Chapter 14

3.3K 98 5
                                    


  Love does not begin and end the way we seem to think it does. Love is a battle. Love is a war.  Love is growing up.

--- James Baldwin

Harold Pov's

Naging maayos naman ang naging date namin ni Jewel. Kitang kita ko sa mga mata nya kung gaano sya kasaya. Nakakahawa ang pagiging masayahin nya. At natutuwa ako sa ideyang isa ako sa mga dahilan ng mga ngiti nya.

Nakahiga na ako sa kama ko ng biglang kumatok ang isa sa mga katulong namin. Ipinatatawag daw ako ni Dad sa loob ng library. Agad na nangunot ang noo ko ng marinig ko yun. Ano na naman ba ang paguuspan namin. Kung tungkol na naman ito sa gusto nyang mangyari nagaaksyan lamang sya ng laway at oras.

Mabibigat ang mga paa kong nagtungo sa loob ng library dahil sa ayoko namang makipagusap sa kanya.

Naabutan ko syang nakahpo sa swivel chair nya at nakaharap sa kanyang Mcbook. Hindi man lang sya nagangat ng tingin kahit alam nya na nandito na ako.

"Pinatatawag mo daw ako? Walang ganang tanung ko.

"Maupo ka tipid na wika nito. At naupo naman naman ako sa upuan na nasa harap nya

"Maganda.Matalino.Nangunguna sa Dean's Lister",,wika nito. Agad ko namang nakuha ang ibig nyang iparating. At hindi nga ako nagkakamali ng akala si Jewel nga ang dahilan ng paguusap namin.

"Alam mo naman siguro hijo kung anu ang kayang kong gawin. May pagbabanta sa tinig nito. Pag aari ko ang paaralang pinagaaralan nyo ng babaeng yun at isa lang syang scholar ibig sabihin sinwerte lang syang makapag aral dito. Dahil ayon sa PI na hinired ko malayong malayo sya sa katulad natin. Kaya kung ako sayo Hijo maaga pa lang ay tapusin mo na ang pakikipagrelasyon mo sa babaing yan. She's just a stain in our family. Mahina ngunit galit na wika nito.

"Kahit anong sabihin mo hindi ko gagawin ang gusto mo. Madiing wika ko. At agad ko syang tinalikuran. Hindi pa man ako nakakalabas ng pinto ng muli syang magsalita.

"Sige magmatigas ka at makikita mo ang magiging bunga ng pagsuway mo sa gusto ko. Galit na wika nito

Hindi ko na sya sinagot pa at tuluyan na akong lumabas ng silid na iyon. Ano bang problema nya. Bakit sa twing masaya ako sinisira naman nya. Totoo ata ang kasabihan na magkakambal ang mga ngiti at luha. Na kapag sobrang saya  mo ngayonmamaya lang ay may magiging dahilan para mapawi ang lahat ng sayang nararamdaman mo.

Pj Pov's

  Maaga akong pumasok ngayong araw dahil may mga libro akong dapat ibalik sa library. Sinabi ko din si Miguel na sa room  na lamang kami magkita. Agad naman ako nagtungo sa library para ibalik ang mga librong hiniram ko. Naglalakad na ako pabalik ng room namin ng makasalubong ko ang isa sa mga Prof namin na  sya din ang first subject namin ngayon.

" Goodmorning po Sir Quinto simpleng wika ko. Sya yung teacher namin sa accounting.

"Goodmorning din sayo Ms. Benitez by the way kagagaling ko lamang sa office at kailangan ka daw makausap ng Dean. Dapat mamaya ko pa sasabihin sayo pag dating sa klase mo pero ngakataon namang nagkita na tayo ngayon. Wika nito.

Agad naman akong nagpasalamat sa kanya at tinungo ang direksyon papunta sa office. Hindi ito ang unang beses ko na kakausapin nila ako pero nagtataka naman ako ngayon kasi bigla naman ata.

Ng marating ko ang office agad akong kumatok. Agad namang tumugon ang nasa loob nito at sinabing pumasok na ako.

"Goodmorning Ms. Benitez wika ni Mr. Gonzales. Agad ko din naman syang tinugon.

Ipinatawag kita dito regarding sa scholarship mo Ms. Benitez. Kailangan ka namin tanggalin sa isa sa mga scholar sa skul na ito. Malungkot na wika nito.

" Pero Sir bakit naman po? Ilang buwan na lamang po at gragraduate na po ako di ba? Bakit po bigla bigla na lamang? Malungkot na wika kk

" Hindi din kita masasagot Ms. Benitez. Sumusunod din lamang ako sa pinaguutos sa akin kaya pasensya ka na. Kailangan kasi naming gawin ito kundi kami naman ang mawawalan ng trabaho. Malungkot na wika pa nito. Psensya ka na hija. Hindi ko alam kung ano ba ang problema as far as I know ikaw ang nasa top 1 in the whole year. Pero wala naman kaming karapatan na sumuway sa ipinaguutos sa amin.

"Hindi ko na nakuhang magtanung pa sa kanya. Agad akong tumalikod at isa isang naglandasan ang mga luha ko. Bakit ganito? Bigla bigla na lamanv dumarating ang problema. Sayang naman kasi ang scholarship ko magtatapos na ako ilang buwan na lamang. Ito pa naman ang armas ko para maabot ang mga pangarap ko.

Wala ako sa sarili ng makarating ng school. Sa katunayan nagsisimula na nga ang klase pero dahil alam naman ni Mr. Quinto na nasa office ako wala namang naging problema. Agad akong naupo sa upuan ko. Agad kong nakita ang mga mata ni Miguel. Ang mga mata nyang wari mo'y nagtataka.

" Where have you been? Im trying to call you when I arrived but u didnt answer my calls. Even my text messages. Mahinang wika nito.

"Mamaya na lamang natin pagusapan. Maikling tugon ko.

Pakiramdam ko ang bagal bagal ng oras ng mga sandaling yun. Gusto ko ng matapos ang araw para makauwe na at makapagpahinga na muna. Sumasakit ang kaiisip ko sa pagkawala ng scholarship ko. Maayos naman ang mga grades ko pero bakit ganun? Pati ang sinabi ni Mr. Gonzales iniisip ko pa din. Sumusunod lang daw sila sa utos sa kanila. So may nagutos lang na alisin ang scholarship ko? Kung merun man. Sino? At bakit naman nya gagawin yun? Hindi ba nya alam ang mga sakripisyo ko para lang dito?

Sa wakas lunchbreak na din at wala pa din ako sa mood. Ni hindi ko nga kinakausap si Miguel kasi wala talaga ako sa kondisyon ngayon. Ayaw ko namang sabihin sa kanya ang problema ko dahil ayoko naman na kaawaan nya ako. Yun pa naman ang isa sa mga bagay na ayaw na ayaw ko. Pero alam ko namang malalaman din nya kasi alam kong pipilitin din nya ako na sabihin sa kanya ang problema.

Sa halip na sa canteen kami nagtungo ni Miguel sa parking area nya ako dinala. Wala akong narinig na kahit anu sa kanya simula ng lumabas kami ng room hanggang makarating dito. Hawak hawak lang nya ang kamay ko at ramdam ko ang paminsan minsang titig nya.
Agad naman nya akong ipinasok sa loob ng sasakyan. Bago pa ako makapagtanung pinaandar na nya ito. Wala pa ding nagsasalita sa amin. Nakakabingi ang katahimikan. Maya maya pa lamang ay huminto kami sa paborito naming kainan. Ang Apple Bees .. Sa totoo lang wala din naman akong ganang kumain. Ng makapasok kami sa loob agad naman kaming naupo sa pandalawahang tao. Agad syang nagorder at hindi na ako tinanung. Habang naghihintay kami ng order namin nagsimula na syang magsalita.

"May problema ka ba? Mahinang wika nito at kitang kita ang sinseridad sa mga mata nito

"Wala lang ito Miguel. Tipid na wika ko. Habang nakatingin sa kanya

"Kung ano man yan Mahal sabihin mo sa akin. Andito lang ako. Makikinig ako sayo. Tutulungan kita hanggat kaya ko. Ano pa at naging boyfriend mo ako kung wala naman akong magawa para sayo. Malungkot na wika nito. C'mmon tell me? Please may lungkot sa boses nito

"Inalis na nila ang scholarship ko. Hindi ko alam kung bakit nagkaganun wika ko. Hindi rin naman ako nabigyan ng maayos na sagot ng Dean kanina. Ang sinabi lang nya sumusunod lang daw sila. Hindi naman siguro ganun kalaki ang babayadan namin ni Tita kaso sayang din kasi. Simula 1st year scholar na ako tapos kung kailan matatapos na ako saka naman ito mawawala. Paano ko na lang sasabihin kay Tita ayoko naman na madisappoint ko sya. Malungkot na wika ko

"Let me handle this Mahal okay. Dont worry everything will be alright. Trust me. Wika nito at sabay ngiti.

Maya maya pa ay dumating na ang order namin. At kinalimutan na muna namin ang problema ko. Masaya kaming kumain at ng matapos ay bumalik na din kami sa skul.

Authors Note

Pagpasensyahan na po ang mga errors ha at antok na antok na ako pero pinilit ko pa din mag UD kahit paumaga na 😁

Spending Time With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon