Chapter 28: Shock, shock, SHOCK!!

895 27 2
                                    

Dear Mama,


                 Ma, hindi ko alam kung paano ko sasabihin to sa inyo kaya minabuti kong isulat na lang para hindi kayo magalit sakin. Ma, Sorry talaga.. hindi ko alam ang mga nangyari. Buntis ako.. Si Ryan, pinilit ako ni Ryan. i can't say na rape yun dahil lasing ako that time, basta ang alam ko na lang ay dumuduwal na ako. I took up the pregnancy test at positive ang lumabas. Ayoko na sanang guluhin pa si Ryan dahil may iba siyang mahal pero ma, mahal ko si Ryan at dala ko ang anak namin, I can't do this alone. If only we could talk to them again. Kasado na ang kasal diba? Bakit hindi na lang ituloy, I want my baby to have a father, and it's him. Ma? Can you do me the favor? After reading this letter, burn it. I love you..


                                                                                                                                                                      Tin





Naaalala ko pa lahat ng sinulat ko sa letter na pinadala ko sa Mama ni Tin. Ang hirap rin kasi na sabihin pa kay Tin lahat ng plano dahil ang daming tanong! Mas mabuti pang ako na kaagad ang gumawa ng aksyon para mas mabilis. And see? Ngayon, talagang matutuloy na ang kasal no matter what! Hindi ko papayagang mapunta si Pat kay Ryan. Na kay Ryan na nga lahat, pamilya ko, yaman ko.. wag na rin pati ang babaeng mahal ko. Pagsisisihan niyang pinanganak siya!



TITITIT


Tumunog na ang pinto ko. ibig sabihin nandyan na si Tin. Pinapunta ko siya sa pharmacy para bumili ng pregnancy test dahil hindi parin kami siguradong totoong buntis nga siya, pero kung totoong buntis nga siya, walang duda, alam kong akin yun.

"Tingnan mo!! Positive na!" Masayang balita sakin ni tin sabay pakita ng pregnancy test sakin. Nginitian ko siya at niyakap niya ako.

"Magkakababy na tayo." Napakunot ako sa narinig ko. Kami? Oo akin nga yun pero gagamitin ko yun para sa mga plano ko. Walang rason para sabihin niya yun.

"Hindi pa akin yan hangga't hindi kayo nakakasal ni Ryan. Maliwanag?" Mahigpit kong hinawakan ang kamy niya para malaman niyang seryoso ako sa sinasabi ko at oo. It's not mine unless kasal na sila at nakuha ko na ang gusto ko.

"Pero... Pano kung malaman nilang hindi to kay Ryan?" Alalang tanong niya. Pano niya  nakakayanang mag-isip ng ganyan?!! Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at pinisil ito ng madiin.

"Bakit?! Sasabihin mo ba?!! Hindi puedeng malaman ni Ryan na hindi niya yan anak! Naiintindihan mo ba yun Tin? Kung hindi ay tapos na tayo!" SIgaw ko sa kanya. Siguro naman ngayon ay matatakot na siya diba? Binitawan ko siya at umalis, pero bago ko sinara ang pinto pinaalala ko sa kanya ang gagawin niya sa araw na to.

"Kailangan mong ipakita yang test kay Ryan. At sabihing sa kanya yan." At hindi ko na inantay na magsalita pa siya. May aasikasuhin pa ako.

Mr. New (JulNiel Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon