Chapter 3: Mystery Call

1.5K 27 0
                                    

1 inch

.

.

.

.

.

0.5

Loko to ah, mukhang hahalikan pa ako. Hindi pa ako ready sa 2nd kiss ko, eh pano naman kasi yung una, napakadramatic tapos ganto na lang ang sa 2nd time? From a stranger? No way!

.

.

.

BUGSHHH!

“Crap!”

Napahawak siya sa noo niya at ganun din naman ang ginawa ko. Napasobra ata yun untog ko sa kanya, pati ako kasi nasaktan pero hindi ko naman nireregret yung ginawa ko kayssa sa mahalikan niya ako kanina.

“Ay Sorry, nagulat kasi ako.” Palusot ko na lang.

“Ayos lng, mag-ingat ka kasi. Let me carry that for you.” inagaw niya yung hawak kong tray at hinatid sa upuan namin.

Maswerteng walang ibang umupo sa upuan namin kung hindi ay wala na kaming maupuan. Kahit nga yung mga iniwang gamit buti hindi ninakaw, pabaya naman kasi tong lalaking to, palibhasa laking amerika. Sanay na sa nakaw.

“Teka, dapat ako na lang para nakapag-order kana, pano ka kakain niyan? Ang haba na ng pila.”

Nakakahinayang kong sagot. Eh siya naman talaga ang nag-alok na kumain dito tapos siya pa yung hindi makakakain dahil sa akin.

Ahy, bago ko makalimutan, nagsorry na nga pala yung staff na nakabuhos ng tubig, bago pa lang daw kasi siya kaya hindi pa niya kabisado. Sesermonan ko pa sana yun kaso biglang sumingit si asungot at sinabing okay lang raw yun. Naku, nakangiti pa ng nakakaloko, sabagay, babae kasi yung staff at medyo maganda kaya nagpacute. Ngumiti ba siya dahil cute ang staff o nagpapasalamat siya sa staff dun sa nangyari?  Ayoko na ngang isipin.

“Ayus lang yun, kung gusto mo, dahil ako naman ang nagligtas ng pagkain mo, akin na lang yan. Ay, ang ibig kong sabihin, share na lang tayo.”

Napakamot pa siya sa ulo niya na mukhang nahihiya sa sinabi niya. Nahihiya, siya?? Talaga lang ah.

“Sige, sayo na lang to. Bilisan mo para makauwi na tayo, sa bahay na lang ako kakain.” Binigay ko na sa kanya yung tray at lumabas ako para hindi na ako mainggit sa kanya habang kakainin niya yung binili kong pagkain para skin.

“Asar naman oh, siya yung lalaki dapat di niya hayaang magutom ako.” Para pa akong batang nagmamaktol nang nakalabas na ako sa fastfood.

Bakit ba ako nagrereklamo na parang “bakit hindi niya ako nilibre, siya lalaki diba?” Eh hindi naman ito nanliligaw sakin. Pat, umayos ka nga, isipin mo si Jap..Wag k munang mag move-on, pero yun naman ang gusto niya diba? Hay naku, ewan!

Maya maya pa nakita kong lumabas si Ryan sa fastfood, ang bilis naman ata nun kumain, at may tinake out pa ata to, galing ah. sana lang akin yan..

Mr. New (JulNiel Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon