Harold Pov's
Sabado ngayon at andito lang ako sa bahay ng makatanggap ako ng tawag mula sa kaibigan kong si Junix. Niyaya nya ako na magbar kami mamayang gabi dahil birthday ng girlfriend nitong si Sophie. Sa isang bar daw kasi gaganapin ang party. Ayaw ko sanang pumayag pero ayoko naman magmukhang Kj dahil lahay naman daw ng tropa ay pupunta dahil kilala ng mga ito si Sophie isang HRM students sa Oakland.
Saktong alas otso ng makarating aq sa lugar na pagdadausan ng nasabing party. Ang Blue Sapphire. Hindi ito basta basta pipitsugin bar lamang. Isa ito sa mga high class bar na pag aari ng pamilya nina Albert isa sa mga kaibigan ko.
Pagpasok ko ng lugar agad kong nakita ang mga kaibigan ko at iba pang tao sa pwesto nila ay hindi ko na kilala. Siguro ay mga kaklse ni Sophie.
Uy pare ang gwapo natin ngayon ah nakangising wika ni Junix sabay apir.
Lagi naman akong gwapo ah pagmamayabang na wika ko at nagsitawanan naman ang mga nakarinig nun.
Ipinakilala ako ni Junix kay Sophie dahil ito pa lang ang unang beses na nagkita kami pero kilala na sya ng buong tropa.
Naupo ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Albert isa sa mga kaibigan ko habang sa kanang bahagi nya ay si Fritz isa din sa mga tropa. Nagsisimula na ako uminum ng beer sa harapan ko ng biglang magsalita si Sophie.
'Ayan andito na si Imie wika nito sa mga kaklse nya. Bigla naman akong napaangat ng tingin sa dalawang babae na ngayon ay nakatayo sa harapan namin. Hindi ko naman kilala ang Imie na sinasabi nya pero ito siguro ang babaeng nakasuot ng black tube dress. Hindi mapagkakailang maganda ang babaeng ito. Pero hindi ito ang nakakuha ng pansin ko kundi ang babaeng kasama nya. Ang babaeng nakasuot ng kulay pulang dress na hanggang hita ang haba. Nakatali ang kulay itim nitong buhok na may nakalaylay na iilang hibla sa magkabilang pisnge nito. Ang kanyang mapuputi at mahahabang hita ay kapansin pansin dahil sa suot nito. At ang mejo litaw nyang cleavage ang nagpadagdag ng malakas na dating sa kahit na sinong lalaki ang tumignin dito. Ibang iba sya ngayon at hindi ko inaasahan na magkikita kami sa lugar na ito. Jewel? Pabulong na wika ko sa sarili ko. Natural na syang maganda pero lalong syang naging maganda ngayong gabing ito. Nabalik lang ako sa realidad ng biglang magsalita si Fritz.
Hey Sophie baka naman gusto mo kaming ipakilala sa kaibigan mo nakangiting wika ni Fritz.
Ahh Fritz this is Imie Rose Buenavista classmate ko and this is her bestfriend Precious Jewel Benitez. Simpleng wika ni Sophie at nakipagkamay naman si Fritz kay Imie at sumunod naman kay Jewel.
Nice meeting you Gorgeuos wika pa nito sabay halik sa mga kamay nito na sya namang ikinabigla ng dalaga.
Hmmmm paubong wika ko para makuha ang atensyon nila.
Nagtama ang mga mata namin ni Jewel ng oras na mkita nya ako.
Ha.. Rold .. Pabiglang wika
You two know each other? Nagtatakang wika ni Fritz.
Yeah! We're classmates Simpleng tugon ko.
Pagkatapos nun ay hinila na sila ni Sophie para maupo sa kabilang grupo ng mga kaibigan nya.
Wooh Dude hindi mo man lang sinabi samin na may ganun ka pala kaganda at kahot na kaklse. Grabeh pare ha what I mean is madami akong kilalang magaganda at sexy pero this one is really amazing. She's perfect. Nakangiting wika nya. Mukha maliligaw ako sa building nyo dude nakatawang wika pa nito.
Kaibigan ko si Fritz at alam ko ang ligaw ng bituka nya. He's one of a playboy. Basta maganda at sexy papatusin nya. Ika nga basta nakapalda papatulan ng gago na to. Pero hindi ako makakapayag na makasali si Jewel sa listahan nya. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang nararamdaman ko sa babaeng yun. Simula pa nung unang araw na makita ko sya may kung anu sa bahagi ng pagkatao ko ang gusto kong protektahan sya.
Pj Pov's
Nabigla talaga ako ng makita ko si Harold dito mismo sa party ng kaklase ni Imie. Hindi ko naman kasi inakala na andito din sya. Pag kakita ko sa kanya may kung anung kakaiba akong naramdaman. At talaga namang napakagwapo nya sa suot nya Blue long sleeve na nakatupi sa hanggang siko nito at isang Denim jeans. Basta gwapo talaga kahit anung isuot gwapo pa rin. Halos lahat silang magkakaibigan ay gwapo naman talaga kaya hindi nakakapagtaka kung madaming babae ang magkakandarapa para mapansin nila.
Andito ako ngayon sa tabi ni Imie habang umiinom ng Tanduay Ice hindi naman kasi ako sanay uminom dahil hindi naman ako yung babaeng mahilig sa mga ganitong lugar katunayan nga ay padalawang beses ko pa lang pumunta sa lugar na ganito yun ay dahil pa kay sis. Sya kasi ang mahilig sa ganitong social life. Habang iniinom ko ang ikalawang bote ng tanduay ice naramdaman ko na may mga pares ng matang nakatitig sakin. Kaya pasimple akong lumingon sa paligid at muntik ng malaglag ang puso ko ng makita kong titig na titig skin si Harold! Sa akin nga ba o baka naman hindi sa akin dahil sa dami namang babae na nakauoo dito sa pwesto ko wika ko sa sarili ko. Pero hindi eh sakin talaga at sigurado ako. Agad akong nagiwas ng tingin sa kanya.
Makalipas ang ilang sandali ng biglang lumapit sakin si Fritz.
Hi gorgeous nakangiting wika nya.
Hello sabay ngiti din sa kanya.
Ngayon lang namin nalaman na kaklse ka ni Harold wika pa nito.
Hindi ko alam pero hindi ako komportable sa presensya ng Fritz na ito. Gwapo naman din ito tulad ni Harold pero ewan ko ba parang may iba.
Do you have a boyfriend? Tanung pa nito
Ahh wala. Tipid na sagot ko. Alam na this. Ang mga ganitong moves ng mga lalaki.
Alam mo kung ako lang si Harold baka niligwan na kita nakatawang wika pa nya. Sige ha balik na ako dun sabay tingin sa pwesto nila kanina at saktong si Harold ay nakatingin pala sa gawi namin. Nice meeting you agai pahabol pa nito at tuluyan ng tumalikod at naglakad palayo.
Alas dose na din ng makauwe kami ni Imie sa dorm. Grabeh hindi naman ako uminom ng madami pero feeling ko nalasing ako. Nalasing ako sa mga titif ni Harold skin. Bakit ba ganun na lang sya makatingin? Parang ngayon nya lang ako nakita ah o dahil siguro nanibago lang sya sa looks ko ngayon kahit naman kasi ako nabigla sa naging resulta ng pagpapasalon namin kanina. Parang hindi ko nakilala ang sarili ko ng tingnan ko sa salamin.
Dahil sa pagod at puyat namin ni Sis kagabi alas onse pasado na ng kami ay magising kinabukasan. Dahil araw naman ng linggo binalak namin magsimba ulit. Nakagawian na kasi namin ito gawin twing araw ng linggo bilang pasasalamat na din sa lumikha para sa lahat ng blessing na nakakamit namin araw araw.
Authirs Note.
Pasensya na po sa Ud ko ha .. Wala pong eksaktong araw o oras ang mga Ud kl basta kapag may free time ako .. Mag uupdate po ako. Thanks readers
Dont forget to likes and comment. At pakifollow na din po ng account ko salamat 😘- apoLicious 😘
BINABASA MO ANG
Spending Time With You (COMPLETED)
General FictionAno gagawin mo kung isang araw iwan ka na lang ng taong mahal mo ng wala man lang dahilan? At kung kailan natutunan mo na syang kalimutan sa loob ng ilang taon ay duon naman sya biglang papasok muli sa buhay mo na para bang walang sakit na nangyari...