Chapter 26: HUWAT?!

993 28 11
                                    

Eh kasi, Si Nef ang nagpaalala sakin sa pag-update, di ko pa nahahanap username niya pero sa kanya ko dinededicate tong chapter na to :)) At sa inyo na din, salamat sa reads :*

VOTE! :)) ----->

RYAN

"Ano pong meron?" Pagpasok na pagkapasok ko sa kwarto, nakatingin lang si Papa kay Ninong ng seryoso at masamang-masama kaya ngtanong agad ako kung ano bang dahiln kung bakit sila pumarito.

"Ano itong sinasabing ayaw mong magpakasal?"  Agad na tanong ni Ninong saakin pero hindi parin natatanggal ang tingin niya kay Papa. Nakawhellchair lang si Ninong at may nakasabit pa na dextrose na halatang-halatang nagpagod pa para pumunta sa hotel na tinutuluyan namin para lang sermonan ako.

"Ninong, alam ko po ang dami naming atraso at utang sa inyo pero hindi ko po talaga makakayang pakasalan si Tin." Matapang kong sinabi sa kanya. Ayoko na rin naman silang lokohin pa diba?

"Bakit?!" sigaw ni ninong sakin. Napaatras pa ako sa sobrang takot ko sa boses niya. Masyadong malalim. o.O

"Bakit kailangan mong ganyanin ang anak ko?! Wag na qag mo siyang sisigawan dahil hindi mo siya anak!" Sigaw ng papa ko sa kanya. tumingin lang ako kay papa at nagpasalamat na maayos na kami. ngayon lang niya ako pinagtanggol ng ganito. :) heavens XD

"Hindi niyo puedeng ganyanin ang anak ko! Hindi puedeng basta-basta niyo na lang siyang iiwan!" Sigaw ng ninong ko kay papa. nagsisigawan na sila at halata namang dinig yon sa labas kaya hindi na ako nagulat kung pumasok sina mama at tita sa loob.

"Bakit ba ang ingay ingay ninyo?" Tanong ni Mama na hindi pa pinahahalata ang kaba sa loob niya pero kilala ko si mama, hindi siya marunong magtago ng feelings niya, kaya alam ko talagang kabado siya.

"Mae, sa labas na muna kayo." Pinapahinahon ni Papa si Mama at pinapaalis nalang. pumunbta naman sa side ni Ninong si Tita.

"Wala na tayong dapat pag-usapan pa, hindi magpapakasal ang anak ko kay Tin and that's final." Sabi ni Papa with scary serious eyes. Umiba naman ang mukha nina tita at sumigaw na rin siya.

"Ang kakapal din ng mga mukha ninyo noh? How dare you say like its so simple na icancel ang lahat? All is ready! Invitations are sent! Tapos sasabihin ninyong hindi matutuloy? Akala niyo ba ganun lang kadali yun?!" Sabi ni Tita. Tumutulo na ang luha niya pero I can't feel something. Natatawa pa nga ako sa mga luha niya pero naisip ko na ang sama ko na talaga para matuwa sa iyak niya.

"Tita, di po bang mas mabuti na itong ganito kaysa naman pong-" Nagulat pa ako ng tinuro niya ako ng madiin. "Huwag mo akong matita-tita! At puede ba, huwag ka munang makialam dito!" Sigaw niya sakin at napaatras ako at nabangga sa pader, dun ay narinig ko ang mga nagsisigawan din sa labas.

- - -

PAT

Simula ng pumasok si Ryan sa loob hindi na matanggal ni Tin ang mga mata niya sakin. Habang pinupunasan ko ang basa kong buhok, mas tumetensyon naman ang mga tingin ni Kelry kay Tin. Nagulat pa ako asa sigawan sa loob at ng pumasok na sina Tita Mae at nanay ni Tin, hindi na siguro nakapagpigil si Tin o baka hinihintay lang na wala ang mama niya bago makipa-away.

"Kasalanan mo to eh!" Sigaw niya sakin, bago pa ako makapagreact ay tumayo na si Kelry na katabi ko lang.

"Hoy! Walang kasalanan ang ORIGINAL! Ikaw tong ahas na mang-aagaw tapos ibubuntong mo kay Pat ang galit? Chosera ka teh!" Sigaw sa kanya ni Kelry.

"Kayo siguro ang mas Echosera, alam ko kung bakit? Yang kaibigan mo kasi, alam na ngang may fiance na ang ex, eh babalikan at aagawin pa!" Sigaw naman ni Tin at lumapit agad si Kelry na parang hahamunin ata si Tin, hindi nga lang halata dahil sa tangkad ni Tin sa kanya para lang siyang nakatingting na nakikipagtangkaran. Pero pinigilan siya ni Mike.

Mr. New (JulNiel Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon