Chapter 28

3.5K 99 1
                                    

There is never a time or place for true love. It happens accidentally, in a heartbeat, in a single flashing, throbbing moment."
--- Sarah Dessen

Harold Pov's

Halos araw araw na akong naging abala sa pagpapatakbo ng kumpanya nitong mga nakaraang araw. At sa palagay ko ay nakabubuti ito sa akin para maiwasan ko ang pagiisip sa ilang bagay na nakakagulo sa aking isipan. At kahit araw araw na pumupunta dito si Lian ay hindi ko sya nakukuhang pagtuunan ng pansin. Agad ko syang pinapaalis at galit na sumusunod naman ito sa akin. Gusto na din syang ipaban dito sa building para hindi na nya ako kulitin dahil nakakasira lamang sya ng araw ko. Paano ba naman wala nang bukang bibig kundi ang pagpaplano para sa kasa. Kasal na sila lang ang may kagustuhan. Sila ang bahala magplano para dun dahil sila din naman ang may gusto nun. Kung pwede nga lang na si Dad na din ang magpakasal sa kanya bakit hindi di ba? Pero napaimposible mangyari. Nasa kalahati na ako ng mga papeles na binabasa ko ng makatanggap ako ng tawag mula kay Albert nagdadalawang isip pa ako na sagutin yun dahil baka ungol na naman ng isang babae ang marinig ko mula dito. Ano na naman kayang kailagang ng ugok na ito tanung ko sa isip ko. Pinalipas ko muna ang ilang ring bago ko napagpasyahan na sagutin ito.

"What? Tipid na wika ko dito

"Wala man lang bang hello or hi? Mukhang wala ka na naman sa kondisyon dude ah! At kahit na hindi ko sya nakikiya ay ramdam ko na nakangisi sya sa kabilang linya

"Madami akong ginagawa ngayon Albert. Ano ba ang kailangan mo? Tanung ko dito

"Yayain ka lang naman sana mamaya. Tagal na din natin hindi nagkakasama sama ang last ay nung engagement party nyo ni Lian tumatawang wika pa nito.

" Saan ba yan? At susubukan ko na makapunta ang dami kasing trabaho ngayon. Wika ko naman dito.

"Sa Tiki Bar. Mamayang alas 9 tatawagan ko na din ang iba. Kailangan din naman nating marelax kahit paano at babae lang ang katapat nito tumatawang wika pa nito. Lalo ka na dahil malapit ka ng matali. Nangiinis na dagdag pa nito.

" Kahit kailan Albert wala kang inatupag kundi ang pambabae mo simpleng wika ko dito at agad na din naman akong nagpaalam sa kanya.

Ibinalik ko na lamang ang atensyon ko sa mga papeles na nasa harapan ko.

Kailan kaya matatapos ang mga problemang kinakaharap ko? Walang ibang dapat sisihin dito kundi si Dad. Sya ang may pasimuno ng lahat ng ito kung hindi lang sana sya nakialam nuon sana masaya na kami ngayon.

Pj Pov's

Nang makarating kami ng bahay galing sa mall ay agad ko namang ibinigay si Venice sa yaya nito para palitan ng damit dahil gabi na din at inaantok na ito. Hindi na ako nagpahatid kay Marcus dahil sa kotse na kami ni Sis sumakay. Agad naman akong naupo sa sofa at naupo din si Imie sa harap na upuan nito.

"Oh anu yang mga ngiti at titig na yan sis? Wika ko dito

"Simulan muna magkwento sis? So anu kamusta ang pagharap mo sa mga magulang nya? Nagustuhan ka ba nila? Maayos ba naman sila nakipagusap sayo? Hindi ka ba sinungitan o pinagsalitaan ng hindi maganda? Dirediretsong wika nito.

" Sis kalma okey? Ang OA mo ha at pwede ba isa isa lang ang pagtatanung? Dinaig mo pa ang armalite. Pabirong wika ko at umasim naman ang mukha nito.

"Ay pasensya na po at masyado lamang akong naexcite. So anu nga kwento na! Giit pa nito.

At para matahimik lang sya ay kiniwento ko ng lahat lahat sa kanya. Oo as in lahat lahat.

" OMG!? Its a good sign sis.. Akalain mo yun  ang mayamang katulad nila ay hindi katulad ng ibang mayayaman na kilala ko.
May tanung lang ako sis hah! Paanu kung yayain ka na ni Papable Marcus na magpakasal? Ngingiti ngiting wika pa nito.

Spending Time With You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon