Chapter 21: Goodbye RyPat?

933 29 9
                                    

"Ah talaga? Wow, ang galing! Grabe, sikat na talaga kayo noh." Kausap ko sa telepono si Greg ngayon, sinabi niya sakin na kinukuha raw sila ng Star Magic. Galing naman, nadiscover na talaga sila. At gusto nilang kunin yung offer pero nagpapaalam sila sakin dahil baka di na kami magkita. 

"Hah? Bakit kailangan may permit ko? Pangarap niyo yan noh! Sino ba namang ayaw maging artista, makakapagperform na kayo sa ASAP and many more gigs! Ang galing niyo nga eh. Sige lang. Okay lang naman ako dito." Sino ba naman ako para pagbawalan sila diba? Kakayanin ko naman siguro. Pero alam kong matutulad nanaman ako 2 years ago. Magiging miserable nanaman ang buhay ko.

""Pero pat, hihintayin ka namin bago kami umalis." Sabi sakin ni Greg sa kabilang linya. aalis? 

"Aalis na kayo kaagad? Ang bilis naman." Ang bilis nga talaga. Dalawang araw pa lang ang nakakaraan ng nagperform sila tapos aalis na sila agad? "Eh pano pag-aaral niyo?" 

"Yun na nga eh. Pumayag naman ang parents namin na igive-up na muna, kasi hindi namin makakayang pagsabayin, pero kung puede, mag-aaral kami. Hindi nga lang dito, kundi sa Manila na." Parang babagasak ang mundo ko sa mga sinasabi nila ngayon saakin. 

Iiwan na naman nila ako. Pero hindi ko sila mapipilit dahil kinabukasan nila yun. Masakit lang kasi, kilala mo naman ako, parang tanga pag mag-isa :)

"Ah ganun ba? Sige. Congrats ah, ang galing." Parang walang tono ang pananalita ko sa telepono.

"Ahm, gusto mo bang kausapin si Ryan?" Tanong sakin ni Greg. Si Ryan?! Oo!!!! Kailangan ko pang sapakin ang mukha nun! 

"Sige," Yun lang ang sinabi ko. ayoko namang ipakita na galit na galit ako dun, at isa pa, parang nawalan n ako ng gana.

"Hello?' Parang tumindig lahat ng buhok ko sa katawan ng marinig ang boses niya. After 2 weeks, kausap ko na ulit siya.

- - - 

Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin ngayon, I just want to hear her voice, kaya pinilit ko si Greg na kausapin siya.

"Galit ka ba?" Yan ang una niyang sabi sa akin. Galit? Sh*t! Gusto ko siyang yakapin at sabihing hindi, pero malayo kami sa isa't-isa.

"Hindi! Hinding hindi." sabi ko 

"Eh bakit hindi mo sinasagot mga tawag ko? Mga text ko wala kang nirereply." 

"Hindi ko kasi tinitingnan ang cellphone ko. Hindi ako masyadong nagtetext diba?" Palusot ko.

"Ng dalawang linggo? Natiis mo talaga ako? Grabe ka." Naku! Nagtampo. Hindi ko naman puedeng sabhin na hindi ko siya tinetext  dahil practice ko na yun,

"Hindi..Kasi mahirap iexplain. ano, pauwi ka na diba? Pupunta na kami sa airport. Hihintayin ka namin." Sabi ko. Bahala na to, natatanga nanaman ako.

"Aalis ka din ba?" Tanong niya sakin. Hindi mapigilan ng mga luha ko na tumulo, pumikit na lang ako para hindi ito tuluyang tumulo.

Mr. New (JulNiel Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon