"It's better to break your own heart by leaving,rather than having that person break your heart everyday your're with them."
---AnonymousPj Pov's
Masayang masaya si Tita sa surpresang paguwi namin. Hindi nya napigilan ang mga luha nya kaya naman pati ako ay nadala na din ng eksena. Ibang iba na ang lugar namin mula ng umalis ako dito. Ang laki na ng pinagbago ng lungsod mas naging maganda at malinis ito. At si Tita naman ay mukhang hindi nadagdagan ang edad dahil napakaganda pa din nito at talaga namang mas maalaga pa sa sarili nya ngayon. Pangalawang araw pa lamang namin dito sa Pinas kaya andito kami sa bahay namin sa Batangas. Si Rac naman ay umuwi na din kahapon dahil sa negosyo namin. Sinabihan ko naman sya na pupunta ako duon para naman matulungan sya. At para na din mabigyan din sya ng bakasyon. Plano ko sana ngayong araw na pasyalan ang mga branch ng bago naming supermarket dito sa lugar namin at si Tita naman ay nagpresinta na sya muna daw ang magaalaga kay Venice hanggang nandito kami. Hinayaan ko naman dahil alam ko kung gaano sya kasabik sa apo nya at para na din naman kay Venice.
Kasama ang driver namin ay isa isa kong pinuntahan ang aming mga negosyo. Oo may driver kami este driver ni Tita at oo may sasakyan na din kami katunayan ay isang BMW at isang Mercedez Benz ang nabili ni Tita at ginagamit nya ito sa araw araw na pagpunta sa trabaho. Merun din kaming isang driver dahil hindi naman marunong magdrive si Tita at kumuha din sya ng isang katulong na syang kasakasama nito sa bahay araw araw.
Hapon na din ng makauwe ako sa bahay dahil inikot ko pa ang kabuuan ng nasabing supermarket at isa isa ko din namang kinilala ang mga incharge sa bawat branch namin. Masasabi ko na ibang iba na talaga ang pamumuhay namin kumpara sa dating kami. Pagpasok ko sa bahay ay naabutan ko naman si Tita na kampanteng nakaupo sa haraoan ng malaking tv namin sa salas.
"Oh kamusta naman ang pagtotour mo? Nakangiting tanung nito sa akin at naupo naman ako sa tabi nya.
"Okay naman tita nakakapagod po pala. Paano nyo nagagawa yan patakbuhin magisa? Tanung ko naman dito.
"Alam mo anak natutuwa ako na umuwi ka na dito. May isang bagay sana ako na hihilingin sayo. Seryosong wika nito. Agad naman akong napaisip sa sinabi nito.
" Ano naman po yun tita? Wika ko
"Kung pwede sana dumito na kayo ng apo ko. Hindi mo na naman kailangan na mamasukan pa sa iba dahil maayos na naman ang buhay natin at tska anak nagkakaedad na din ako. Darating ang panahon na ikaw din ang mamahala ng lahat ng negosyo natin dito. At gusto ko naman na makasama kayo ng apo ko kung alam mo lamang kung gaano kita namiss pati na din ang apo ko. Malambing na wika nito.
" Tita alam ko naman po iyon pero sayang naman po yung trabaho ko sa London isa pa maganda yung kinikita ko dun. Ayoko din naman po naiiwan ko kayo na nagiisa dito. Sagot ko naman dito.
"Basta anak pagisipan mong mabuti ha. Wika pa nito at niyakap ako. Alam mo anak kamukha muna si Venice ang ganda ganda ng apo ko. Kung hindi ko lamang alam ang totoo iisipin ko talaga na magina kayo. Nagkataon pa na pareho kayo ng mga mata. Dagdag pa nito.
"Maganda din po kasi Tita ang Mama nya. Tipid na sagot ko.
"Teka nagmeryenda ka na ba? Nagpaluto ako ng paborito mong turon at pinalagyan ko pa ng langka. Halika at kumain ka muna sabay tayo nito at hinila pa ako palapit sa lamesa.
" Tita asan po pala si Venice? Tanung ko dito
" Nasa kwarto nya kanina ko pang napatulog. Buti na lamang at malaki yung nabili ko na crib sa kanya. Alam mo ba simula pa lamang nung sinabi mo ang tungkol sa kanya pinasimulan ko agad na ipaayos yung isang kwarto aa tabi ng guest room. Nagbaka sakali kasi ako nuon na baka uuwi na kayo maganda na yunh nakahanda na kaso ilang taon na ang nakalipas at ngayon mo lang naisipan umuwi. Nagtatampong wika nito.
BINABASA MO ANG
Spending Time With You (COMPLETED)
General FictionAno gagawin mo kung isang araw iwan ka na lang ng taong mahal mo ng wala man lang dahilan? At kung kailan natutunan mo na syang kalimutan sa loob ng ilang taon ay duon naman sya biglang papasok muli sa buhay mo na para bang walang sakit na nangyari...