Chapter 27: Secrets

970 21 8
                                    

- - -

PAT


"Ija, Uuwi muna ako ha? Magiging maayos ka ba dito?" Nawiweriduhan parin ako kay Tita Mae kung bakit ganyan ang mukha niya. Iniwan na nga kami nina Mike dito eh para kung may sasabihin man si Tita ay masabi na niya pero wala naman siyang sinabi sakin.

"Opo Tita, bakit naman po hindi?" Nakangiti kong sbi sa kanya. Hinawakan niya ang balikat ko at sunindan ng tingin ang isng kamay niyang nakahawak s buhok ko.

"Kahit anong mangyari, ikaw parin ang anak ko... ha?" Tanong niya sakin ng naggigilid ang mga luha.

"BAkit po kayo nagkakaganyan? Ayos lang bo ba ang lahat?" Hindi naman magdadrama si Tita ng ganito kung walang pinaghuhugutan diba? Para siyang namamaalam, mamamatay na ba siya? Huy Patricia! Ano bang iniisip mo?! erase erase!! >.<

"Basta ipangako mo sakin na hindi mo papakinggan ang sinasabi ng iba. Kami lang ni Ryan ang papaniwalaan mo ha?" Sabi niya sakin at tuluyan ng tumulo ang luha niya. Pinunasan ko naman ang mga ito. Nginitian niya ako at niyakap.

"Ipangako mo anak ha?" Hindi ko man maintindihan ang mga nangyayari, kahit gusto kong alamin pero may nasa isip ko na mas mabuting hindi ko na ito malaman.. muna.

"Opo Tita.... Ma." Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa isip ko kung bakit "Ma" Ang nasabi ko. Siguro kasi hanggang ngyon, nangungulila parin ako sa mga magulang ko at masaya ako na kahit papano, kay Tita Mae, nakahanap ako ng ina.

Bumalik na ako sa hotel na tinutuluyan namin pero wala pa ang barkada. Hindi ko rin sila makontact, kahit nga si Richard hindi ko macontact. Para bang napakabusy ng lahat at ako lang ang bored at walang ginagawa.

Sinubukan kong matulog pero ni idlip hindi ko magawa.
Hindi ako mapakali at para bang ayaw ko rin lumabas ng bahay, natatakot sa puedeng mangyari pero wala naman talaga akong dapat katakutan. Iniisp ko na lang kung ano ang nangyari sa loob ng kwarto nina Tita MAe kanina at bakit ganun ang reaksyon ng lahat. Iniisp ko din kung ano ang sinasabi ni Tin kanina kay Greg na hindi siya puedeng magbago..


- - -



RYAN

"Teka teka teka teka nga!!!!! Pakiulit nga ng sinabi mo Ryan, BUNTIS SI TIN?!" Gulat na gulat na sabi ni Kelry samin habang lumalapit sa direksyon namin ni Greg. Kinakabahan tuloy ako, kasi alam ng barkada.

"SHHH!! Wag ka munang maingay..Hah? Kanina pa ba kayo diyan?" Tanong ko sa kanila pero binalewala nila yung tanong ko.

"Pare, nabuntis mo si Tin?" Seryosong tanong ni Mike sakin. 

"Oo, hindi.. Hindi ko nga din alam pare eh." Magulo kong sagot. Hindi ko naman talaga alam kung ako ba talaga ang nakabuntis kay Tin.

Mr. New (JulNiel Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon