Chapter 19: Stupid Juice!

983 15 6
                                    

"Attention everyone, all passengers are requested to please sit down." Kanina pa kami pinapakalma ng stewardess dahil maraming mga pasahero na ang nagpapanic. Kinausap ako ng isang attendant na nastroke raw yung isa nilang Captain kaya nagkaganun, buti na lang raw ay may isa sa mga pasahero ang marunong magpalipad ng plane kaya ngayon, siya muna yung naging pilot. Okay naman kami after nun. Actually, we landed sa NAIA on time. Greatful ang lahat sa nakasalba ng flight namin, pati ako napahanga niya.

Everybody was waiting sa terminal kung sino yung naging pilot sa flight namin. Pati ako, hindi napigilang hindi umusyoso sa kung sino siya. Laking gulat ko na makitang yung kanina sa eroplano na sa tingin ko'y sponsor ko ang siyang pinagkakaguluhang hero ng flight namin. 

I tried looking at a closer look pero ang daming taong nakaharang. Mamaya-maya, habang iniwan ko yung mga gamit ko sa prof ko para lapitan ang crowd kung nasaan yung 'savior' namin ay napansin kong tinitingnan ako ng mga tao. Tinaas ko pa ang kilay ko sa ibang nagtataas ng kilay sakin. Swapang lang ah! Kairita. 

Yung katabi ko naman ay parang nakakita ng artista na tumalikod. "Thank you po talaga sa pagligtas sa flight natin kanina" Sabi ng babae sa tabi ko at nagpacute pa. Tumalikod na rin ako dahil sobrang curious ko sa mga tingin ng tao sa akin. Yun pala, yung hinahanap ko kanina na SPONSOR/SAVIOR ko ay nasa likuran ko. At kahit nakashades siya, I can tell, he is looking at me. Tumintidg ang balahibo ko habang tumitingin sa kanya. I can sense it, I really know him. At parang nabasa niya yung nasa isip ko kaya't tinanggal niya yung shades niya para makita ko ang hitsura niya.

"Richard?"

- - - 

"Ryan, ryan!!!" Natataranta ang lahat na lumapit samin ni Tin na nag-uusap sa bahay nina Greg. Hindi ako pumunta sa airport dahil sa ayokong makitang umalis si Pat, hindi ko ata yun kakayanin, kaya nagdecide na lang ako ng sunduin si Tin sa bahay nila at kung kelan makakatiempo na ako para pag-usapan yung about sa kasal namin at kung alam na ba niya yun, sakto namang dumating ang mga to.

"Nandito ka na pala, sayang hindi mo naabutan si Pat." Agad na sinabi ni Kelry nung nakita niya ako. Pansin ko pa ang ginawang siko ni Mike kay Kelry na parang sinasabing wag-mo-na-banggitin. 

"Ahm ang ibig kong sabihin-" Hindi pinatapos ni Greg si Kelry na nagtatatakbo at hinihingal pa na pumunta samin.

"Yung- yung, yung eroplano ni Pat..." Hinihingal pa siya. Agad naman akong napatayo, " Ano? Anong nangyari sa eroplano ni Pat? Ayos lang ba siya? Nasan na raw siya ngayon?"  Sunud-sunod kong tanong na hinid mapakali. Dapat pala minonitor ko kung maayos ang flight niya. Napahampas pa ako sa noo.

 "Hindi.." At inayos muna ni Greg ang sarili niya bago magsalita ulit. "Yung eroplano ni Pat, nagkaroon ng problema, bigla raw nastroke yung pilot, buti na lang nga at may magaling magpatakbo ng eroplano sa mga pasahero, kung hindi baka wala na si Pat ngayon." Agad ko naman siyang binatukan.

"Bawiin mo nga yung huli mong sinabi! Pero ayus na raw siya ngayon?" Tanong  ko sa kanya. "Oo, kanina ka pa nga raw niya tinetext, hindi ka naman sumasagot, kaya sa akin na lang siya nagtext." Sabi niya at parang nahihiya siya, may hindi ba siya sinasabi? "Yun lang?' tanong ko sa kanya. Pipigain ko to!

Mr. New (JulNiel Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon