"The more you are motivated by love, the more fearless and free your action will be."
--- Dalai Lama XIV
*****
Harold Pov's
Nandito kami ni Lian sa loob ng opisina ko dahil may ilang bagay kaming kailangan ayusin ng bigla na lamang kaming sabay napalingon sa pintuan ng makarinig kami ng bagay na nalaglag na naglikha ng tunog. Agad akong tumayo sa swivel chair ko at tinungo ang pintuan.
Bahagya pala itong nakabukas at ng buksan ko ito ay tumambad sa akin ang isang kulay brown na paper bag.
"Ano to? Tanong sa isip ko.
Agad kong tinawag ang sekretarya ko na kasalukuyan naman na nasa table pa nya at agad din itong lumapit sa akin.
" Saan galing yan? Sabay turo ko sa paper bag na nasa sahig pa din dahil hindi ko ito dinampot. Mamaya ay kung ano pala ang laman nito.
"Aahh ano po kasi Sir may babaeng dumating dito, sabi po nya ay nagpadeliver daw po kayo ng lunch sabay dampot nito sa paper bag.
" Whaaaaat??? Nagtatakang tanong ko
"Yun po ang sabi nung babae Sir.
" Anong pangalan nya?
"Sir sorry po hindi ko na po naitanung nakayukong sagot nito.
"Sa susunod wag ka basta basta tatanggap ng ganito okay. At alam mo naman na never ako nagpapadeliver ng lunch di ba? At tumango naman ito.
" Sir ito po sabay abot sakin ng paper bag. Nagdadalawang isip man ako ay sa huli ay tinanggap ko na din at pumasok na muli sa loob.
"What's that? Agad na tanung ni Lian
"Food maikling sagot ko dito.
"Tamang tama,nagugutom na din ako wika pa nito at lumapit sa paper bag na nailapag ko sa lamesa.
" Hmmm ang bango. Nakakagutom wika pa nito habang isa isang inilalabas ang pagkain na nasa loob ng paper bag. Agad pa itong naupo at inihanda ang pagkain.
Agad ko namang idinial ang numero ng cctv operator ng buong building.
"Hello Sir? Wika ng nasa kabilang linya
"Pakireview mo nga ng cctv. Alamin mo kung sino ang babaeng pumasok dito na may dalang brown na paper bag. Sent mo ang image sa akin.
" Okay Sir. At agad ko na din namang pinutol ang tawag.
"Lian wag mo ngang kainin yan seryoasng wika ko dito. Na kasalukuyang naghihintay sa akin sa itim na sofa.
" Ha? Bakit di ba pinadeliver mo ang mga ito nagtatakang tanong nito.
"No.
" Ha? Eh saan galing ang mga ito.
"I don't know. So better to don't eat it.
***krriiinnnng
" Yes? Tipid na wika ko.
"Sir nakita ko na po ang sinasabi nyo ngauon din po ay isesent ko sa inyo.
" Okay thankyou.
Ilang segundo lang ang nakalipas ay agad ko namang natanggap ang larawang ipinadala nito.
BINABASA MO ANG
Spending Time With You (COMPLETED)
Ficção GeralAno gagawin mo kung isang araw iwan ka na lang ng taong mahal mo ng wala man lang dahilan? At kung kailan natutunan mo na syang kalimutan sa loob ng ilang taon ay duon naman sya biglang papasok muli sa buhay mo na para bang walang sakit na nangyari...