CHAPTER 12

2.3K 58 0
                                    

Arthea's POV

At exactly 5 am in the morning ay kinalampag na nina Kazumi at Miyukki ang pinto ko. Hindi naman siguro nahahalatang excited sila masyado sa training.

Inilagay ko sa tenga ko yung unan at nagbabaka-sakaling hindi ko na marinig yung ingay. Pero it's no use dahil rinig na rinig ko pa rin ang malakas ng kalabog ng pinto ko at kulang na nga lang ata ay masira ito.

“WHAT THE HELL SINCLAIRE!” malakas kong sabi and I'm sure na narinig nila iyon. Padabog akong tumayo sa kama saka binuksan yung pinto. I give them death glares which I wish na sana literal na nakakapatay sa dalawa.

“Just to remind you na may training tayo ngayon.” sabi ni Kazumi habang magkayakap pa silang dalawa. Napa'tss' nalang ako sa dalawang to kasi parang kulang talaga sila sa buwan eh.

I left them there saka pumunta sa bathroom to do my daily routines.

Pagkababa ko sa kwarto ay naabutan kong kumakain ang dalawa. Tahimik akong kumuha ng Plato ko saka kumain.

Uyyyy Thea galit ka?”  tanong ni Miyukki. The truth is I'm not mad naman talaga pero I prefer to shut my mouth kapag badtrip ako. Ang ayoko pa naman kasi sa lahat ay ang ginigising ako.

“Nope.” I said while popping the 'p'. Nagkatinginan yung dalawa saka naghagikhikan. Ang ewan talaga ng dalawang 'to.

Pagkatapos naming kumain ay dumiritso ka kami sa training room. Namangha ako sa nadatnan ko. This is my first time na pumunta dito sa training room. May malaking space na kasya ata ang 50 na tao na magt-training tapos may iba't ibang weapons na nakahilira sa silid from smallest to the biggest weapon and from long range to short range weapons.

Iniisa-isa kong tiningnan ang bawat weapons. I immediately fell in love with the katana kaya nilapitan at hinawakan ko ito.

“Guess I'm lucky today.” pangiting sabi ko habang nakatitig pa rin sa katana na ngayon ay hawak ko.

Hindi naman siguro masamang itry to hindi ba.

Itinaas ko ang katanang hawak ko at nagsimulang iwasiwas ito. At first ay medyo nag-aalangan pa ako dahil ilang buwan na rin akong hindi nakakahawak nito. Hanggang sa medyo nasanay na ako kaya I started to move my right feet and then my left feet afterwards I let my hand maneuver the weapon.

Narinig kong may pumalakpak sa likuran ko kaya tumigil ako sa ginagawa ko and then tiningnan ko kung sinuman iyon.

“Good thing you know how to use weapon.” patango-tnagong sabi ni Akira. Nginitian ko siya habang hawak ko pa rin ang katana.

“My mom taught me how to use this which I'm very thankful for.”

“Good. Ako nga pala ang magt-training sayo ngayon master. Pero today we'll not focus on your weapon but we will focus on your body's strength and agility.” nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

And.... We will start our training with warm up exercises then 100 push ups afterwards. ” my jaw drop. Seriously? Gusto niya ba akong patayin?

“Are you kidding me?” w-what the heck! Hindi ko kakayanin ang 100 push ups. Baka nga half ay hindi ko magawa!

“No master. Mas maganda ho kasing sanayin muna naten yung katawan naten sa hard exercises para po maimprove yung lakas naten kasi minsan po nagkakaroon ng breakdown yung katawan naten lalo na kapag hindi tayo sanay sa mabibigat na training.” I remain speechless.

Wala na rin akong nagawa kundi sundin ang utos niya. Pinag-warm up muna ako ni Akira dahil sabi niya kinakailangan daw yun para hindi maforce agad yung katawan namin. At pagkatapos ng warm up. Eto na ang kinatatakutan ko. Push ups.

Akira signalled me to start the push ups kaya wala na akong nagawa kundi gawin iyon.

“1..2..3..4...5..6..........” while doing the push ups ay nagbilang na rin ako. At hindi pa man ako nangangalahati ay nanginginig na ang katawan ko at anytime ay babagsak na ako.

“You can do it master. Just keep going at matatapos mo rin iyan.” Akira is giving me encouraging words which I think has a help rin naman.

“98....99....100!!” bumagsak ako sa sahig at habol ang hininga. Feeling ko namamanhid yung katawan ko at hindi ko maigalaw. Tinulungan ako ni Akira na umupo at pinag-pahinga niya muna ako.

After the 20 minutes break ay nagsimula na naman ulit kaming mag-training sa self defense without using any weapons. Hindi naman siya masyadong mahirap para saken dahil nag-aral ako ng martial arts dahil na rin sa kagustuhan ni mommy.

Unang umatake si Akira saken at buti na lang nailagan ko ito. Jusko hindi man lang sinabi na magsisimula na pala yung laban.

I dodge his every attacks dahil nahihirapan akong makakuha ng tyempo lalo na at medyo uncomfortable ako sa kinatatayuan ko. I kick his knee and then I give him a punch on his stomach dahil iyon lamang ang nakikita kong  open.

We continue fighting pero hindi maikakailang nahihirapan ako.

Hingal na hingal na ako pero parang hindi pa rin natitinag si Akira. And that's when I realize something!

That brute! Hinayaan niya muna akong mapagod pagkatapos saka na siya susugod saken ngayon nagsisimula na akong manghina.

He throw me a punch na hindi ko naiwasan kaya naman tumilapon ako. Bakas sa mukha niya ang concern at guilty nang makita akong tumilapon pero I signalled him to continue.

“Master always remember that in every fight you must also use your brain.”  ay letse parang gusto na rin niyang sabihan na hindi ko ginagamit utak ko ah.

Dahil sa inis ay sinugod ko siya at walang pag-aalinlangan sinuntok. Pero bago ba dumapo sa mukha niya ang kamao ko ay mabilis na niya itong hinawakan. Inukot niya ang kamay ko which prevent me to move.

“And in the fight you must also learn how to control your emotion.” sabi niya saka ako binitiwan.

Laht ata ng energy ko sa katawan ay nawala. Pumunta si Akira sa isang sulok at ako naman ay nagpahinga muna. Tiningnan ko ang mga kasama kong busy ring makipag-laban sa mga guardian nila.

Kung ikukumpara, mahina ako kesa sa kanila na pawang marunong nang makipag-laban.

***

Acresia Academy: The Six Aces (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon