Kung may suggestions po kayo, puedeng iPM? Para hindi bulgar! HHAHAHA, ;))
- -
"Tin asan na ba kasi si Pat?" nakarating na kami sa hotel na tutuluyan namin pero wala paring nagsasabi sakin kung nasaan si Pat. Kanina ko pa nga kinukulit tong si Tin eh.
"Sabi ko nga sayo diba? Nasa Dumaguete un, sira!" nililigpit niya yung mga gamit niya sa cabinet habang kinukulit ko siya. "Tabi nga muna." At inayos niya lahat bago umupo sa kama para makapag-usap kami ng maayos.
Ang iba naman, nag-aayos pa pero parang may mga matang nakatingin samin ni Tin, parang pinagbabawalan talaga nila si Tin na sabihin kung nasaan si Pat.
"Eh, imposible, bakit parang may tinatago kayo sakin?" Agad kong tanong kay Tin at nilingon pa sina Greg pra tingnan ang mga reaksyon nila pero nag-iwas lang sila ng tingin.
"Wala nga kasi, ang kulit!" Suway niya sakin at humiga ng kama para matulog.
"Sige ka, hindi kita papakasalan pag di mo sinabi." Pati ako napahinto sa sinabi ko. Palusot lang naman yun pero nagkatinginan lahat. Alam naman na nila yung sitwasyon pero parang sumama yung tingin ni Kelry sakin kasi nagtaas siya ng kilay. Scary :(((
"Ah, biro lang naman yun, ano.. Ano kasi, ahh. bakit ba ayaw niyo sabihin?" SUmuko na ako, wala na rin akong maisip na dahilan eh. At para naman silang walang narinig at nagpatuloy sa mga ginagawa nila.
"Ang labo niyo naman eh!" Nainis na talaga ako, hangin ba ako? Ganun? Puede namang sabihin kung bakit eh, kailangan talagang dedma? Nakakainis. NAgwalk-out ako ng kwarto sabay baba muna para magpahangin. Tiningnan pa ako ni Tin bago ako umalis ng kwarto sabay "Sorry" sakin.
- - -
"Kayo ha! Walang magsasabi kung nasaan si Pat!" Bilin ni Kelry sakin. Kanina pa nga tlaga ako kinukulit ni Ryan pero dahil takot ako kay Kelry kaya hindi ko sinasabi. Tinuturo-turo niya kasi ako lagi na baka raw masabi ko. Ewan ko, para atang wala ng maygusto sakin sa barkada, ewan ko na lang kay Greg, ang labo din nun minsan eh.
"Anong problema? Wala naman akong sinabi ah?" Tanong ko kay Kelry ng masama nanaman ang tingin niya sakin. Lagi na lang.
"WALA akong problema sayo, ikaw kasi yung problema ko. Yang pagmumukha mo, yang buo mong pagkatao." Sabi niya sakin sabay irap. Ang kapal din naman ng babaeng to ah, wala naman siyang alam! Antipatika! Gusto ko na ngang sabunutan pero pinigilan ko ang sarili ko.
"Bakit ba? Wala naman akong ginagawa ah?" Mahinahon kong sabi. Mas umusok naman yung ilong niya sa sinabi ko, may mali ba dun?
"NAku!!! Naku naku naku, Mike, pigilan mo ako at baka NAKU!!!! Hindi ka na makakaabot ng umaga sakin babae ka!!" Galit silang lahat sakin? HIndi nila alam yung pinagdadaanan ko. Hay, umalis na lang ako ng kwarto ng saktong nagring ang cellphone ko.
"Bakit napatawag ka?"
"Diba sabi ko sayo tumawag ka sakin pag nandyan ka na? Tin naman eh."
"Ah, oo. Sorry, na-nawala sa isip ko."
"O, so nandyan ka na?"
"Oo, kailan ka ba susunod dito? Gusto na tuloy kita makita."
"Malapit na hihintayin ko na lang na makapagdesisyon si Pat." PAt nanaman! Lagi na lang!
"Ah sige. Bababa ko na." At binaba ko na nga.
Lint*k na Pat na yan oh, nakakaya niyang kontrolin ang mga tao sa paligid ko. Ang barkada halimbawa, parang ako ay kontrabida dito pero ang totoo siya naman! Bumaba naman ako para hanapin si Ryan, nakita ko siya sa may cafe.
BINABASA MO ANG
Mr. New (JulNiel Story)
FanficPaano ka mabubuhay kung ang buhay mo ang siyang nawala sayo? Handa ka na bang umibig muli kung sakaling dumating ang bagong magpapatibok ng puso mo? Paano haharapin ni Pat ang mga pagsubok na to sa buhay niya? Samahan natin siya sa kanyang epic love...