Chapter 24: Fight for love

1K 33 10
                                    

PAT

Sa wakas nandito na ako. feel na feel ko ang pagbaba ko sa eroplano at malanghap ang hangin ng Manila. Ang OA lang ah, haha pero kasi, kapag iniisip ko na makikita ko na ulit si ryan and now na makakaya na naming mapaglaban yung love namin para sa isa't-isa, naeexcite ako. ;)

Mataimtim kong pingadasal kung ano ang dapat kong gawin sa mga nangyayari samin ni Ryan at naisip ko na dapat, kung mahal mo yung isang tao, ipaglalaban mo siya diba? Kaya eto ako. Alm na to ng buong barkada maliban ky Ryan. Gusto ko kasi siyang sorpresahin.. Tinawagan ko naman muna si Mike.

"Hello Mike?" Excited na akong makita sila. Gulat naman ako ng babae ang sumagot, si Kelry pala yun, mas excited pa sakin kung makasagot eh.

"PAT!!! Andito ka na?!! Asan ka? Susunduin ka namin!" Agad niyang sabi. aNG OA naman ata ni Kelry ngayon, Hahaha, para akong mawawalang bata sa Maynila eh kahit papano alam ko din to noh.

Sinundo na nila akong tatlo nina Greg at Mike. Nagtataka ako kung bakit wala sina Tin at Ryan pero hindi ko na tinanong pa. 

"ANO??!!! NAGDROP-OUT KA SA SCHOOL?!!" gulat na gulat ang lahat sa desisyon ko na magdrop-out ng school para makapunta dito. Eh hindi nila naman nila ako papaalisin dahil hindi pa tapos ang 1st semester, at pag hinintay ko pang matapos ang first semester, malamang kasal na si Ryan nun!

"Ano naman ang gagawin ko? Akala ko alam niyo na magdadrop-out ako." Marahan kong sinabi sa kanila. Akala ko talaga alam na nila na yun ang magiging desisyon ko. Pero gulat na gulat sila ng sinabi ko ang tungkol dun.

"Akala ko magleleave ka lang." Malungkot na sabi ni Kelry. Bakas sa kanya ang guilt na parang hindi tama na pumayag siya na sumunod ako sa kanila.

"Leave? Ano yun, trabaho? Sira! Pero ayos lang naman, maghahanap na lang muna ako ng pagtatrabahuan dito, baka may mahanap ako." Paniniguro ko sa kanila. Ayoko na rin muna mag-aral, wala akong pera.

Isang option din kasi kung bakit ako nagpadrop-out dahil sa tinanggal na ng mg Carpio ang scholarship nila sa akin, pinabalik lahat ng binayaran nila! Kaya hindi na talaga ako makakapag 2nd sem kung hindi ako umalis dun. Atleast, mag-iipon na lang muna ako dito. Alam ko naman rin kung bakit nila tinanggal yung scholarship ko, siguro dahil nakakasagabal na ako sa kanila o kaya ay ayaw na nila akong suportahan, baka may nagawa ako. Pero kahit ganun, pasalamat parin ako sa kanila dahil nakapagtapos ako ng highschool sa tulong nila at ang laki na rin ng itinulong nila sa akin, ayus na yun. Pero bakit kaya hindi sila nagpaalam sakin ng maayos? Kahit babye lang. :|

Pero parang hindi sila masaya sa desisyon ko.

"Ano ba naman kayo guys, kayo nga yung dahila kung bakit ako umalis eh, wag niyo naman ipakita sakin na mali yung desisyon ko, sabi niyo guto niyong magkakasama tayo? Bakit ganyan mga mukha ninyo?" Totoo naman kasi, sabi nga nila, pag may ginawa kang desisyon, hindi mo na to mababawi kaya wag kang magsisi, do everything you can para maprove na tama yung desisyon ko kaya dapat tibayin nila ang loob ko, i'm here for them. Partly ;)

"Oo nga naman guys! Sacrifice to ni Baby Pat para satin, wag na kayong malungkot dyan magsweethearts! Teka, may pinsan akong nagtatrabaho sa Cosmo Mag, baka gusto nila ng writer, puedeng-puede ka!" alok ni Greg sa kanya. Tinawagan naman niya agad yung pinsan niya at ang sabi rw ay tatawagan lang ako kung may vacant.

Mr. New (JulNiel Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon