Chapter 44

3.6K 94 9
                                    

**Unedited

Pj Pov's

Nagising ako ng maramdaman ko na may palad na humahaplos sa mukha ko. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ako at isang nakangiting Miguel ang namulatan ko.

"Goodmorning my beautiful Wife nakangiting wika pa nito.

"Goodmorning din sayo asawako ganting bati ko dito.

" Pwede bang pakiulit mo nung sinabi mo?aniya

"Hah? Bakit? Takang tanong ko pa dito.

"Sige na, gusto ko lang marinig ulit sayo parang bata na wika nito.

" Goodmorning din sayo ASAWAKO binigyang diin ko talaga ang salitang yun dahil alam ko naman na yun ang tinutukoy nito.

"Napakasarap talaga sa pandinig nakangising wika nito.

" Anong oras pala tayo babalik sa maynila? Tanong ko dito habang nakasubsob ang mukha nito sa leeg ko at ang bisig nito ay nakayakap sa katawan ko.

Bigla ko na lamang naalala yung mga nangyari kagabi. Alam ko sa sarili ko na nagtataka si Miguel. Dapat ba na sabihin ko na sa kanya ang tungkol kay Venice o hihintayin ko na lamang ba na tanungin nya ako.

"Gusto mo na ba agad bumalik? Nasa honeymoon pa tayo mahal tumatawang wika nito.

" Aahh ano kasi mahal.. Ah natanong ko lang naman pautal utal na sagot ko dito.

Naisio ko kasi ang dalawa kong kaibigan. Hindi ko alam kung magagalit ba sila sa akin sa ginawa ko. Balak ko kasi kapag nakabalik na kami ng maynila saka ko ipapaliwanag sa kanila ang lahat.

"Yun naman pala  Mahal eh,  alam mo bang kanina ka pa nito hinihintay sabay dikit ng katawan nito sa akin at damang dama ko ang matigas na pagkalalaki nito.

Hindi naman ako nakapagsalita dahil binalot ako bigla ng hiya. Kung kagabi ginawa namin ang bagay na yun ng madilim iba naman ngayon dahil maliwanah na maliwanag ang buong silid.

" Mahal ahmm kailangan ko muna sigurong maligo nahihiyang wika ko dito. Dahil ang totoo ay medyo masakit pa din ang bahagi kong iyon.

"Did still hurt?

"Medyo sagot ko.

"I'm sorry Mahal.

"Okay lang naman. Ganun naman talaga kapag una di ba?  Mahinang wika ko.

"Mahal about Venice panimula nito. Ah nevermind. Alam ko naman na ipapaliwanag mo ito sa akin kaya wag na muna ngayon dahil gusto ko na masolo muna kita.

Sasagot pa sana ako ng bigla na lamang nya akong siilin ng halik. Wala na akong nagawa kundi ang tumugon sa kanya. At alam nyo na marahil ang susunod na mangyayari.

Alas tres na ng hapon ng mapagpasyahan namin na bumalik ng maynila. Paano ba naman itong asawa ko talagang sinulit ang honeymoon namin. Halos lahat yata mg sulok nitong bahay ay nagawan namin ng kababalaghan. Ang lakas din ng istamina ng lalaking ito eh.

"Ready ka na Mahal? Tanong nito ng makasakay na kami ng kotse.

" Oo.

Ang totoo nyan ay kinakabahan ako sa pwedeng kahantungan ng mangyayari mamaya. Sinabi kasi nya na sa bahay nila kami tutuloy upang ipagbigay alam sa mga magulang nito ang tungkol sa bagay na ito. Tutol man ako sa gusto nya ay wala na din akong nagawa kundi ang sumangayon dito. Dahil hindi naman namin ito pwedeng itago sa pamilya nya. Bigla ko na lamang naisip si Lian na fiancee nito.

Spending Time With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon