Chapter 22: I love you Goodbye..

932 26 12
                                    

"Ang tagal naman nila Ryan oh, kanina ko pa sila tinatawagan ni Mike." Kanina pa ata naiinip si Kelry at tawag ng tawag kay Mike. 

KOmpleto ang barkada, ako, si Tin, si Gref, Kelry at parating yung dalawa. Ito na raw kasi yung last moment na magkakasama kami kaya pumunta ako, kahit ayoko sanang makita si Ryan. Nakaupo kaming lahat sa isang malaking table. Kaharap ko nga si Tin pero hindi kami nagpapansinan, handa ko naman siyang pansinin eh, pag pinansin niya ako, kaso hindi eh. mapride? hmm. :)

"Naman oh! Baka kung ano ng nangyari doon sa mga yon, hindi na nagrereply o sumasagot ng tawag si Mike." Pangambang sabi ni Kelry.

"Ikaw ah, parang nahahalata na kita!" natatawang sabi ni Greg. Kahit nga ako parang nahahalata ko na rin.

"Ano? HIndi kami ni Mike! friends lang kami.." Agad na sbi ni Kelry. Defensive?

"Aba! Assuming to, wala pa nga akong sinasabi. ahh. ahem.." Nagkunwari pang umubo si Greg na tinetenta si Kelry.

"Alam mo ikaw, epal ka eh, ha!" Sigaw ni Kelry sabay sapak kay Greg. Ayun, nagharutan nanaman ang dalawa.

Habang nagkukulitan ang dalawa, tahimik naman akong sumilip kay Tin sa harapan ko. Gulat nga ako ng makitang nakatingin din siya sakin. matagal din kaming nagtitigan, ayokong umiwas kasi magmumukha akong weak. Narinig naming may humintong sasakyan pero hindi parin namin inalis ang tingin sa isa't-isa.

"Oh, ayan na sila. Tumahimik ka nga dyan Greg! Sasapakin kita ulit eh! Shh." Suway ni Kelry kay Greg ng makitang papalapit na sina Mike.

Nang makita kong papalapit na si Ryan samin, sakto namang ngumiti sakin si Tin ng napakatamis. Plastik lang? Halaka! >:) Agad na akong nag-iwas ng tingin para wlang makahalata na may tensyon sa pagitan naming dalawa.

"Kanina pa namin kayo hinihintay, ang bagal niyo!" Reklamo ni Kelry kina Mike. Umupo si Mike sa tabi ni Kelry at saktong uupo na sana si ryan sa tabi ko ng tawagin siya ni Tin.

"Ah, Ryan, nagreserve ako ng seat sayo. Si Greg ang nakaupo diyan eh." Sabi ni Tin. Napataas tuloy ang kilay ko sa sinabi niya. Si Greg? Eh nasa kabilang dulo nakaupo si Greg.

"Hah? Anong dyan? Dito kaya ako nakaupo." Mabilis na sabi ni Greg. May kakampi ako, yes!

"Diba siyan ka nakaupo kanina?" Sabi ni Tin na kumindat pa kay Greg. Mukhang kunwari-kunwari nanaman tong bruhang to. Nakakainis na ah! Eh sa tabi ko gustong umupo ni ryan eh.

"Hindi.. ayos lang ako dito Tin, salamat."At umupo na si ryan sa tabi ko. Nagpigil naman ako ng tawa ko ng makita ng itsura ni Tin, rejected? Aww.. Bagay lang sa kanya yun. Teka nga, mukhang nagiging demonyita na ako rito eh hindi naman ako ganun eh.

"Guys, guys! Attention muna!" Pigil ni Mike sa aming apat. Makinig raw muna sa kanya at may sasabihin siya.

"Gusto kong malaman ng lahat..." At tumayo siya kasama ni Kelry, akbay-akbay pa niya ito.

"Na.." Excited na ang lahat na sabihin ni Mike na sila na ni Kelry, yun ba yung sasabihn niya? Hmm..

"Na?" Sabay-sabay naming tanong. Habang papalapit ang mga mukha namin para makinig, sakto namang gumagalaw din ang kamay ni Ryan paakbay sakin, ang swapang noh? Pagkatapo ng ginawa niya! Eh teka, hindi ba dapat hinampas ko yung kamay niya at ayaw ko? Eh bakit parang gusto ko pa? STUPID PATRICIA! >.<

"Na.." Pathrill na sabi ni Mike,

"Na??" Naiinip na kami dito Mike ah.

"Haynako, ako na nga lang. Na kami na ni MIke :)" Umeksena na si Kelry na kanina pa ata naaawa sa posisyon namin para lang marinig ang sasabihin ni Mike. Nagpalakpakan pa ang lahat ng malaman yun. Bagay naman kasi talaga sila. Kasi si Mike, mabait na mabait, makakaya niyang patahimikin ang maingay na si Kelry na didisiplinahin niyang parang tatay. oops, joke lang Kelry :)

Mr. New (JulNiel Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon