Pj Pov's
Maaga akong pumasok tulad ng aking nakasanayan araw araw. Agad akong nagtungo sa aming silid aralan at naupo sa aking upuan. Makalipas ang ilang minuto dumating na agad ang grupo nina Samantha. Pag kakita agad nya sakin ay agad syang lumapit sa akin na may galit ang mga mata habang ang kanyang mga kaibigan ay nakasunod lang sa kanya.
'Ikaw wika nya sabay duro sa akin. Ikaw ang may kasalanan nito e dagdag pa nya na agad kong ipinagtaka. Sa natatandaan ko naman wala akong ginagawa na kahit anung masama sa kanya.
Ang aga aga ano bang problema mo sakin Samantha hah? Gigil na wika ko
Ng dahil sayo lagi na lamang akong pangalawa sayo at alam mo bang malaking dissappointment yun sa parents ko? Galit na tugon nya
Hindi ko naman kasalanan kung ipinanganak akong mas matalino sayo inis na sagot ko dahil nakainis naman talaga sya bakit kailangang ako ang sisihin nya sa mga bagay na ito? Kasalanan ko ba talaga na mas magaling ako sa kanya.
Aba at talagang sumasagot ka pa wika nya at akmang sasampalin ako ng may marinig kaming umubo mula sa harapan namin.
Laglag pangang napatingin ang lahat sa kanya. Si Harold. Sya ang lalaking nakatyo mismo sa loob ng silid namin. Halata ang pagkagulat sa mga mata ng ilan sa mga kaklase kong babae. Wala naman ni isa ang nagtakang magsalita kahit na si Samantha dahil bigla na lamang din dumating ang Prof namin. May sinasabi sya na hindi ko na naintindihan dahil yumuko na ako dahil nakaramdam ako ng kakaiba sa pagkakakita ko sa kanya. Napabalikwas ako ng marinig ko ng may biglang magsalita sa tabi ko.
'Hi mahinang wika nya sapat na para marinig ko. Alam kong sya yun kaya hindi ko na syang nakuhang tingnan pa at napatugon na lamang ako ng Hi din. Narinig ko pa ang mahinang bulungan nina Samantha 'omghad girl dun talaga sya pinaupo sa tabi ng probinsyanang yun wika ng isa sa mga kaibigan nya na kung hindi ako nagkakamali ay si Tricia. Shut Up madiing wika bi Samantha sa kaibigan.
Mabilis natapos ang araw na ito at sa maghapon na katabi ko si Harold sa upuan ay hindi ko talaga ginawang tingnan sya dahil alam kong buong oras din na nakamata sa amin sina Samatha. Alam kong may bahid ng pagkainggit sa kanya dahil si Harold ay gusto nya. At ramdam ko din na lalong nadagdagan ang galit na nararamdaman nya sa akin.
Uwian na din sa wakas. Mabilis na tumayo ang lalaking katabi ko at nakita ko pa na bigla na lamang humarang si Samantha sa harapan nya at hindi ko na sila muling tiningnan pa at sa halip inayos ko na ang bag ko. Hayyys Nakahinga din ako ng maayos. Ng makita kong nakalabas na sya.
Agad na lumapit sakin si Racquel.
Pj wika nya! Alam mo ang swerte mo talaga ha. Akalain mong si Harold katabi mo sa upuan kaya naman yung mga pugita sabay lingon sa grupo nina Margareth ay halata ang pagkainggit sayo. Imagine nakipagkilala sya kay Harold pero dineadma lamang sya hahahahaha sinabayan pa ng tawa.
Andito ako ngayon sa dorm namin ni Imie dahil araw ng sabado. Napagpasyahan namin na hindi muna kami uuwe sa Batangas dahil kauuwe lang din namin lastweek end. Tumawag na lamang ako kay tita para sabihin yun dahil mejo nagiging busy na din sa school graduating na kasi kami.
Dalawang buwan na ang nakakalipas. Hindi ko namalayan na ang bilis pala ng araw. Dalawang buwan ko na ding kaklse si Harold. Wala naman naging problema sa pagitan namin pwera na lang anag araw araw na pagiging galot sakin ni Samantha so wala namang bago dun e kaso mas tumindi lamang ngayon. sa katunayan nga e naging magaan ang pakikitungo namin ni Harold sa isat isa. Hindi naman sya masungit o suplado. Pero lagi syang seryoso. Hindi ko pa nga nasisilayan ang mga ngiti nya sa labi.Sis napabalikwas aq ng biglang dumating si Imie galing sa kusina. Aba sis kay aga aga nagmumuni muni ka jan! Nakadrugs ka ba? Nakatawang saad nito. Madalas ka kasing natutulala hindi ka naman ganyan dati ah. O baka naman inlove ka jan sa Harold na yan panunukso nya.
