VOTE ka muna bago ka magbasa. Simple lang oh, like mo lang yung VOTE button dun
- - - - - - >
Salamat!! :*
- - - -
RYAN
"Ryan anak.." Pumasok si mama sa loob ng kwarto namin, hindi pa rin bumabalik sina Mike pero mabuti na rin yun, kaysa sa maabutan nila ang gulo.
"Ma, wag mo ng ipagtanggol si Papa." Alam ko na ang gagawin ni mama, ipapaniwala lang niya ako na mabuti ang intensyon ni Papa pero hindi ko na maalis sa isip ko yung mga sinabi niya kay Pat.
"Nak hindi.. Gusto ko klaruhin lahat sayo." tiningnan niya rin si Pat sa pagkakasabi dito. Agad namang umalis muna si Pat para makapag-usap kami ni Mama, pinigilan ko siya pero hinawakan lang niya ang kamay ko at sinasabing magiging okay lang siya. Kaya't hinayaan ko na sila ni Nurzha na lumabas.
"Unang-una, kaya namin pinadala si Ryan sayo, ay para masanay siya sa buhay dito sa pilipinas. Hindi kasi siya yung tipong nakakapag adjust kaagad, and why? Yes, it's because of your marriage. Anak sorry pero nung summer, napagplanuhan na naming lahat ang tungkol sa inyo ni tin, pero ngayon niyo lang to nalaman. i never knew na magkaibigan pala kayong lahat at ngayon pa na kayo ni Pat, nasira lahat. we're sorry." Hindi ko alam kung makakaya ko bang iabsorb lahat ng maririnig ko dito pero hinawakan lang ni mama ang kamay ko na parang sinasabing kakayanin namin to, kaya't nagpatuloy ako sa pakikinig.
"Ibinenta ng ninong mo ang kompanya nila sa papa mo and that was really hard for him. Kaya naman hindi niya napigilan na sumama yung loob sa papa mo. Walang ibang alam na kapalit ang ninong mo kundi ang ikasal ka kay Tin at ginusto yun ng papa mo dahil kung mapapakasal ka kay Tin, makukuha ng papa mo ang buong kompanya ng ninong mo dahil sa sayo mapupunta ang shares ni Tin bilang asawa niya." I really can't believe this, ganun ka gahaman si Papa sa yaman?
"I tried to talk to him about it pero he insisted, cause he knew you love Tin, pero hindi pala." Tiningnan niya ako sa pagkakasabi nito at hinawakan ang kamay ko.
"You know, I don't want to force you, alam ko kung gano niyo kamahal ang isa't-isa, its just that, these is the only thing we can do for your ninong." Sabi ni mama sa akin. Pano na to?
"Ma, puede namang walang kapalit ang pgbenta niya satin ng kompanya ha? Hindi ba nagbayad si Papa?"
"Yun ang gusto niyang bayad anak. Ang kaligayahan ng anak niya." So, ako pala ang kabayaran? Ang buong buhay ko ang gustong bayad ni Ninong for Tin?
"Bakit pumayag si Papa?! Sobra naman ang bayad na yun, mabuti nga't binili pa ang kompanya niya!" Inis kong sabi kay mama.
BINABASA MO ANG
Mr. New (JulNiel Story)
FanficPaano ka mabubuhay kung ang buhay mo ang siyang nawala sayo? Handa ka na bang umibig muli kung sakaling dumating ang bagong magpapatibok ng puso mo? Paano haharapin ni Pat ang mga pagsubok na to sa buhay niya? Samahan natin siya sa kanyang epic love...