nakikitang magkasama nung mga panahon na iyon. May caption pa ang larawan na " Finally,she said YES😁". Sinubukan kong hanapin ang pangalan ng lalaki na nagupload ng larawan na nagngangalang Marcus Steven Brown. Pero hindi ko naman makita ito. Sinubukan ko ang pangalan ng babae na nakatag sa larawan na ito. Precious Venice Benitez subalit walang lumalabas na result. Alam kong kay Jewel na account yun pero bakit may Venice sa pangalan nya? Nagbago ba sya ng pangalan? Fvck! Hindi pwede ito. Sa akin lamang si Jewel walang pwedeng mag may ari sa kanya kundi ako.

Spending Time With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon