Chapter 7: Park Part 2

1.2K 26 2
                                    

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, pero hindi ko maipagkakailang ginusto ko yung nangyari. Pero nandun parin yung guilt ko na pinagtataksilan ko si Jap

'Wala na si Jap, wala na siya pat' Pinaalala ko ang sarili ko. napangiti ako ng para bang naging maaliwalas pa itong park na to. Siguro sinasabi ng weather na ito yung tamang panahon para mag mov-on, its been two years na rin.

Muntik pa akong mapatalon ng maramdaman ko yung kamay ni Ryan na nakahawak sa bewang ko. Bigla-bigla naman tong sumusulpot, pero mukha atang namula ako sa ginawa niya.

"Pat, tinatamad na akong umuwi, dun muna tayo oh." Abi niya at agad akong binuhat papunta sa isa namang puno na natatakpan yung sinag ng araw, Binaba niya ako ng marahan at naramdaman ko pa yung hininga niya dahil sa lapit ng mga mukha namin ng ibaba niya ako ng paupo sa may puno kung saan nakasandal yung likod ko sa puno, tapos umupo siya sa tabi ko.

"Pat, gano ba kayo close ng Richard na yun? Kung makahawak kasi sayo, akala mo sinong nobyo mo." Parang mariin niyang tinanong sakin yung sinabi niya. Haynako, Iniisip ko tuloy na nagseselos siya kahit hindi naman.

- - -

"Ah, simula nung naging kaibigan ko si Tin, kaibigan-slash-kuya ko na rin yun. Ang bait kasi niya sakin. Sa kanya ako pinakaclose next to Jap." Parang wala akong nakitang luksa o lungkot sa mga mata niya habang pinapakinggan ko yung sagot ni Pat. Siguro nga eh unti-unti na niyang nakakalimutan ang boyfriend niya, at yung picture na nakita niya.

"Ahm, yung tungkol sa picture, ano-" hindi ko pa man natapos yung sasabihin ko, bigla siyang nagsalita.

"Nakakagaan din pala ng pakiramdam ng makalangahap ng simoy na hangin nuu? Salamat Ryan ah, ngumiti rin ako after two years. Ah, yung picture? Hayaan mo na yun, Hindi naman yun totoo eh, tsaka naisip ko rin na hindi ko hahayaan ang mga tao na ganunin lang ako dahil alam nilang mababasag ako pero simula ngayon magpapakatatag na ako, wala pa namang pasukan diba? puede pa, kahit late new year's resolution" Natatawa pa siya sa mga sinasabi niya habang nakangiti siya sakin. Alam kong matutunaw ako dito kaya nginitian ko rin siya.

Ngayon ko lang siya nakitang ganito ka saya. syempre hindi ko naman siya gaanong kilala pero alam ko yung kwento niya, kaya naman makikita mo talaga na may nagbabago sa kanya. Masaya akong isiping unti-unti na siyang bumabangon at syempre, parte ako nun noh! Baka may Charms yung halik ko sa kanya kaya biglang nagbago.

"At tsaka mas gusto ni Jap ng ganito, masaya ako. Makakamove-on na din ako." Tumayo siya habang sinsabi ito at itinaas pa ang kanang kamay habang nakahawak naman sa bewang niya yung kabila tapos biglang hinatak ng konti yung kanang kamay niya pababa habang tumatango "AJA!"..

Tumayo din ako at ginaya siya para mapansin niyang may kasama siya sa likod. kasi naman nakakatawa na yung itsura niya pero ang ganda parin niya.

Mr. New (JulNiel Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon