Chapter 18: Sorry na :)

1.1K 22 7
                                    

Grabe po!!! Nababasa niyo talaga yung nasa isip ko ha! XD Nanaks naman.. eto na po, sa mga tama ang sagot. WAHAHAHA :) Sorry po sa mga umiyak pero you'll get through. :)

- - - -

Alas sais na ng gabi nang umuwi ako. Agad akong umakyat sa kwarto ni Pat pero nakalock ito. May nakasabit pa sa doorknob na "DO NOT DISTURB". Sa tingin ko, hindi na talaga ako makakapagpaalam sa kanya.

Pumasok na lang ako sa kwarto ko at agad na kumuha ng notebook at ballpen para makapagsimulang magsulat ng lyrics.

I...

I made something..

Waaa! Krinampol ko ang papel at tinapon.. Hindi ko magawa! Ang daming gumugulo sa utak ko. Hindi ko alam kung paano ko to maayos.

"I'm engaged." Inulit ko sa sarili ko ang sinabi ni Mama sakin. Nalaman niya na kami ni Pat kaya't sinabi na niya sakin that I was arranged to someone raw. Gustong sumabog ng dibdib ko ng sinabi niya yun, hindi ko alam kung pano ko ssabihin kay Pat o ano ang gagawin ko. Should I run away? I don't know.

Engaged ako sa anak ng bestfriends ng mga magulang ko. We were engaged daw when we were six, I can't believe that!. And what's worse, I have to live with her. Gaya ng mga rason, pagtatanaw raw yun ng utang na loob ng mga magulang namin sa kanilang pamilya. Sino ang tinutukoy ko dito? Si Tin.

Hindi pa to alam ni Tin pero sasabihin na rin daw ng mama niya sa kanya. Aalis na ako sa bahay na to dahil sa pupunta na ako sa bahay ko. Or should I say bahay namin ni Tin. Hindi ko alam kung ano ang reaksyon ni Tin tungkol dito pero ang mararamdaman ni Pat ang pinakakinatatakutan ko. Maybe this is right. Maybe kaya wala siyang choice kundi ang sumama sa camp na yun para hinid siya masyadong masaktan na pag-uuwi na siya, wala na ako. Sana ganun na nga. Hindi ko mapigilang umiyak.

Sasabihin ko ba sa kanya o hindi? Bago pa siya umalis sa Linggo. Pero hindi ko alam kung paano. I just stared at my notebook and thought that this could work.

Pat,

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo to kaya dinaan ko na lang sa sulat.

       Alam kong galit ka parin sakin dahil hindi kita nagawang ipaglaban na wag umalis sa grupo. Pero I think it's for the best. Goodluck sa competition, alam kong kayang-kaya mo yan. But more that, may gusto akong sabihin sayo.

    

      Pat, tumawag sakin si Mama at sinabing kailangan ko ng umalis dito. Kasi kailangan ko ng....

Kasi Pat, hindi ko alam pero... Engaged na ako. I'm sorry.

Tumulo na yung luha ko at nabasa na yung papel. Hindi ko na lang itutuloy. Puede na to. Pero kasi.. Hindi ko kayang iexplain sa kanya dahil kahit ako naguguluhan pa din. TInago ko yung letter at agad na umiyak ng umiyak sa kama. Hanggang sa nakatulog ako.

- - -

Milagro atang hindi ako kinibo ni Ryan kagabi. Galit ba siya? Guilty? Hindi ko alam. Wala nga akong maramdaman, hindi ako galit pero disappointed ako. HIndi ko akalaing, siya ang nagpasok sakin dito tapos hahayaan niya rin pala akong umalis. Masakit lang kasi boyfriend ko siya diba? Dapat kampi siya sakin. O talagang mali ako?

Paglabas ko ng kwarto, tahimik ang bahay. Hindi pa gising si Ryan. Ginawan ko siya ng almusal pang peace-offering ko sa kanya. Hindi naman siguro ako matitiis nun at lalong hindi ko din isya maitiis.

Mr. New (JulNiel Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon