Epilogue

1.1K 62 26
                                    

Iplay nyo yung song pagnandun na kayo sa part.. basta, may nakasulat lang yun :))

PAT

He had a memoratic amnesia, yung amnesia na ang tangin nakakalimutan ng isang tao ay ang isang bagay na lagi niyang iniisip. At ako yun..

[AN: *gawa ko lang po yan, walang ganyang amnesia, kung meron man, hindi ito memoratic* :))]

Kahit anong gawin ko hindi niya ako matandaan. Naawa na sakin lahat kaya minabuti na ng barkada na bumalik muna sa Dumaguete para hindi ko magulo si ryan dahil nag-iba na siya. Natatakot siya sa harap ko at hindi ko kayang makita yun. Hindi ko alam kung papano ko masisikmurang makitang pandirian ng sarili niyang mahal. Pero naisip ko, ako na lang pala ang nag-aakalang mahal niya ako, kasi siya, hindi niya matandaan. Ayokong sumuko pero kailangan. Yun ang ginawa ko. Bumalik ako dito kasama ang barkada, hoping na tutupad siya sa usapan namin.

" Ayokong mahirapan ka, umuwi ka na.. Bumalik ka kung saan ka noon. Magbagong buhay.. At kung maaalala man kita... Pangako, babalik ako. Babalikan kita, at hindi na kita iiwan."

Yan ang huling sinabi niya sakin bago ako umalis. Alam ko, puro na nga siya pangako eh, tatlong taon na matapos yun pero eto, umaasa parin ako. Kahit umasa sa wala, o sa milagro ayos lang. Yun din naman ang nangyari sa pagkagising niya diba? Kaya kahit unti-unti akong nawawalan ng pag-asa, hindi ako sumusuko. Pero masakit. Kasi mas pa sa sakit na naramdaman ko ng mamaty si Jap ang nararamdaman ko ngayon. Kasi hindi naman patay yung mahal ko, buhay.. pero hindi akin.

Iniisip ko, sa loob ng tatlong taong wala ako sa tabi niya. Pinilit kaya niya akong alalahanin? Pumasok ba ako sa isip niya kahit minsan? Alam ko, yung Ryan na nasa harap ko sa ospital nung mga araw na yun, siya parin ang Ryan na kilala ko. 

Natatawa ako sa sarili ko tuwing naalala ko ang mga oras na tinataboy niya ako kasi hindi nga niya ako kilala. Hindi niya matandaan kung sino si Patricia Montevilla sa buhay niya. Kahit na umiiyak na ako sa harap niya, tinataboy lang niya ako lagi. Pero iniisip ko parin na sweet siya sa lagay na yun.

"Sira ka na talaga Patricia." Kinausap ko ang sarili ko habang palakad papunta sa school ng may nabangga akong isang bulag.

"Ay sorry po!" Pinulot ko ang mga baryang nahulog sa lata niya. Hindi ko talaga siya nakita, ako ata ang bulag eh! Kung ano-ano kasi ang pumapasok sa isip. Pero ang weird lang kasi akalain mong parang kasing edad ko lang yung bulag..

"Ayos lang..." Ngiti niya sakin habang kinakapa ang mga barya. Tinayo ko na siya at nilagay ang mga barya sa lata niya. Pero ang kamay ko ang nakapa niya.

Nag-iba yung pakiramdam ko. Parang hinawakan ako ulit ng isang taong kilalang-kilala ko. Ang taong bumuo ng pagkatao ko. Pakiramdam ko, si Jap ang nasa harapan ko ngayon. Natulala ako sa lalaki sa harapan ko at hinawakan ang kamay niya. Ang haplos, lambot.. Si Jap.. Si Jap talaga ang nasa harapan ko. Alam ko imposible pero alam kong totoo.

"Tuparin mo ang pangako mo.." Nagulat ako sa sinabi niya.. Tuparin ang pangako? Si Jap nga ba to?!! 

"Ano ang ibig mong sabihin? Are you telling me to stop waiting?" Kung sasabihin niyang tuparin ko ang pangarap ko. It means hindi ko na hihintaying balikan ako ni Ryan.. Ano?! Mukhang hindi ko kayang gawin yun..

"Wag kang mangamba, kaya mo yan.. wonderwoman ko." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya... Si Jap nga to. Kahit sa tingin ko nababaliw na ako pero alam kong si Jap lang ang ganun kung magcheer para sakin.. Hindi ko napigilan ang sarili ko, niyakap ko ang lalaking nasa harapan ko kung sino man siya.

Para sakin, si Jap ang nasa harap ko. Ang taong bumuo ng sarili ko.. Pero kahit sobrang saya ko, may lungkot parin sa puso ko. Ang thought na sinasabi niyang magmahal ako ulit. Magmahal ako ng iba? Hindi ko kaya... si Ryan, si Ryan ang nasa puso ko. Naguiguilty nga ako kasi kahit kayakap ko na ang taong pinakamamahal ko, si Ryan parin ang nasa isip ko. Pero maiintindihan naman niya yun diba? 

Mr. New (JulNiel Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon