Arthea's POV
"ARRTTTHHHEEEAAA!! GUMISING KA NA KUNG AYAW MONG MASAPAK KITA!" sabi ng isang nakakarinding boses na parang nakalunok ng isang sako ng megaphone.
And guess what? It's Kazumi. Inilagay ko ang unan asa ulo ko tapos natulog ulit.
Naramdaman kong umalis na siya sa kwarto ko kaya I felt relieved. Sa wakas makakatulog na din ako. Nakakainis naman kasi yung Ulan na yun eh. Hindi ako pinatulog dahil sa sinabi niya. Hanggang ngayon ay nagrereplay pa rin sa utak ko yung sinabi niya.
I find you interesting Arthea
I find you interesting Arthea
I find you interesting Arthea
"Argh! Nakakainis!" padabog akong bumangon saka niligpit ko yung mga gamit ko. I frown ng makita si Kazumi na pumasok sa kwarto ko habang may dalang baldeng may tubig.
"I thought hindi ka na babangon? May tubig pa naman sana ako." sabi niya sabay pakita nung baldeng dala niya. I rolled my eyes heavenwards saka binato siya ng unan. Pumasok na ako sa banyo and did my daily routines.
"Arthea! Pakibilisan naman jan oh! Malalate na tayo ano ka ba!" I groan dahil ayan sumisigaw na naman si Kazumi. I check myself first saka lumabas sa kwarto.
Nadatnan kong inaayos ng dalawa yung mga school uniform nila. Grey yung color ng skirt namin tapos yung upper is white na may logo ng Acresia Academy sa kaliwang dibdib. Long sleeve siya tapos may color blue sa sa hem. Pati rin yung necktie namin is blue na may grey na highlight.
"Buti naman lumabas ka na. Akala ko pa naman forever ka nang hindi lalabas." hindi ko nalang pinansin ang putak ni Miyukki at nauna nang lumabas, sumunod rin naman yung dalawang yun at sabay na pumunta ng academy.
Acresia Academy
Napangiti ako habang tinitingala ang academy. No wonder pati ang ibang studyante rito ay napapatigil at napapatingala sa academy. Maganda naman kasi ang academy.
Pumasok na kami sa classroom namin. Nadatnan namin ang tatlong aces na nag-uusap. I mean yung dalawa lang pala ang nag-uusap kasi parang wala naman pakealam si Rainier sa paligid niya. Lalo na sa mga babaeng pasimpleng tumitingin sa kanya tapos maghahagikhikan. Tsk!
Umupo ako sa pinakadulong upuan. Sumunod rin yung dalawa saka pumunta muna kina Ulan para makipag-usap. Mag-aarrange rin naman daw ng seats mamaya kaya pupwede munang pumili ng mauupuan.
Hindi naman nagtagal ay dumating na ang teacher namin. We greeted her saka pinaupo nya na kami. Hindi naman siya mukhang strict saka ang bata pa ni ma'am. Nasa around 30 lang siya.
"Okay class. Since it's our first day kailangan nating iarrange yung seats nyo." I heard almost all of my classmates groaning.
BINABASA MO ANG
Acresia Academy: The Six Aces (Editing)
FantasyI was a normal girl once. A happy-go-lucky girl who has no worries in life. Well, except of me being a member of a broken family. But then, huge wave of responsibility came at kahit kailan man ay hindi ito mababago ninoman. Mismo ako, o si kahit sin...