Chapter 15: Birthday Surprise Part 2

1.1K 30 3
                                    

"Kalokohan pala to eh." Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at lumakad papalabas, bago pa man ako makalabas ng pinto, pinigilan ako ni Richard.

"Pat, please. Last na to, please." Pagmaakaawa niya.

"Richard, thank you. Thank you sa effort pero sorry, ayoko. Ayoko na. Puede ba? Patahimikin mo na ako." Mahinahon kong sabi sabay alis ng hawak niya.

"Pat, Huwag. Please."

"Sorry." At tuluyan na akong lumabas ng pinto.

Agad namang sumunod si John sakin at pinahinto ako.

"Pat naman, hihingi lang siya ng tawad sayo."

"Pat naman?! Eh ikaw nga nagsinungaling din sakin eh. Akala ko ba ikaw yung manlilibre, bakit may asungot na pumasok? Pinagtitripan niyo lang pala ako eh! Wag na.! Tabi nga!!" At binangga ko siya.

"Please. Ngayon lang." Piniglian niya ako. Ang mga tingin niya sakin, hindi ngmamakaawa kundi galit. Pinipisil niya na ang kamay kong hawak niya.

"Ayoko. Isa pa at hindi na rin kita ituturing na kaibigan." Pagmamatigas ko.

BIgla namang nawala yung pananakot sa mukha niya at napalitan ito ng takot niya sa sinabi ko. Hinawakan niya yung isa ko pang kamay na naging rason para humarap ako sa kanya.

"Sige, hindi na kita pipilitin, hindi ko kayang mawala ka." Sabi niya ng nakayuko at binitawan na niya yung mga kamay ko.

"Ah, ah bilang kaibigan." Singit pa niya at ngumiti sakin.

"Salamat." At niyakap ko siya. Sa pagyakap ko ay nakita ko sa malayuan si Richard. Nakatayo lang sa may pinto at nakayuko. Tinanggal ko yung yakap at ngiti ko.

"Mauuna na ako, habang hindi pa gumagabi." Sabi ko at umalis na ako.

Wala na ata akong puso eh, Pero hindi naman ako umayaw dahil galit parin ako kay Richard sa pagkindnap niya samin, o dun sa pagpatay niya kay Jap. Nung nakita ko kasi siya, bigla kong naalala si Ryan. Hindi ko pa pala siya nakikita at kailangan ko siyang hanapin.

- - -

"Dun po, urong pa, Sige pa, Sa may likod. Yan, ilapag niyo na."

Kanina pa ako nag-aayos ng set-up ko. Nagising ako ng maaga at hindi na pumasok para magawa to. Pero mag 6:00 pm na at wala pa si Pat. Baka may nangyari na dun.

Binalak ko talagang dito sa rooftop ng condo na tabi ng tinutulyan namin ang set-up ng birthday niya. Kasi maganda ang view pag gabi, isa pa, hindi pa siya nakakaakyat dito, kahit ako nga eh, ngayon lang. Ngayon lang din ako nakapag-ayos dahil sa kakagaling ko lang sa photoshop. Nagpadevelop kasi ako ng gabundok na picturres. Malalaman niyo kung para san.

"Sir, okay na po. Ang ganda po nito, magpoproprose po ba kayo? " Tanong sakin nung isang boy ng nirentahan ko ng table at chairs, kasama na dun yung buong decoration.

"Hahaha, mas maganda pa dito yun pre, sige. Salamat, puede na kayong umalis. Nasa manager niyo na yung bayad." At binigyan ko pa ng brotherhug yung boy at tip. Naks, akala mo sinong mayaman.

Hindi ko kasi masyadong pinaggastusn to, pero pinaghandaan! Resourceful kaya ako. hahah ako pa.

Mr. New (JulNiel Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon