Chapter 2

5.5K 117 5
                                    

Harold Pov's

Ngayon ang magiging unang araw ko sa paaralan ni Daddy. Hindi ko naman talaga balak magtransfer pa dahil masaya ako sa school na pinapasukan ko ang MaryLand University. Nakakatawa ano? May sarili kaming school pero hindi ako dun nagaral. May dahilan naman kasi ako kaya ko ginawa yun. Nandun kasi ang kaligayan ko. Ang kaligayahan na akala ko ay hindi na matatapos. Andun kasi ang girlfriend kong si Lian kaya dun ko din napagpasyahang magaral kahit tutol sina Daddy kasi anu na lamang daw bang iiisipin ng mga kaibigan nya at mga kilala sa negosyo kapag nalaman na yung anak nya ay hindi sa paaralan na pagaari nila nagaaral. Pero sa huli ako dun ang nasunod. Matagal ko ng nakilala si Lian at ang tagal ko din syang niligawan bago nya ako sinagot. At nito nga sanang last week ang magiging unang anniversary namin kaya napagpasyahan ko na alukin na sana sya ng kasal tutal naman ay isang taon na lamang at graduate na kami.

Flashback

Sinundo ko sga ng araw na un mula sa klase nya at dinala ko sya sa isang restaurant na plinano ko pa talaga para sa amin dalawa.

Harold ano ito? May pagtataka sa boses nya nga paupuin ko sa silyang nakalaan para sa kanya.

Mula sa likuran ay kinuha ko ang isang boquet ng mga pulang rosas at ibinigay sa kanya. Hapoy Anniversary Babe masayang wika ko habang sya naman ay tahimik at nakatingin lang na tinanggap ito.

Harold may gusto sana akong sabihin sayo wika ni Lian.

Babe let me finish first. Can I? Wika ko at itinuloy ko ang gusto kong sabihin sa kanya Babe alam mo naman kung gaano kita kamahal di ba? Simula pa lanv nung araw na sinagot mo ako alam ko sa sarili ko na ikaw na ang babae na gusto kong makasama habang buhay. Ang babae na gusto kong makasamang bumuo ng pamilya. At mula sa aking bulsa ay inilabas ko ang isang pulang kahon na naglalaman ng singsing na pinagupunan ko talaga para sa kanya.

Muli akong tumingin sa kanya at nakita ko ang ilang butil ng luha sa kanyang mga mata habang nakatitig sa akin.

Babe Will you marry me? Kabadong tanong ko.

Harold pautal na wika nya. Sorry But I cant marry you at naglandasan na ang mga luha nya. Sorry kung kailangan pa nating umabot sa puntong ito. Kung sana sinabi ko agad sau sana walang ganito. Im so sorry!

Hindi ko inaasahan ang mga narinig ko sa kanha. Wait Babe. Why? Nabigla ba kita? Masyado pa ba tayong bata para dito kung dahil dun sige kaya ko maghintay. Pumipiyok na sabi ko habang nakatitig s kanya.

Harold Im so sorry but Im inlove with someone else. And Im setting you free. Yun lang at tumayo na sya at umalis. Hindi ko na sya nagawang habulin dahil sa mga sinabi nya. May mahal na syang iba habang kami pa. Niloko nya ako ng hindi ko man lang nalalaman. Nagago ako..

End of Flashback

Kaya napagapasyahan ko na umalis na sa school na yun at simulanv kalimutan sya.

Patungo na ako ngayon sa Oakland University. Iniisip ko na anu kaya ang magiginv buhay ko dito ngayon? Hindi naman siguro mabobored dahil dito naman nagaaral ang mga kaibigan ko ako nga lang talaga itong gago na nagiba ng direksyon.

Nang makarating ako sa school hindi na ako nagtaka sa mga tingin na ipinukol sakin ng mga estudyante dito sigurado akong alam nila na dito na ako magaaral. Agad akong dumiretso sa classroom na kahapon pa lang ay ibinigay na sakin ni Daddy. At ngayon nga ay nakatayo ako sa harapan ng room agad akong dumiretso sa loob. Naabutan ko pa ang isang eksenang yung babaeng matangkad na may mahabang brown na buhok at makapal na make up ay waring inaaway ang isang babaeng nakauoo lamang sa harapan nito. Hindi ko makita masydo ang mukha nya dahil nahaharangan ito ng malditang babae.

Eehhmmm.. Umubo ako para lang makuha ang atensyon nila. At agad na napatigil ang babae sa kanyang ginagawa. Agad nanlaki ang mga mata nito na wari ba ay gulat na gulat sa pagkakakita sa akin. Pero dun napukaw ang atensyon ko sa babaeng nakaupo malapit sa kanya. Mahaba na mejo kulot ang kulay itim nitong buhok. Ang kulay abo nyang mga mata. At ang perpektong hugis ng ilong nya at ang labi nyang sa palagay ko ay natural na mapupula. Habang ang babae ay malamig na nakatingin lamang din sa akin.

Bumalik lang aq sa reyalidad ng biglang dumating ang unang Prod namin habang ako ay nakatayo pa din dito sa harapan nila.

"Goodmorning Class malakas na wika ni Mr. Garcia ang prof namin. Sya ang bago nyong kaklse sabay turo sa akin panimula nya. Siguro naman ay kilala nyo na syang lahat di ba? Dagdag nya Oh sige magsiupo na kau at ikaw Harold dun ka maupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Ms. Benitez.

At agad ako nagtungo at umupo sa tabi ng babaeng umagaw ng atensyon ko.

Hi tipid na wika ko sa kanya ng makaupo ako.

Hi din sagot nya na hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Seryoso? Dineadma lang ang mukha kong ito.

Buong klase kong katabi si Preious. Nalaman ko ang pangalan nya ng my isa sa kaklse namin ang tinawag sya. Her name suits on her. Sa magahapon na magkatabi kami hindi man lang nya ako nagawang kausapin o hindi man lang nagsasalita. Well bakit nga ba ako mag eexpect ng ganun mula sa kanya. Ito pa lang naman ang unang araw na nagkita kami. Naririnig ko lang a g boses nya kapag sumasagot sya sa mga lectures namin. Bukod sa pagiging maganda nya aminado ako dun dahil ilang beses ko ng natitigan ang mukha nya kanina ay matalino din sya. Parang si.. Aahhh erase ! Hindi ko na dapat na iniisip.. Dapat nagmomoveon na ako. Tama yun ang gagawin ko. Ang kalimutan sya.

Natapos na ang buonv klase namkn at agad akong tumayo para lumabas ng bigla na lamng humarang sakin ang babaeng kanina lang ay umaaway kay Precious.

Hi I'm Samantha Pierce nakangiting wika nito sabay lahad ng kamay nya. Tumingin lang aq sa kanya at nilampasan sya. Narinig ko pang singhao ng mga babaeng nasa likuran nya na kung ndi ako nagkakamali ay mga kaigan nya. Hindi ako ngakasya ng panahon na lingunin pa sila at bago ako tuluyang makalabas nilingon ko muna si Precious at nakita kong abala naman itong nakikipagusap sa isa sa mga babaeng kaklse namin. At umalis na ako.

Naramdaman konv nagvibrate ang celpbone ko kaya agad ko itong kinuha upang alamin kung sino ang nagtext.

From Junix
Dude tapos na ang klase namin. Tara dating gawi. Kita na lang tayo sa parking papunta na kami.

Si Junix isa sa mga kababata at kabarkada ko..Agad ko naman syang nireplyan.

To Junix
Okay Dude! Papunta na -- sent

Spending Time With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon