Chapter 35

3.4K 98 11
                                    

Pj Pov's

Katulad ng mga nakaraang araw ay dito pa din ako namalagi sa maynila. Saglit ko munang kinalimutan ang nangyari nung nakaraan dahil mula naman nuon ay wala ng kakaibang nangyari. Sinisimulan ko n din magplano para sa birthday ni Venice. Kahapon nga lamang ay umuwe ako sa Batangas dahil miss na miss ko na ito. Hindi ko pala kaya ang umuwi ng everyweek dahil agad ko itong namimiss. Nandito ako sa opisina habang nag sesearch ako sa google ng mga magagandang ideya para sa isang children party. Gusto kasi ni Tita ay dun namin ito ganapin sa isang orphanage sa aming bayan. Nakarinig ako ng mahinang katok mula sa labas ng pintuan. Agad ko naman sinabi na pumasok ito kung sino man ang taong iyon habang ang atensyon ko ay nasa harapan laptop ko.

"Ma'am may nagpapabigay po nito sa inyo wika ni Carla habang hawak hawak ang isang bouquet ng mga pulang rosas. Iniabot nya ito sa akin at tinanggap ko naman ito ng may pagtataka.

" Sinong nagbigay nito? Tanung ko naman dito

"Hindi po sinabi ang pangalan Ma'am basta sabi lang po ay iabot yan sa inyo magalang na sagot naman nito. Nagpasalamat na lamang ako dito at lumabas na din ito.

Nakita ko na may maliit na papel na nakalakip sa mga bulaklak at agad ko naman kinuha ito at binasa.

  I'm always here for you.

Iyan lamang ang nakasulat sa papel. Sink naman kaya nagbigay nito. Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at lumabas ng opisina. Agad kong hinanap si Carla at nakita ko naman ito na nasa pwesto nya at agad ko itong nilapitan.

Carla namukhaan mo ba ang taong nagbigay sayo ng bulaklak? Walang ganang tanung ko dito.

Opo Ma'am sagot naman nito. Gwapo po kinikilig na wika pa nito. At minsan na din po syang bumili dito. Yun pong kasama nung kausap nyo na lalaki nung nakaraan dagdag pa nito. Bigla na lamang tumibok ng mabilis ang puso ko ng marinig ang sinabi nito. Ag hindi ako maaring magkamali si Miguel ang lalaking tinutukoy nito. Bumalik na ulit ako sa loob ng opisina at pinagmasdan ang bulaklak na nasa lamesa. Bakit ka umaakto ng ganito Miguel? Bakit ginugulo mo pa ang isipan ko? Di ba ikaw itong nakipaghiwalay sa akin nuon at ikakasal ka na ngayon malungkot na wika ng isipan ko. Bulaklak lang ito. Hindi ako dapat nagiisip ng kung anu anu dahil wala naman ibang ibig sabihin ito wika ko pa sa sarili ko. Agad ko namang iwinaglit ang mga isiping iyon at ibinalik ko na lamang ang atensyon ko sa ginagawa ko kanina.

Lunch break ng makatanggap ako ng tawag mula kay Rac. Sinabi nito na ako na muna ang bahala dito dahil may pupuntahan lamang daw itong mahalaga mamaya at baka hindi nya ako maihatid sa condo. Ito kasi ang maghahatid sa akin pauwi dahil wala akong sasakyan at isa pa wala akong driver license dito. Ayaw naman nya ako payagan na magtaxi sa gabi kasi delikado daw.

Alas 6 na ng maisara ang flower shop. Agad naman akong nagtungo sa coffee shop. Kung inaalam nyo kung nasaan si Imie nasa Batangas sya ngayon at may inaasikaso na ilang personal na bagay.
Alas 8 kasi kung isara ang coffee shop namin kaya may dalawang oras pa ako na ilalagi dito. Agad naman akong binati ng mga empleyado namin dito at nginitian ko lamang naman sila. Wala naman ako masyadong ginawa pero pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Pagod na pagod ang isip ko. Hindi ko kasi maiwasan na hindi mapaisip tungkol sa ilang bagay. Dapat ko bang sundin ang payo ng mga kaibigan ko? Dapat ba talaga na pakinggan ko pa kung anu man ang gusto nitong sabihin? Pero para saan pa may mababago ba ito? Maalis ba nito ang sakit na sya mismo ang may dulot nuon? Siguro nga madali ang magpatawad pero hindi madali ang makalimot lalo na kung ang bagay o tao na gusto mong kalimutan ay ang taong ayaw mong kalimutan.

Patapos na ang pagsasarado ng shop ng bigla namang bumuhos ang malakas na ulan. Kung kailan naman uwian na ay saka naman umulan narinig ko pang wika ng isa mga empleyado namin. Nagkanya kanya ng uwi ang mga ito habang ako naman ay naiwan pa dito sa harapan ng shop dahil nagaabang ako ng taxi na masasakyan. Ngunit ilang minuto na akong nakatayo at naghihintay ay hindi pa din ako nakakasakay dahil madalas ay may pasahero na din sa loob ang dumadaan. Naisip kong tawagan si Rac kaya kinuha ko agad ang cellphone ko sa bag ko. Pag minamalas nga naman oh naibulong ko na lamang sa sarili ko. Ang lakas ng ulan tapos lobat na pala ang cellphone ko. Inis kong ibinalik ito sa bag ko at tumingin sa kahabaan ng kalsada. Ilang sandali lang ang nakakaraan ng may bigla na lamang sasakyan na tumigil sa aking harapan.

Spending Time With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon