Chapter 25

3.9K 95 2
                                    

" And sometimes you just have to forget about that person you once loved and MOVE ON."
--- Anonymous

After 5 years ...

Nagising ako ng maramdaman ko na may maliliit na kamay na humahaplos sa mukha ko. Tiningnan ko agad ang orasan na nakapatong sa aking side table alas 7 na pala ng umaga at gising na ang aking munting prinsesa. Ang bilis ng panahon parang kelan lamang ay hindi ko sya mabuhat dahil sa napakaliit pa nya at napakalambot pa ng kanyang katawan. Pero ngayon ay magtatlong taon na agad si Venice. Magtatlong taon na din simula ng mawala ang kaibigan kong si Isabel. Si Isabel ay isa sa mga naging matalik kong kaibigan dito sa London. Katrabaho ko sya sa bangko na aking pinagtratrabuhan sa loob ng 5 taon. Subalit namatay din sya makalipas ang ilang araw pagkatapos nyang ipanganak si Venice. Nangako ako sa kanya na aalagaan at mamahalin ko ang anak nya na parang sarili kong anak. Hindi ko din nakilala ang ama nito dahil sa ang kwento sa akin ni Isabel ay isa itong banyaga na nakilala nya dito sa London subalit hindi na muling nagpakita sa kanya ng malaman na buntis sya. At napagalaman din nya na may pamilya na pala ang lalaking iyon. Bago sya bawian nuon ng buhay ay nakagawa pa sya ng isang sulat na nagsasabi na ibibigay nya sa pangalan ko ang pangangalaga ng kanyang anak dahil sa wala na din pala syang pamilya sa Pilipinas. Kulay abo din ang mga mata ni Venice na sa palagay ko ay namana nito sa kanyang ama. Kaya kung titingnan mo talaga ay masasabi mong ako talaga ang ina nya.Medyo nahirapan din ako sa pagaayos ng adaption papers para maging legal akong ina ni Venice. Salamat na lamang at natulungan ako ng Tito ni Marcus na isang abogado dito sa London at napabilis ang lahat. Si Marcus ay ang aking boss sa trabaho.Sya ang anak ng may ari nito. Pinay ang nanay nya at Londoners naman ang kanyang ama. At sya din ang aking masugid na manliligaw. Halos dalawang taon na din nya akong sinusuyo. Pero hindi ko pa sya makuhang sagutin dahil hindi ko pa maibigay ng buo sa kanya ang aking puso. Ayoko namang maging unfair sa kanya. Sinabi ko naman sa kanya na maging magkaibigan na lamang muna kami pero sadyang matyaga sya. Nagsimula ako bilang teller nuon sa bangko na pagaari nila hanggang sa nabigyan ako ng promotion at naging Finance Manager. Malaki ang pasasalamat ko sa lahat ng tao na nakatulong sakin sa paglalakbay ko sa bansang ito.

Kinuha ko si Venice mula sa akong tabi at agad ko itong binigyan ng maliliit na halik sa kanyang pisnge. Napakamasayahin talaga ng anak ko. Konting galaw mo lamang ay tumatawa na ito. Iilang tao lamang ang nakakaalam tungkol sa totoong pagkatao ni Venice. Sina Rac,Imie,Ate Irene na kapatid ni Imie,si Tita Alma at si Marcus lamang. Ayoko na may ibang tao na makaalam nito. Dahil ako na naman ang  kikilalaning mommy ni Venice. Agad ko syang inilagay sa kanyang crib at pinagtimpla ng gatas. Hindi naman naging mahirap sa akin ang pagaalaga kay Venice tutal mahilig talaga ako sa mga bata at nanunuod din ako sa youtube ng mga videos kung paano ba ang tamang pagaalaga sa mga sanggol. Ng mapainum ko ito ng gatas ay agad ko namang tinawag ang baby sitter nito na si Jean. Ng makuha nito si Venice ay agad naman akong naghanda para sa pagpasok sa trabaho. Pagbaba ko ng kusina ay agad ko namang naabutan si Imie na nakaupo na sa mesa at nagsisimula ng kumain. Nakalimutan ko palang sabihin na sa iisang bahay kami nakatira ni Imie. Dito na din sya nakahanap ng trabaho isa syang Hotel Manager sa isang malaking hotel dito sa London. Ang pangarap nyang maging isang Flight attendant a hindi na nya itinuloy kung anu man ang dahilan nya ay hindi ko pa din alam.

Agad naman akong naupo sa upuang katabi nya.

"Goodmorning sis masiglang wika ko dito. At tinugunan naman nya ito.

"Sis anung plano mo sa 3rd birthday ng maganda kong inaanak na nagmana sa maganda nyang Ninang.Nakatawang wika nito.

Dalawang buwan na nga lang pala mula ngayon ay magbibirthday na ito. Pero wala pa din akong nabubuong plano.

" Hindi ko pa alam sis eh! Masyado kasi akong busy nitong mga nakaraan kaya nawala sa isip ko may dalawang buwan pa naman para paghandaan yun. Simpleng wika ko at nagsimula na akong maglagay ng pagkain sa plato ko.

Spending Time With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon