To help yourself, you must be yourself. Be the best that you can be. When you make a mistake,learn from it. Pick yourself up and move on."
--- Dave PelzerHarold Pov's
Papasok na ako sa bahay nina Sherwin ng mamataan ko ang isang babae na wari mo'y kadarating din lamang dahil kababa lamang din nito ng kotse nito. Hindi ako maaring magkamali si Lian ang babaeng iyon. Hindi ko alam na imbitado din pala sya. Sabagay naging malapit din naman sa kanya ang mga kaibigan ko nuon nung kami pa. Agad naman syang napatingin sa akin ng makita nyang papalapit ng kotse ko. At alam nya na ako ang sakay nito dahil gumuhit agad ang ngiti sa kanyang mga labi ng matanaw ako. Agad akong bumaba ng maipark ko ng maaus ang kotse ko. At mukhang hinintay pa nya talaga ako dahil nakatayo lamang sya at nakatingin sa gawi ko. Agad naman syang ngumiti ng makalapit ako. Hindi ko naman tinugunan ang ngiting iyon sa halip ay nilampasan ko lamang sya at agad akong pumasok sa loob. Ramdam ko ang mga hakbang nya sa likuran ko dahil sa tunog na nagmumula sa suot nitong high heels. Ng makarating ako sa hardin kung saan nagaganap ngayon ang munting celebrasyon ni Sherwin ay agad kong nakita ang grupo nila sa may bandang gitna. Papalapit na ako sa kanila ng makita ko sina Imie at Racquel na nakaupo sa tabi nina Sherwin at Albert. At mas nabigla ako dahil hindi ko alam na inimbitahan din pala sila.At ang nakaagaw ng pansin ko ay ang babaeng nakatalikod sa gawi ko habang kausap ang isa sa mga kaibigan ko na kung hindi ako nagkakamali ay si Fritz. Kahit nakatalikod ang babae ito ah kilalang kilala ko ito. Hindi ako nagkakamali si Jewel ito.Agad naman akong binati nina Junix ngunit hindi pa ako nakakapagsalita ng bigla namang magsalita si Lian mula sa aking likuran. Halos lahat sila ay napatingin sa amin pwera lamang kina Junix at Jewel. Ilang segundo ang nakalipas ng bigla na lamang hilahin ni Fritz si Jewel palayo sa lugar namin. At lahat kami ay naiwang tahimik. Wala ni isa sa amin ang nakuhang magsalita. At ang mga mata nilang lahat ay nakatuon sa akin. Hindi ko na hinintay na may magsalita sa kanila at agad naman akong sumunod sa kanila. Makalipas ang ilang minuto na paghahanap ko ay nakita ko silang nakaupo sa isang kahoy na upuan sa may likod na bahagi ng hardin. Nakita ko kung paano yakapin ni Fritz si Jewel at sa pagkakataon iyon ay agad ko syang sinugod at binigyan ng isang malakas na suntok dahilan para mabuwal sya at malaglag sa damuhan. Bakas sa mukha ni Jewel ang pagkagulat. Agad naman nyang dinaluhan si Fritz na ngayon ay hawak hawak ang kanyang labi.
"Fvck!!!What the hell is wrong with you? Galit na mura ni Fritz sa akin.Hindi pa ako nakakasagot ng biglang magsalita si Jewel na may galit na mga mata nya.
" Ano bang problema mo ha Miguel? At basta basta ka na lamang susugod dito at manununtok? Galit na saad nito sa akin.
" Sya ba ang dahilan kung bakit hindi mo na ako mahal ha Jewel? Tanung ko sa kanya.
Bakas sa mukha nya ang pagkabigla sa sinabi ko. Nakalipas pa ang ilang segundo bago sya nagsalita. Tumayo muna sya at hinarap ako. Sana ay mali lamang itong iniisip ko wika ko sa sarili ko. Nadala ako masyado ng bugso ng damdamin ko. Oo nagseselos ako at fvck sa matalik na kaibigan ko pa.
"Gusto mo bang sagutin ko ang tanung mo ? Walang emosyon na wika nito " Paano kung sabihin kong OO titigilan muna ba ako? Hindi lang ako ang sinasaktan mo Miguel nandadamay ka na din.
Halos hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Totoo ba yun o sinasabi lang nya yun para pasakitan ako dahil sa ginawa ko.
"Hindi ako naniniwala Jewel. Alam kong sinasabi mo lang yan para gantihan ako. Sagot ko naman. Habang si Fritz naman ay nakatayo na sa tabi nya at nakatingin lang sa aming dalawa.
"Hindi ko na problema kung anu ang paniniwalaan mo Miguel. At bakit ka ba ganyan. Di ba may Lian ka na. Kung gusto mo papatunayan ko pa sayo maniwala ka lang. Seryosong wika pa nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/89839631-288-k7049.jpg)
BINABASA MO ANG
Spending Time With You (COMPLETED)
General FictionAno gagawin mo kung isang araw iwan ka na lang ng taong mahal mo ng wala man lang dahilan? At kung kailan natutunan mo na syang kalimutan sa loob ng ilang taon ay duon naman sya biglang papasok muli sa buhay mo na para bang walang sakit na nangyari...