Chapter 30: O Room 3

915 25 1
                                    

PAT




"I never imagined na ganito ang kalalabasan ng lahat." Hanggang ngayon nasa Operating room parin si Richard. Hindi naman namin siya puedeng iwan at mamatay dun. Nandito rin sa hospital si Tin dahil sa nakunan nga siya at ang Papa niya na mukhang nadagdagan ang complications.. At si Ryan, na Nagkaminor hemorrage dahil sa pagkabagok ng ulo niya ng bumagsak siya sa hampas ni Richard. Natatakot ako para sa kanila.. especially sa kung anong puedeng mngyari kay Ryan.

"He was seven ng kupitan niya ako ng pera sa wallet ko na sobrang kinagalit ko." Napatingin kaming lahat kay Tito habang kinekwento niya lahat ng nangyari.

"Hindi ko alam na sobra siyang nasaktan sa mga scolds ko sa kanya.. Dinala namin siya sa park para na siya magtampo pero tumakas siya. Nwala siya sa paningin ni Mae." Si Richard ang tinutukoy nilang nawala?

"Sa maniwala kayo't sa hindi hinanap namin siya. Halos mamatay ako ng diko siya makita..  Napabayaan ko si Ryan na maliit pa lang at ang mama niya para lang hanapin si Richard pero hindi ko siya makita.." Iyak ni Tito

"Kaya nung nalaman ko na may galit sakin ang tatay mo, agad kong sinisi sa kanya ang pagkawala ng anak ko." Sabi ni Tito kay Tin na gising na at nakikinig samin.

"Bata pa si Ryan nun kaya wala siyang masyadong alam. Wala talaga siyang pakialam sa kuya niya nun, he was just five ng nawala ang kuya niya. Galit din siya sa kuya niya dahil lagi siyang inaaway kahit wala siyang ginagawa kaya parang wala lang sa kanya ng nawala ito." Paliwanag ni Tito.

"Insip ni Richard dati na mas mahal ko si Ryan sa kanya dahil sa tuwing uuwi ako, si Ryan lang ang may pasalubong.. Gusto kong matuto si Richard sa ginawa niyang pagkupit pero mas lumala yung nangyari." 

"Sabi sakin ni Richard dati tinakwil niyo siya." Agad namang sabi ni Tin samin.

"May kumupkop sa kanya at dinala siya sa bahay ampunan.. At dun ka niya nakilala Pat." Tumingin si Tin sakin. Oo, naalala ko ng una kaming magkita ni Richard, nandun ako sa parehong ampunan.

"Nandun ako sa parehong ampunan dahil kay Jasper, hindi ko alam na noon pa pala may gusto na siya sakin." Honestly kong sinabi kay Tin.

"Gusto nyang mapalapit sayo kaso laging humaharang si Jasper. Hanggang sa may umampon sa  kanya, isang mayamang pamilya na gustong magkaanak na lalaki." Sabi n Tin

"At habang lumalaki siya sa kamay ng mga umampon sa kanya, hindi niya masikmura na parang wala lang sa inyo na nawala siya. Tito, matagal na po kayong minamanmannan ni Richard." Pag-amin ni Tin.

"Nung lumipat kayo sa States, mas lalo siyang napalapit sakin.. Yun pala ay para masabihan ko siya ng mga balita tungkol sa inyo." 

Mr. New (JulNiel Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon