Chapter 5: Litrato

1.4K 29 5
                                    

Bigla akong nagising at napaupo sa kama sa tili ni Pat.

"R-r-yaann!!!"

Hinagis pa niya yung telepono niya bago yumakap sakin ng mahigpit na tila takot na takot. (Hehe, advantage ko na yun) Pero nagulat na lang ako ng humihikbi na pala siya habang nakayakap sakin.

"Uy, tahan na, teka.." Kahit ayaw ko, tinanggal ko yung pagkakayakap niya sakin para kunin yung telepono at tingnan kung ano ba yung nakita niya at napasigaw siya.

"Wag, please. Dito ka muna. Please." Pagmamakaawa niya sakin. Hinawakan niya ang kamay ko bago pa ako makalayo. Ang lambot ng kamay niya pero kailangan kong bitiwan tapos tinitigan ko yung magaganda niyang mata. Kahit umiiyak na siya makikita mo parin yung ganda niya, at the same time makikita mo yung takot at lungkot na nadadarama niya. Naman oh, alam siguro niyang hindi ko siya matatanggihan pero curious na talaga ako sa nasa telepono niya.

"Sige, dito lang ako." Bumalik ako sa tabi niya at laking gulat ko pa ng niyakap niya ako ng mahigpit na napagkalaman pa atang ako yung teddy bear na bigay ng kapatid ko. Kinikilig nga ako nun eh, kahit naman kaming mga lalake kinikilig din naman :P Kaya ayun, niyakap ko siya ng mas mahigpit pa sa yakap niya.

Maya maya nararamdaman kong bumibitiw na ang yakap niya sakin at alam ko na ang ibig sabihin nun 'tulog na to'.

Nang makatulog na siya ay ipwinesto ko yung ulo niya sa batman kong unan at hinimas pa ang pisngi niya bago ako tuluyang lumayo sa tabi niya. Hindi ko akalaing mukhang mapapasubo ako sa pabor ko sa mga magulang ko. "Wag muna Ry, dahan dahan lang." pinaalalahanan ko ang sarili ko. Bakit nga ba parang kahit ngayon pa lang kami nagkakilala eh parang matagal na kaming nagkasama? Kahit ako naweweirdohan sa mga kilos ko. Ni hindi ko na nga alam kung parte pa ba to ng pabor na pinapagawa sakin o ako na mismo ang nahuhulog sa kanya?

Dahan dahan pa ako kung lumapit papunta sa dulo ng pinto kung saan nakahandusay ang kaawa-awang telepono ni Pat. Hindi naman ito wasak (buti nga eh, para malaman ko pa ang laman) pero sa lakas nung tapon niya, malamang sira na to.

Kinuha ko ng maingat yung telepono at tiningnan, touch screen kasi tong telepono niya (regalo ni papa sa kanya nung birthday niya) kaya naman malaki yung screen.

Kahit ako nagulat sa nakita ko. Isang litrato ng duguang nakahandusay ng lalaki, siguradong patay na at puno ng saksak. Hindi ko siya kilala pero mukhang pamilyar yung damit na suot niya. Dun ko lang naalala na yung ang suot na tshirt ngayon ni Pat, malamang kay Jasper yun. Pero ang mas kinagulat ko ay yung babae sa likod nito. 

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Si Pat.

Na may hawak na kutsilyo.

Mr. New (JulNiel Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon