“Pat, Halika na..”
Binalik ako sa realidad ni Tin, bestfriend ko na bestfriend din ni Jap. Lagi ko na lang kasi naaalala ang mga pangyayari at fresh pa yun sa isip ko kahit na dalawang taon na ang lumipas. Hindi ko mapigilang mamiss si Jap, halos ayaw ko na ngang mabuhay nun pero alam kong nandyan pa si Tin, kaya nabubuhay ako ngayon para sa kanya.
Tumayo na ako sa kinauupuan ko at nagpaalam na kay Jap.
“Jap, punta na kami ah? Mag-eenroll pa kasi tong si Tin, sabay kami. Sa dreamschool mo kami mag-aaral, sinadya ko yun para sayo nuu. Sana nga kasama ka naming magcocollege eh.”
Nanggigilid nanaman ang mga luha ko.
“Jap, bayaan mo, hahanapan ko si Pat ng bagong boyfriend, magiging Masaya din tong bestfriend natin.” Inakbayan ako ni Tin at niyakap. Nakakagaan din naman kasi ng feeling na kahit gunaw na ang mundo mo, may nandyan parin para sayo.
“ Osiya, punta na kami. Ingat ka dito.” Tuluyan na akong nagpaalam ang nagflying kiss sa puntod niya at umalis na kami ni Tin.
---
Eto na, kailangan ko ng ayusin tong buhay ko para kay Jap. Nasa puso ko parin siya pero dapat kong isipin ang kinabukasan ko. Hindi kaya biro ang college, lalo na kung sa Siliman ang punta mo. Mahirap makipagkompitensya dun, swerte nga ng batch naming at walang entrance exam this year sa Siliman dahil raw hindi naman dun nakabase ang galing at kapasidad ng isang estudyante. Matagal ng sinasabi sakin dati ni Jap na dito kami mag-aaral ng kolehiyo. Pinag-iipunan nga naming ang tuition dito sa mga trabahao naming nung nabubuhay pa siya.
Isa ko pang swerte at scholar ako dito, may sponsor kasi ako na taga ibang bansa, medyo close naman ako dun sa kanila, ang bait kasi nila. Mga Filipino immigrant sila kaya naman malapit sa loob ko. Naging sponsor ko sila nung namatay si Jap, tinanggap ko na kasi ang alok na scholarship sakin ni Tin na dati ay ayaw ipatanggap sakin ni Jap. Ayaw kasi niyang maging dependent sa iba, kasi alam niyang iiwan lang kami ng sponsor naming pag wala na silang pera gaya ng pag-iwan samin ng mga magulang namin. Pero wala akong reason na hindi tanggapin yung scholarship kaya kinagat ko na.
Speaking of scholarship, pagkatapos naming mag-enrol, pupunta pa pala akong net Café dahil gusto raw akong kausapin ng sponsor ko, muntik ko nang makalimutan. miss ko na din sila, lalo na yung anak nilang si Nurzha, ang cute kasing bata. Hehe..
“Pat, matatagalan pa ako dito, ang haba ng pila eh mauna ka na kaya sa café? Susunod na lang ako. Text mo lang ako kung san, baka malate ka pa sa meet up nyo.”
Ang haba naman talaga ng pila. Pero nag-enrol naman ako konti palang yung mga tao, sabagay, dalawang lingo na lang at pasukan na ult, kalbaryo nanaman.
“Hay! Sabi kasi sayo sabay na tayong mag-enrol eh, hinintay mo pa padala ng tita mo eh minsan ka lang naman nun maalala.”
Sinesermonan ko siya ngayon. Kasi naman nung puede na siyang mag-enrol kasama ko eh umayaw pa at nagpumilit na darating pa daw yung pera ng tita niya galing London. Gusto niya kasi mafullypaid na agad ang tuition fee niya. Maarte din to eh, eh alam naman niyang hindi siya ang priority ng tita niya kundi yung boylet niyang amerikano. Hay…
BINABASA MO ANG
Mr. New (JulNiel Story)
FanfictionPaano ka mabubuhay kung ang buhay mo ang siyang nawala sayo? Handa ka na bang umibig muli kung sakaling dumating ang bagong magpapatibok ng puso mo? Paano haharapin ni Pat ang mga pagsubok na to sa buhay niya? Samahan natin siya sa kanyang epic love...