The clock says 10:00 pm
"Gising ka na pala."
Muntik pa akong mapatalon sa sinabi niya. nandun lang pala si Ryan sa tabi ng kama ko. Nagbabantay, tatayo na sana ako ng makaramdam ako ng matinding sakit sa ulo. Haynako, hindi na ako makakaalis ngayon , may lakad pa naman ako kasama si Tin, ipapakilala ko pa kasi sa kanya si Ryan. Atat na atat na rin kasi yung makilala ang savior ko raw last night. Aynako, ano bang iniisip ko? eh gabi pa lang naman ng araw na dumating to dito, bukas pa ang lakad ko kasama si Tin. Nagsigh in relief tuloy ako at natawa pa ng konti dahil masyado akong futuristic. siguro epekto to ng hindi ko pagkain.
Speaking of food, hindi pa pala ako kumakain this day. Simula ng sunduin ko tong lalaking to sa airport hanggang sa nagpanic ako sa mga tawag nung misteryosong sender na dahilan ngayon ng pagkakasakit ko. Malaki na tuloy ang utang na loob ko si Asungot na to, ay hindi. Hindi na pala dapat asungot ang tawag ko dun dahil mabait na siya sakin ngayon. Hey, guess what? I think I found a new friend. HAHAHA :)
"Kanina ka pa ba dyan?" Nakakahiya na tuloy tumingin sa kanya dahil pagod na pagod siya na umiidlip pa sa tabi ng kama ko. Siguro nagbantay to magdamag at hindi na nakatulog.
Grrrgggrrgrgrgrgrhhh.. HALA! Nagising siya at natawa siya sa narinig niya, at alam mo ba kung ano yun? Tiyan ko :)
"Mamaya na tayo magkwentuhan at nagrereklamo na yang sikmura mo, kukunin ko lang pagkain mo sa baba. dyan ka lang."
Yung pagsabi niya ng huling pangungusap ay pareho sa tono ng pa-uutos niya sakin nung nandun kami sa airport. Naalala ko tuloy lahat ng pinaggagagawa namin kaninang umaga at natatawa ko pa habang inaalala ko ang pag-untog ko sa kanya para hindi niya ako mahalikan, ang inis kong tingin habang nagpapacute siya sa magandang staff sa fastfood, at yung paghawak niya sa kamay ko sa kotse na para talagang kilala na namin yung isa't isa dati pa. Siguro nga kahit hindi kami nag-uusap sa skype ng dalawang taon ay alam niya yung buhay ko kaya ngayon, protective siya sakin.
Napangiti tuloy ako ng tiningnan ko yung picture frame sa tabi ng kama ko. Picture collage namin ni Jap, simula pagkabata hanggang sa huling litrato namin. Namimiss ko nanaman siya, pero ngayon, hindi na ako naiiyak, nakangiti na ako habang inaalala ang masasayang alaala namin. Dapat pala ganun yung ginawa ko dati pa, hindi ako dapat nagmukmok ng dalawang taon at inisip ang sakit ng pagkawala niya. Dapat inisip ko yung mga masasaya naming sandali na magpapalakas ng loob kong ituloy ang buhay.
Kinuha ko yung frame at inisa-isa ang mga litratong nandun.
First picture namin ni Jap nung 8 years old kami. nasa isa kaming feeding program sa ampunan. Naalala ko pa nung pinilit niyang hingin yung picture sa photographer ng libre, importante raw kasi yung litrato sa kanya dahil unang picture namin yun. Sa sobra niyang pangungulit sa photgrapher ay binigay na sa kanya yung litrato at tinago niya yun sa unan niya. Nung makabili kami ng frame, yun ang una naming picture.
Nandun din yung huli namin litrato, Christmas yun at nasa school kami, doing charity work since president ako ng org at siya sa student government. Nakahalik pa siya sa pisngi ko at ako naman ay nakangiti. Kumukuha lang kasi ng stolen yung phtographer ng school pero pinilit nanaman siya ni Jap na kunan kami para sa collection namin. Nanggigilid nanaman ang luha ko habang hinihimas himas yung litrato namin ng marinig ko ang mga yapak ni Ryan paakyat ng kwarto. Mabilis ko namang ipinahid ang mga luha ko at ibinalik yung frame sa lugar nito pero nahuli pa rin ako.
BINABASA MO ANG
Mr. New (JulNiel Story)
ФанфикPaano ka mabubuhay kung ang buhay mo ang siyang nawala sayo? Handa ka na bang umibig muli kung sakaling dumating ang bagong magpapatibok ng puso mo? Paano haharapin ni Pat ang mga pagsubok na to sa buhay niya? Samahan natin siya sa kanyang epic love...