Chapter 11: What a First Day

1.3K 27 4
                                    

Sa sobrang dami ng nangyayari sa summer ko, hindi ko namalayan na pasukan na pala. Kailan? Edi siyempre NGAYON!!! Kaya nga tarantang-taranta kami ni Ryan dahil sa  pareho kaming 7:00am na nagising, eh 7:30am ang assembly. Wala na, alam ko na ang katotohanan, sa unang araw ng klase ay malalate kami. >.<

"Sa mga nagbabagang balita! Bagong modus ngayon ang mga kidnapper, mga estudyante sa kolehiyo! Pasukan na ngayong araw kaya naman ingat sa mga papasok sa mga unibersidad..."

Naririnig ko pa ang boses ni Anthony Taberna sa tv namin. Hindi ko na iyon masyadong pinansin dahil alam ko namang sa manila alng ang babalang yan at tsaka isa pa, late na late na ako!!

"Huy! bakit nakatunganga ka pa dyan? Halika na!!!'' Nakatutok parin si ryan sa tv, mukha atang nag-aalangan.

"Wag na kaya tayo pumunta? baka kidnappin pa tayo." Bigla siyang nagin seryoso, tinigil niya lahat ng ginagawa niya para makausap ako ng maayos, tumigil rin ako sa pagsusuklay.

"Hah? Sira! Hindi yan nuu, tsaka umaga kaya, Hello? Masyado kang praning dyan. Kita mo nga oh, tapos na tayo pagkatapos hindi lang tayo aalis?" At nagsuklay ako ulit ng buhok ko. Nang natapos na ako, dun ko lang napansin na kanina pa pala nakatingin sakin si ryan.

"Oh bakit?" nagtataka kong tanong

"Hah? Ah-eh, wala wala. Tara na nga." At nauna pa siyang lumabas ng bahay.

"Huy! Teka lang naman." At sinundan ko na siya.

Walking distance lang naman ang layo ng bahay namin sa eskwelahan kaya agad kaming nakarating doon. siyempre, pinag-isipan ko na yung bahay bago ako lumipat para hindi na hassle. Lagi kasi akong huling nagigising kaya palaging akong huli sa klase, eh hindi ko naman alam na mas huli pa pala tong mokong na to gumising kesa sakin. Kung 'di mo ihuhulog sa kama, hindi magigising. Dagdag pa tuloy ng problema. Ay, mali, dagdag saya din pala. Huh? Ano ba tong pumapasok sa isip mo Pat, maglakad ka na lang nga.

Pag dating namin doon sa school ay nakalinya na lahat ng mga estudyante. Halo-halo na ata dahil sa isang linya, may mga studyanteng kumukuha ng accountancy, ang iba naman nursing, comsci at iba pa.

Naghanap kami ni Ryan ng mapupuntahan sa linya ng may sumita samin.

"Kayong bagong dating diyan sa likuran, dito na kayo sa harap." Hindi ko kilala kung sino siya pero halatang sa kilos niya ay senior student na siya. Magaling magsalita sa harapan ng tao, medyo matangkad, matangos ang ilong, maputi, hmmm. gwapo ah! Ano kyang pangalan nito?

"Hi, John, sige linya na kayo. Dito kayo sa party namin ah? By the way, Second year pa lang ako." Sabi niya sakin na parang nababasa niya ang mga naiisip ko. Inalok niya yung kamay niya sabay ngiti pa, napangiti naman ako at kukuni na ang kamay niya ng harangan ako ni Ryan.

"Ryan pare. Ah, anong gagawin natin? Party nyo? Bakit? Birthday mo ba??" Ang angas niya habang nagsasalita, ewan ko dun, aagawan pa ata ako nito ng bagong kaibigan eh, pero parang hindi kaibigan ang turing niya dahil mukhang iba ang pagkakatitig niya dito.

Mr. New (JulNiel Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon