Chapter 27

3.5K 91 1
                                    

"Every time I think I'm over you, you come back and make me want you again."

Pj Pov's

Ilang linggo na rin mula ng sagutin ko si Marcus at masasabi kong maayos naman ang aming relasyon. Halos sa gabi na lamang kami naghihiwalay dahil hindi naman sya pwedeng dito sa bahay magpalipas ng gabi. Ng ikwento ko kay Imie kung paano nya akong napasagot ay kulang na lang ay mabasag ang eardrums ko sa naging pagtili nito. Mas kinilig pa sya kesa sa akin. Pero hindi ko naman itinatanggi na hindi ako kinilig syempre kinilig din naman ako ng bonggang bongga pero hindi ko naman iyon ipinahalata. At ngayong oras na ito nga ay hinihintay ko sga dito sa bahay dahil balak nya akong pormal na ipakilala sa mga magulang nya. Narito ang kaba sa aking dibdib dahil hindi ko maiwasan na maalala ang minsan sa aking nakaraan. Sana lamang ay maging maayos ang pagtanggap nila sa akin bulong ko sa sarili ko. Nakasuot ako ng isang plain color purple above the knee dress gusto ko naman na presentable akong haharap ng magulang nito. Si Imie naman ay balak na mamasyal sa mall ngayong araw at ipapasyal nya daw si Venice tutal ay araw ng linggo ngayon at kapwa kami walang trabaho. Sinabi ko naman na susunod na lamang ako pag kagaling kina Marcus. Narinig ko mula sa labas na may sasakyan na dumating at sigurado akong si Marcus na iyon. Agad akong lumabas ng kwarto ko at bumaba na ng hagdan. Naabutan ko pa ang katulong namin na nilalaro ngayon si Venice at si Imie naman ay nasa kwarto nito siguro marahil ay tulog pa. Ng marinig ko ang doorbel ay agad ko namang tinungo ang pintuan at binuksan iyon. Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Marcus. Nakasuot ito ng isang puting Vneck tshirt at kaki short at sapatos na kulay puti. Bakas na bakas sa mukha nito sayang nararamdaman.

"Goodmorning Honey sabay halik nito sa pisnge ko at may iniabot na isang bungkos na pulang mga rosas mula sa kanyang likuran. Agad ko naman itong inabot mula sa kanya at pinapasok sa loob.

Isa sa mga katangian na nagustuhan ko din kay Marcus ay ang pagiging sweet nito. Palagi itong may dalang bulaklak twing bumibisita sa akin parang si *tooot* agad kong iwinagkit sa aking isipan ang bagay na yun. Bakit ba bigla na lamang sya naalala dahil sa mga bulaklak at nagawa ko pang ihalintulad sya kay Marcus e malayong malayo sa kanya ito. Agad naman nitong nilapitan si Venice na ngayon ay nakaupo sa carpet at naglalaro ng lego. Agad naman syang nilingon ng anak ko niyakap mula sa leeg. Kilala na sya ni Venice dahil simula sanggol pa lang ito ay andito na si Marcus sa tabi ko. Hindi ko na napansin na may bitbit pala itong  paper bag at ibinigay sa anak ko. Tinanggap naman ito ni Venice at tinulungan sya ni Marcus na buksan ito. Tuwang tuwa si Venice ng makita nya ang laman nito. Nakapaloob dito ang paborito nyang Disney Princess character na si Princess Sofia. Thankyou Tito cus wika ng anak ko sa maliit nitong tinig. Cus ang tawag nya kay Marcus dahil hindi nya mabanggit amg buong pangalan nito. Agad naman syang hinalikan ni Marcus sa mga pisnge nito.

"Anything for you Little Princess nakangiting wika nito.

At nagpaalam na din ito sa anak ko at lumapit sa akin.

" Ready? Nakangising wika nito sa akin at agad na hinawakan ang kamay ko.

"Jean ikaw na muna bahala kay Venice ha at pag gising ng Maam Imie mo sabihin mo na umalis na ako. Bilin ko sa katulong namin at tumango naman ito.

"Ikaw ha masydo mong inispoiled ang anak ko. Baka masanay yan hanap hanapin ka nya. Natatawang wika ko habang papalabas na kami ng bahay.

" Okay lang yun Hon. Later or sooner ako na din naman ang magiging Daddy nya. Kampanteng wika pa nito.

Ngiti lang naman ang tanging naitugon ko sa sinabi nyang iyon. Dahil hindi ko naman naiisip na pwedeng mangyari iyon ang bagay na yun pero parang masyado pa yatang maaga para sa dun. Ayoko muna ng ganung usapin kaya iniba ko na lamang ang aming usapan ng makasakay kami sa kotse nya.

Spending Time With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon