Pj Pov's
Maayos at masaya naming nairaos ang kaarawan ni Venice sa Orphanage. Nakakatuwang pagmasdan ang mga batang nanduon kitang kita sa mga mata nila ang kasiyahang hatid ng aming ginawang party para sa mga ito at maging si Venice ay masayang nakipaglaro din sa mga ito.
Ngayon nga ay nandito na din kami sa bahay at nagpapahinga. Si Tita Alma ay dumiretso naman sa aming negosyo samantalang kami ni Marcux ay nandito sa salas nakaupo habang nanunuod ng tv.
"You know what JL this is the best birthday party that you make for Venice nakangiting wika ni Marcux. Imagine ang saya ng mga bata kanina dagdag pa nito.
" Well big thanks for Tita. Sya naman talaga ang may ideya nito sagot ko naman dito.
"Nga pala Marcux gusto mo ba sumama mamaya sa dinner namin nina Rac? Ipapakilala kita sa kanya bago ka bumalik ng London Tanong ko naman dito. Mamaya kasing 8pm ang dinner na napagusapan namin nina Rac at Imie. Hindi na sila nakapunta kanina sa party dahil pareho silang busy sa shop babawi na lamang daw sila mamaya. At bukas na din ang flight ni Marcux pabalik ng London. Kailangan na kasi nyang bumalik duon dahil may trabaho pa syang naiwan at dagdag pa na naghihintay din sa kanya ang anak nito at si Mira. Plano na din kasi nyang sabihin sa mga magulang nito ang tungkol sa bata.
" Sure JL alam mo naman na gusto ko pang magstay ng mas matagal pero kailangan ko ng bumalik siguro ay hihintayin ko na din lamang ang pagbabalik nyo ni Venice duon seryosong wika nito. Besides next week na din naman ang balik nyo di ba? Tanung pa nito.
Ang bilis pala lumipas ng mga araw. Parang kauuwi lang namin dito tapos pabalik na din pala kami. Naisip ko tuloy ang sinabi ni Tita. Gusto nya na magstay na kami dito kasama sya. May parte sa sarili ko na sumasangayon dito pero paano ang trabaho na naiwan ko duon? Sayang din naman kasi yun para din yun sa future ng anak ko. At may isang bagay pa ako na kailangan gawin bago bumalik ng London kung babalik pa nga ba kami dahil hanggang ngayon ay hindi pa ako makapagdesisyon. Siguro ay kailangan kausapin ko si Tita.
" JL okay ka lang ba? Nagtatakang tanung ni Marcux sa akin na dahilan para bumalik ako sa sarili. Masyado yatang napalalim ang iniisip ko.
"A..aa.aah oo next week na nga pautal utal na sagot ko naman dito. At tumango tango naman ito.
Saglit naman itong nagpaalam dahil sa may tumawag sa celphone nito. Naiwan akong nakaupo dito sa sofa habang nakatingin sa kawalan. Dahan dahan kong ipinikit ang mga mata ko ng bigla ko na lamang maalala ang nangyari kahapon kaya napamulat din kaagad ako. Sa hindi inaasahang oras at lugar. Dun ko pa sya nakita. Kaya pala naman hindi ko sya nakita ng halos isang lingo ay dahil wala sya dito. Hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam kung paano ako gagawa ng paraan para makausap sya. Maya maya lamang ay naisip ko ang tungkol sa Alumni. Tama. Oo tama. Baka sakaling duon ay makikita ko sya tutal ay pag aari naman nila ang paaralang iyon. Hindi man ako sigurado ay umaasa pa din ako na makikita ko sya dun kahit imposible siguro. Bahala na isa lang naman ang gusto ko yun ay ang makausap sya at sabihin sa kanya na matagal ko na syang napatawad. Para din naman makapagsimula na ako ng panibago. Yung hindi na sya kasama sa dahilan ng pagtibok ng puso ko. Kakausapin ko lang sya para maging malinaw na ang lahat kahit pa ilang taon na ang nakakalipas.
"Jl akyat lang ako sa kwarto ha may ichecheck lamang akong email ni Dad wika ni Marcux ng makabalik ito agad naman akong tumango dito at umakyat na din ito ng hagdan.
Tiningnan ko ang cellphone ko ng maramdaman ko ang pagvibrate nito. Agad ko naman itong kinuha at binasa.
From Rac 😘
Don't be late later okay. See you 😊
BINABASA MO ANG
Spending Time With You (COMPLETED)
General FictionAno gagawin mo kung isang araw iwan ka na lang ng taong mahal mo ng wala man lang dahilan? At kung kailan natutunan mo na syang kalimutan sa loob ng ilang taon ay duon naman sya biglang papasok muli sa buhay mo na para bang walang sakit na nangyari...