Dahil nga bestfriend ko sya ikinekwento ko sa kanya ang lahat ng nangyayari sa buhay ko maging sya naman ay ganun din skin.
Hay naku sis wika ko.. Tigilan mo nga ako ng pang aalaska mo. Namimiss ko lamang si Tita pagsisinungaling ko. At hindi ako inlove sa Harold na yun noh! Dagdag ko pa
Ohhh sige sabi mo e sagot naman nya! Tara kain na nagluto na ako ng almusal natin at mamaya may pupuntahan tayo wika nya habang naglalagay ng sinangag sa plato nya.
Habang kumakain kami bigla ko naisip ang sinabi nya kanina.
Teka pala sis san tayo pupunta mamay? Tanung ko sa kanya
Birthday kasi Sis nung kaklse kong si Sophie ang plano sa isang bar daw gaganapin ang party at sinabi naman nya na pwedeng magsama ng friends para daw mas masaya. Dagdag pa nito habang kinakagat ang toccino.
Sis ikaw na lang hindi ko naman kilala yung mga kaklse mo na yun eh. Nakamaktol na sabi ko. At tsaka may tatapusin pa akong report ngayon at ipapasa ko pa sa lunes.
Hay naku sis napaka Kj mo talaga. Basta sasama ka sakin no buts. At bilisan muna jan at pupunta tayo sa mall at kailangan nating bumili ng isusuot mamayang gabi. Alam mo namang ang damit natin dito eh bukod sa pambahay lang eh puro uniform na natin nakatawang wika nito.
Hindi ko na nagawamg tumutol pa. Knowing Sis magtatampo pa yun. Minsan na nga lang kami makagala dahil pareho na kaming busy ngayon.
Dumating ang alas onse ng mapagpasyahan naming pumunta na mall. Agad kaming pumasok sa isang mamahaling Botique.
Agad na kumuha si Imie ng mga dress para isukat. At iniabot nya sakin ang isang red halter dress na hanggang hita ang haba. At sa kanya naman ay isang black tube dress.
Agad kong isinukat ang dress na binigay nya sakin. Tuningnan ko ang sarili ko sa salamin bago lumabas. Maganda ang dress na ito saktong sakto ang lapat ng tela sa hubog ng katawan ko at mejo agaw atensyon lamang sa parteng dibdib ko dahil labas ang cleavage duon. Hindi lang kasi ako sanay na nakikita ang parteng iyon ng katawan ko pero alam kong hindi papayag si sis na hindi ito ang isusuot ko.
Perfect! Agad na wika ni Sis pagkalabas ko ng fitting room.
At binili na nya ang dress namin at kumuha na rin ng high heels sandals na babagay sa mga ito.
Pagkatapos namin magmall agad na din kaming umuwe ng bahay. Dahil maaga pa naman naglinis muna kami ng amin kwarto at nakatulog kami.
Ala 5 na ng magising kami ni Imie. Alas 8 p naman daw ang usapan nila para sa party mamaya.
Sis magbihis ka aalis ulit tayo humuhikab na wika ni Imie.
Hah? Saan na naman sis aalis na nga tayo mamaya tapos may pupuntahan na naman tayo. Wika ko
Magpapasalon tayo sis wag kang OA jan wika nya. Aba party yun ha madaming papable dun mamaya kaya kailangan na maganda tayo nakatawang wika nya. At baka dun mo na makikilala ang Prince Charming mo dagdag pa nya.
At sumunod na lamang aq sa kanya. Dito kame nagpunta sa isang sikat na salon. Ang Ystillo Salon.
PS : si Imie Rose my bestfriend yung nasa image sa taas :)
BINABASA MO ANG
Spending Time With You (COMPLETED)
Ficción GeneralAno gagawin mo kung isang araw iwan ka na lang ng taong mahal mo ng wala man lang dahilan? At kung kailan natutunan mo na syang kalimutan sa loob ng ilang taon ay duon naman sya biglang papasok muli sa buhay mo na para bang walang sakit na nangyari...