Chapter 9: Switched?

1.2K 24 1
                                    

Itong chapter ay naglalaman ng story nina Tin at Richard- Kath at Albie. pero siyempre, papasok parin ang Julniel :)))

- - - -

From: Babe <3

"I'm sorry."

Wala na. Wala na sakin ang tanging bagay na iniingat-ingatan ko. Bigla na lang nawala si Tin ng parang bula. Kahit anong pilit ko pero ayaw na niya. Hindi ko alam kung bakit, ang sabi lang niya na wala na raw siya feelings para sakin pero siyempre, hindi naman ako papayag na ganun na lang yun. 'Mababawi mo rin siya' sabi ko sa sarili ko.

Wala akong ibang gustong sabihan kundi si Pat. Mag-aala-una na ng madaling araw pero hindi ako makatulog. (si author nga din di pa makatulog eh)

Pero gusto kong maunahan ko si Tin sa pagsabi kay Pat ang tungkol dito. Masyado akong nasaktan sa ginawa niya kaya't hindi ko hahayaang ganun na lang yun, masama man ito pero maghihiganti ako.. >:(

"Pat, sagutin mo na..." Ikalimang beses ko na tong pabalik-balik na tawag sa kanya. Alam ko tulog pa yun pero sasagutin nun ang tawag ng kaibigan. nakss. hahaha at sinagot na nga.

"Hello?" Medyo matamlay pa niyang sabi.

"Pat, may problema ako eh, pasensya sa abala ah? hindi lang ako makatulog. Puede tayo kita mamaya? sa V's lang. please?" sabi ko sa kanya ng mahinahon.

(A/N: ang V's ay isang mall. Made lang. hahaha :)

Aaminin ko, mas maganda naman si Pat kay Tin at una kong nagustuhan si Pat pero nung nalaman ko na girlfriend pala siya ni Jasper na medyo basagulero sa school ay umawat na ako at kay Tin nabale ang atensyon ko.

Mahal ko si Tin. Sobrang mahal. Umuwi nga ako dito galing Maynila para lang magkasama kami sa kolehiyo pero parang nawala lahat ng pinag-ipunan ko kanina. HIndi ako makapaniwalang nakaya niyang makipagbreak sakin through text. masakit yun. Sobrang sakit. Naging faithful ako sa kanya at kailan man hindi ko siya pinagdudahan pero kahit pala gano ka kaperfect na boyfriend, kulang parin. Pero hindi ko yun tanggap.

"Hah? Sige, tetext lang kita. Pasensya ah? pagod kasi talaga ako. Mamaya na lang.goodnight." at binaba na niya yung telepono.

Matagal ko na tong pinag-isipan, alam kong darating din sa oras na lolokohin ako ni Tin at nakahanda na ako dun. Pero hndi ko aakalaing maaga masyado para maghiwalay kami. Kaya desidido ako sa gagawin ko. Pero ngayon, itutulog ko muna to.

- - - - THE NEXT DAY - - - -

"Pat may appointment ka ba? May imemeet kasi ako ngayon eh, pasama naman oh."

Nagmamakaawa nanaman sakin tong si Tin. HIndi ko naman siya matiis pero naiinis parin ako sa twing makikipagkita siya sa mga kaklase nming lalaking may gusto sa kanya, ineentertain niya tapos magiging dahilan nanamn ng away nila ni Richard.

Mr. New (JulNiel Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon