Chapter 10: Away away away na to

1.1K 26 5
                                    

"Gusto ko ng matulog." Pinilit kong umiwas na lang kesa sa mag-away pa kami pero pinigilan niya ako.

"Aray Ryan, nasasaktan ako." Nagpupumiglas ako sa hawak niya pero masyado siyang malakas, palibhasa lalaki.

"Nagtatanong ako kung saan ka galing." Kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya. Natatakot na ako pero sumagot parin ako ng matapang.

"Bakit ka ba nagagalit ha? Na hindi ako umuwi ng maaga? Puede ba, bahay ko to. Sinabi ko naman sayo kanina na hindi na  ako sa bahay magdidinner diba? Ano bang paki mo?" Tinaas ko ng konti yung tono ng pananalita ko para mwala yung takot ko. tinanggal ko yung kamay na nakahawak sakin at umaykat sa taas.

"Sinabi ko naman sayo diba? Mahal kita. Nag-alala lang ako." Napahinto ako sa sinabi niya. Lumingon ako at nakita kong nangigilid ang mga luha niya.

"R-ryan, hindi yun yung ibig kong sabihin." Lumapit ako sa kanya at pinunasan ang luha niyang tuluyan ng tumulo.

Hinawakan niya yung kamay ko at tumitig sakin ng seryoso

"Bakit ka agad na umalis kanina?" Mahinahon niyang sabi.

"Kasi kausap mo si Tin." Nakayuko kong sabi pero hindi ko tinanggal yung hawak niya sa kamay ko.

"Nagseselos ka nuu?" At napangiti pa ng konti. pilit niyang tinitingnan yung mukha ko na ngayon ay namumula na. Nung nakita na niya yung mukha ko, tumawa lang siya at niyakap ako.

"Kasama ko kanina si Richard." Sabi ko sa kanya.

"Ano Hindi puede. wag ka na sumama dun ah?" Sabi niya at niyakap pa ako ng mahigpit.

"Huh? Bakit?" Nagtataka kong sabi.

"Dahil nagseselos ako." seryoso niyang sabi sakin. napatahimik lang ako at niyakap niya ako ng mas mahigpit pa.

Hindi ko namalayan na nakangiti rin pala ako. Natatawa na ako ngayon, eh hindi naman kami dapat magselosan dahil wala namang namamagitan samin pero hindi ko parin maiwasang isipin na baka nga puedeng subukan.

Kumalas siya sa yakap at tumitig sakin.

"Pat.."

"Hmm?"

Nilapit niya yung mukha niya sakin at medyo nilayo ko naman yung akin. Langya, mukhang nanakawan nanaman ako ng halik nito.

"Hindi ako nagbibiro sa mga sinsabi ko. tingnan mo ang mga mata ko at malalaman mo. oh sige, ano ang nakikita mo ngayon?" Malumanay na sabi niya sakin at mas nilapit pa niya yung mukha niya ng konti na mkhang isang inch na lang ang layo at magkakapalit na kami ng mukha.

Natatawa pa ako bago ako sumagot.

"Muta." XD At tumawa ako ng malakas, tumalikod ako sa kanya a humalakhak pa.

"Ah ganun??? Eh di sayo na, oh!" may tinanggal siya sa may dulo ng mata niya at hinabol ako, ayun, sa dis-oras ng gabi, naghahabulan pa kami.

"Yuck!! Kadiri ka!!! WAg, RYAN!! Kadiri! eeeewwwww!!" Nagsisisigaw ako habang umiiwas sa maaari niyang daanan papunta sakin. Nakaturo parin yung daliri niya na ipapahid nga ata sakin kung ano mang meron dun.

Mr. New (JulNiel Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon