Chapter 12: Revelations

1.2K 28 5
                                    

Nagising ako sa isang maliit at mainit na bodega, maraming mga bagay na hindi ko alam kung ano dahil sa sobrang dilim. Gusto kong sumigaw pero walang lumalabas sa bibig ko, pinippigilan ito ng panyong kagat-kagat ko. Hindi naman ako makawala sa higpit ng pagkakatali sakin sa upuan. Nararamdama ko ang dugo kong tumutulo sa mga braso ko sa sobrang higpit ng taling nakabalot sakin.

Parang nauulit ang nangyari noong araw na namatay si Jap, pero hindi ganito, hindi dito. Umiiyak na ako ng naalala kong kasama pala si Ryan sa kidanpan na to. Agad ko siyang hinanap pero wala akong makita sa sobrang dilim.

"Pat..."

May narinig akong tinig na nagmamakaawa sa may bandang likuran ko, pinilit kong lumingon pero masakit. Pati kasi yung leeg ko nakatali. Para hindi ako kailan man makagalaw.

Anong nangyari? Bakit ganun ang boses ni Ryan? Anong nangyari sa kanya? Anong ginawa nila kay Ryan?!!

Maya-maya pa ay may naramdaman akong kamay sa likuran ko at tinanggal nito ang panyo sa bibig ko. Masyadong mahapdi yung bibig ko pero hindi ko na yun naisip dahil sa pag-aalala ko kay Ryan.

"Ryan?! Ryan asan ka?!" Paulit-ulit kong sinisigaw para marinig niya ako, alam kong nandito siya. Narinig ko siya at hindi ako maaring magkamali.

"Makikita mo siya kung tatahimik ka." May pamilyar na boses akong narinig pero hindi ko matanto kung kaninong boses yon.

"Anong ginawa mo sa kanya ha? Sino ka?! Magpakita ka nga, duwag!"

Hindi ko alam ang mga sinsabi ko. Hindi ba dapat ay matakot ako at umiyak? Pero may kung anong pumasok sa isip ko na hindi na puwedeng ganun na lang ang gawin ko tulad ng nangyari kay Jap. Ayoko, hindi ko na kakayanin mawala pa sakin si Ryan. Lalo na't alam kong may magagawa ako pero hindi ko magawa dahil takot ako.

"Hah, matapang ka ah." Patawang sabi ng boses sa harapan ko.

"Wala kang makukuha samin, wala kaming pera." Madiin kong sabi.

"HIndi ko kailangan ng pero mo Patricia," At ngayon, nakikita ko na ang anino niya, papalapit siya sa akin kung saan may tanging ilaw dito sa bodegang to.

"Ano?!" BAgo pa ako makapagsalita, narinig ko agad ang mahinang sigaw ni Ryan, hindi ko alam kung nasan siya pero pinipilit niyang sumigaw kahit hirap na siya, sigurado ako doon.

"Anong kailangan mo kung ganun?" Mahinahon kong sabi, pero natatakot na ako ng sobra rito ah, akala niya lang.

"Ikaw."

Isang pamilyar na lalaki ang tumambad sa harapan ko.

Si Richard.

sumunod naman sa kanya ang isang batang babae na hindi ko kilala.

"Diba ikaw si-?" NArinig ko ang pagtatakang tanong ni Ryan pero naudlot ito

"Ryan, wag ka ng makialam dito para hinid ka na mapuruhan, hindi ka naman kailangan dito eh." Lumapit yung babae kay Ryan na ngayon ay nakikita ko na, nasa kaliwa ko lang pala siya pero hindi ko siya nakita dahil hindi naman siya abot ng ilaw. Para bang sinundan ng spotlight si Tin papunta sa kanya na kita ko na ngayon na nanlalaban pa sa dalawang lalaking nakahawak sa kanya.

Mr. New (JulNiel Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon