"Maybe if I will keep my distance, you'll start to miss me.
--- Ms. Author 😂Pj Pov's
Nakatitig ako ngayon sa sarili ko sa harapan ng salamin dito sa unit ko ag hindi ko alam kung ilang minuto o ilang oras na ba ako sa ganitong posisyon. Ngayon na kasi ang Alumni Party namin. At hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam kung tama pa ba na pumunta ako o wag na lamang. Dahil alam ko sa sarili ko na makikita ko syang muli duon tulad na sinabi nya kahapon. Oo kahapon. Nagpunta na naman sya sa shop kahapon pero hindi ko naman sya nagawang kausapin. Abala kasi ako ng mga oras na yun dahil nagsabay sabay ang dating ng mga suplay naming bulaklak. Nabanggit nito na dadalo sya sa pagtitipon ngayon araw. Kaya hanggang ngayon ay hindi ko magawang magayos ng sarili ko.
Ding Dong ..
Nagulat ako ng marinig ko ang tunog na nagmumula sa labas ng pintuan. Sa pagkakaalam ko ay wala naman akong inaasahan na pupunta dito ngayon. Agad naman akong tumayo at tinungo ito upang pagbuksan.
Nang buksan ko na ang pintuan ay sumalibong sa aking ang mukha ng bestfren ko at ni Rac na parehong nakasimangot at kapwa nakasuot na ang mga ito ng dress nila.
"Sis bakit hanggang ngayon hindi ka pa nakakapagbihis? Inis na tanung sa akin ni Imie ng makapasok ang mga ito.
"Kanina ka pa namin tinatwag Pj pero hindi ka naman sumasagot wika naman ni Rac.
Napatampal ako sa noo ko ng maalala kong nakasilent nga pala ang phone ko.
" Sorry nakasilent pala yung phone ko hinging paumanhin ko sa mga ito.
"Eh ngayon ipaliwanag mo samin bakit di ka pa nakabihis hah aber? Nakapamaywang pang wika ni Imie sa'kin.
" Ahhh anu kasi .. Hmmm hindi ako aattend sa wakas ay nasabi ko din ng maayos.
"ANO??? Malakas at sabay na wika ng mga ito.
" Hindi ako aattend paguulit ko.
"Pwede ba Pj wag mo kaming pinaglololoko bagot na wika ni Rac.
" Hindi nga kasi ako aattend,kayo na lamang nakasimangot na wika ko sa mga ito.
"Hindi pweseng hindi Sis madiin at pagalit na wika ni Imie at bigla na lamang nila akong hinawakan ni Rac sa magkabilang braso at patayong hinila papasok ng kwarto ko. Pasalampak pa nila akong iniupo sa harapan ng salamin ko.
" Ano bang ginagawa nyo? Ayoko nga kasi kayo na lamang dalawa wika ko ulit sa mga ito habang si Imie ay nagsisimulang maglagay ng foundation sa mukha ko.
"Bakit ba bigla na lamang nagbago ang desisyon mo? Di ba matagal na natin itong napagusapan? Dahil ba ito kay Harold ? Tanong pa nito.
Hindi na lamang ako sumagot sa sinabi nito dahil sya na din naman ang sumagot sa tanong nya.
" Silence means yes wika naman ni Rac mula sa likuran ko na syang nagaayos ng buhok ko.
Hindi ko na nagawang makipagtalo sa mga ito hanggang sa matapos silang ayusan ako dahil hindi ako mananalo sa mga ito. Isinuot ko ang isang red tube dress na hanggang hita at pinaresan ko ng isang itim na high heels.
"Look Sis sabay akay nito sa akin sa harap ng salamin grabeh tinalo yung ganda namin ngayong gabi nakatawang wika pa nito.
" Ako ba talaga ito? Bakit mas lalo yata akong gumanda pabirong wika ko sa mga ito na nagkatinginan lamang sa isa't isa.
"Sige na Pj ikaw na ang Dyosa kaya tara na late na tayo wika ni Rac at lumabas na kamo ng unit ko.
BINABASA MO ANG
Spending Time With You (COMPLETED)
Ficción GeneralAno gagawin mo kung isang araw iwan ka na lang ng taong mahal mo ng wala man lang dahilan? At kung kailan natutunan mo na syang kalimutan sa loob ng ilang taon ay duon naman sya biglang papasok muli sa buhay mo na para bang walang sakit na nangyari...